CHAPTER SIX

572 35 7
                                    

STELL'S POV

[LIBRARY]

I saw the ugly woman na until now I still don't know what her name is.

Hindi niya maabot o mukuha iyong librong gusto niyang basahin, kaya ako na lang ang kumuha.

Napatingin siya sa akin. "Kelan ka pa naging mabait?" kunot noo niyang tanong. Natawa ako.

"Mabait naman talaga ako, eh. Yung mga kasama ko lang talaga ang hindi"

Napatingin siya sa librong hawak-hawak ko. "Akin na nga yan" inaagaw sa kamay ko. I lifted suddenly.

"Agh!" sigaw niya dahil hindi niya makuha.

"Try mo ngang abutin" lalo ko pang itinaas.

"Akin na 'yan kasi!" Tumalon siya para maabot niya yung libro pero hindi niya parin makuha.

'Haha!'

Binasa ko yung ibabaw ng librong hawak ko at laking gulat ako sa nabasa.

'HOW TO BE BEAUTIFUL?'

I looked at her, so she stopped in his tracks. "Nagbabasa ka neto? Gusto mo maging maganda?" Napatango nalang siya na medyo nahihiya. "Pwede kitang tulungan" ngiti kong saad. "My Mom is a dermatologist, kung gusto mo ipaparetoke kita... Oops, don't worry you won't pay anything"

Nanlalaki ang mga mata niya sa narinig mula sa akin, pero bigla ding nagbago yung mukha niya.

"Hindi ko naman kelangan mag pa surgery, maganda naman talaga ako, eh... Akin na nga 'yan kasi." pagpupumilit niya. "Isa, dalawa, tat---"

"Hindi ko 'to ibibigay sayo kung hindi ka mag ye-yes to my liking... Bahala ka, ayaw mo yun gaganda ka, hindi ka na bubulihin nung apat na kaibigan ko" nguso kong aniya. Nagpapa-cute.

Natahimik lang siya bago nagsalita ulit. "Ayoko nga kas---"

"Oh, ano? Nagdadalawang isip ka no?" Natigilan siya sa sasabihin kaya nasabi ko 'to.

"Kung gaganda ako, hindi ka ba magugulat sa malalaman mo, sa totoo kong itsura?" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Baka kapag gumanda ako, ehem..." kunwaring naubo. "Ewan ko na lang" dagdag niya pa. Hindi ko siya ma gets. Pangiti-ngiti siya sa sinasabi niya at sumandal sa books wall at tinignan niya akong mabuti. "Wala ka bang napapansin sa mukha ko, kahit kunti lang? At bakit kaya hindi niyo tinatanog yung name ko?"

'Oo nga naman, bakit hindi namin tinatanong ang pangalan niya? Hays! 'Di pala kami interested sa kaniya.'

"Hindi ba kayo interesado sa akin? Paano kaya kung malaman ninyo ang real name ko" Nakakalokong ngumiti. Hindi ko siya maintindihan. Ang dami niyang sinasabi, ewan ko ba dito sa babaeng 'to.

Kaya tinanungan ko na siya. "Eh, ano bang pangalan mo?"

Napatayo siya ng maayos at inayos ang damit. "Ayoko ngang sabihin, bahala kang maghanap sa students name. Kung talagang interested ka sa 'kin, gagawin mo yun" she raised her eyebrow and leave.

"Hoy! Itong libro!" sigaw ko.

"Ibalik mo na yan diyan, 'di na ako magbabasa!" she shouted.

GANGTHROBWhere stories live. Discover now