"Bakit ba kayo nagkakaganito?"

"Dahil sayo" biglang tugon ni Ken sa tanong ko.

"Why, what the big reason? Is it really because of me or are you just jealous of each other because you're afraid I won't be able to choose you?" lumapit ako sa kanila. "Mas gugustuhin ko pang maging kaibigan ko kayo. Dahil dun masasabi kong pantay pantay ko kayong titingalain at mamahalin, walang sapawan"

Nanahimik silang lahat. Kahit anong sabihin ko yata parang malabong magkaka-ayos pa sila. Ang dami nilang galit at poot sa isat-isa.

*After 3 days*

Nabigla ako ng pumunta si Justin sa Mansion.

"J-jah, bakit ka nandito?" Tunignan niya lang ako ng malalim bago nagsalita. "May gusto akong sabihin sayo, bago pa hindi mo malaman" mukhang ang bigat-bigat ng pasanin niya.

"Ano yun?"

"Tungkol kay Ken at Irene"

Nabigla ako sa pangalang binanggit niya. "Anong meron sa kanilang dalawa?"

"Alam kong lagot ako nito kay Ken pero hindi ako takot na sabihin ang totoo sayo. Tin nung araw na nagkabati kayo ni Ken, kakampi niya nun si Irene para makuha ka niya at makuha ni Irene si Stell, pero mukhang si Ken ang totoong gusto ni Irene... at hindi si Stell" nanginginig siya habang sinasabi yun. Bakit siya nanginginig, buti nga na sinabi niya ang totoo.

"So all this time, niloloko ako ni Ken?"

"I don't know, Tin. Pero parang tapos na yata ang pagkampihan nilang dalawa ngayon after nung nalaman ni Ken na si Irene ang hindi tunay na anak" Napatigil siya at may naalala. "Pero nakikita ko parin silang magkasama minsan. Kung hindi sa hotel, ay sa resto. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila dun"

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi ko lang kasi matanggap na kumampi ang isang kaibigan ko sa taong sumira ng buhay ko.

'At kung nagkikita pa sila hanggang ngayon ni Irene. Ano pang dahilan?'

Dahil sa sinabi sa akin ni Jah ay hindi ako makatulog ngayon. Iniisip ko parin ang nangyari sa pagitan nila ni Ken at Irene.

Kaya kinuha ko ang cellphone ko sa side table at tinawagan si Ken. Sinagot niya naman iyon kaagad.

"Why?"

"Magkita tayo bukas, may gusto lang akong sabihin say---"

"Really? What time?"

"Basta" bigla kung binaba ang cellphone at in-off.

Bakit ganun, galit ako sa kaniya. Hindi kasi katanggap-tanggap ang ginawa niya sa akin. Pero kahit hindi naman niya yun gawin, mapapatawad ko parin naman siya sa pang bubully niya sa akin. Naghahanap lang talaga ako ng tiempo para patawarin siya kaso hindi ko nagawa yung balak ko na patawarin siya sa place kung saan niya ako gustong makasama.

Sa billiaran ang tinutukoy ko, kaso hindi yun natuloy dahil nga napatawad ko siya sa wala sa oras.

KEN'S POV

Kahit na walang 5 minutes na tinawagan niya ako. Sobra na ang saya ko para magkita kami bukas.

'Ano kaya ang importante niyang sasabihin sa akin?'

'Pipiliin na ba niya ako bilang boyfriend niya? Hayyy, huwag ka ngang mag overthink Ken.'

*Kinabukasan*

GANGTHROBWhere stories live. Discover now