"Ano kaba brad? Kargo ko kayo, kahit masama ugali niyang girlpren mo." Tinapik ko siya sa balikat. "Ma'am Tara na, aba."

"Visit na lang ako sa tomorrow." Paalam nito sa kasintahan. "Wag mambabae."

"Yes boss madam."

Napangiwi na lang ako ng maghalikan sila sa harap ko.

"Oo na, tama na yan." Hinila ko si Ma'am Jomela paalis doon. "Ang landi mo."

"Naiinggit ka lang!"

Nang makarating sa kubo ay nandoon na si Renato.

"Ito na yung gulay." Sabi nito

"Salamat Renato." Nakangiting tugon ko. "Sige na, mauna na kami ni Ma'am Jomela."

"Sige, mag iingat kayo."

Umalis na kami doon ni Ma'am Jomela at bumalik ng sasakyan.

"May alam akong shorcut." Sabi nito. "Doon na lang tayo dumaan para mapabilis ang pagbalik natin sa mansion."

"Sige, bahala ka sa buhay mo."

Sinimangutan lang ako nito bago nagsimulang mag-drive. Puro damuhan ang dinadaanan namin, konti lang rin ang bahay na nadadaanan namin.

"Ma'am, shorcut ba'to o longcut?" Nakangiwing tanong ko. "Aba, lagpas tanghalian na."

"Sandali kasi!" Iritang sabi nito

Nagpatuloy ito sa pag-da-drive hanggang sa maghapon na at umabot ng gabi.

"Ma'am, aminin mona, naliligaw tayo." Sabi ko dito

"Yes.." mangiyak ngiyak itong tumingin sakin. "Ano ng gagawin natin? Wala akong dalang cellphone, hindi ko alam kung nasaan tayo."

"Yan kasi, lumandi ka lang kanina, napurol na yang utak mo!" Singhal ko dito. "Yawa, ang dilim dito Ma'am, baka mamaya may mamamatay tao pa dito!"

"Ano ba! Don't scare me like that!" Umusog ito palapit sakin. "Anong gagawin natin?"

"Ede maghihintay tayo hanggang sa mag umaga." Bagsak ang balikat kong sagot. "Ma'am nagugutom na ako."

"Me too." Tugon nito. "Hindi naman natin pwedeng kainin ng hilaw 'yang mga gulay."

"Kung ano ano kasing kalokohan ang nalalaman mo eh, naku, sarap mong ahitan ng bulbol."

"Nag aahit ako, wag ka."

"Naks, ready talaga para kay Chupapi niya."

Nakatanga kami sa sasakyan, parehas ng tumutunog ang tiyan namin at parehas na din kaming mangiyak-ngiyak.

"Gutom na gutom na ako." Reklamo ko. "Ma'am, baliktarin mo nga damit mo baka sakaling mahanap natin yung daan."

"Tanga, para sa chanak lang ang gano–"

"WAHHHH!!!!" Parehas kaming napasigaw ng may biglang kumatok sa bintana ng sasakyan

Napayakap kami sa isa't isa.

"Tinatawag ko po lahat ng Santo, kung may gusto kayong kunin itong Amo kona lang na masama ang ugali."

"Manahimik ka, sasampalin kita!"

Lalong lumakas ang katok kaya parehas na kaming napaiyak.

Biglang nabasag ang bintana ng sasakyan kaya mas lalong lumakas ang iyak namin.

"Ma'am, yung uhog mo nakakain kona."

"The fvck!?" Parehas kaming napalingon sa nagsalita

"Sir Karson!" Umiiyak kong tawag sa kanya.

"Kuya!" Yumakap dito si Ma'am Jomela. "Thank you for coming, kanina pa ako takot."

"Takot din ako, selfless ka."

"It's selfish."

"Ano bang nangyari?" Kunot noong tanong nito. "Anong oras na hindi pa kayo bumabalik kaya sinundan ko kayo, ang sabi sa Hacienda kanina pa kayo umalis. I tried to call you Jomela pero walang sumasagot kaya tin-rack kona ang sasakyan mo. Buti na lang may tracking device yan."

"Yung kapatid mo Sir, sabi sa shortcut kami dadaan." Sumbong ko. "Nagmamagaling, bobo din pala."

"Ang kapal ng muka mo! Bobo ka din kasi pumayag ka."

"Kahit hindi ako pumayag, bobo ako."

"Enough, just drive the car Jomela, sundan nyo na lang ako."

"Oo Kuya."

Bumalik si Sir ng sasakyan niya, sinundan siya ni Ma'am Jomela.

Hindi ko alam kung gaano katagal ang byahe basta nakatulog na ako dahil sa pagod at gutom..






AN: OKAY LANG YAN MADELINE

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon