CHAPTER THREE

740 46 7
                                    

STELL'S POV

[SOCCER AREA]

"Hey Stell! Is it true what we heard earlier in the canteen? Kayo na ni Rene, kelan pa?" tumabi sa akin si Pablo na may hawak na bola.

"Pano niyo narinig? Wala naman kayo kanina dun ah?" kunot noo kong tanong sa kaniya. "Wala kayo doon sa canteen kanina nung nangyari yun"

"Kakarating lang namin nun nong sinabi mong girlfriend mo siya doon sa babaeng nakaaway ko noong nakaraang araw" si Pablo.

Hindi ako sumagot. 'Paano ko sasabihin na hindi naman totoo 'yon? Gusto ko lang naman kasing tumigil na si Irene, eh.'

"Hoy, Stell! Nagtatanong kami. Ibabato ko sayo 'tong bola ng soccer kung hindi ka sasagot" nakaamba na ang bola sa mukha ko. Hamon ni Josh.

"Hindi"

"Huh? Anong hindi?" takang tanong ni Justin. Hindi niya na gets.

"Nasabi ko lang na girlfriend ko siya kanina. Hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko, eh." pagpapaliwang ko.

"ANO?!" sabay-sabay nilang sigaw na nakasalubong pa ang kilay nila sa akin.

"Ayoko kasing saktan ni Rene 'yong girl kanina, eh. I don't know, even though it looks like that, I feel like I know her" pagpapakatotoo ko.

"What?" hindi maipinta ang mukha ni Pablo sa sinabi ko. "Kailan pa tayo nagkaroon ng kakilala na pangit, huh?"

"Kaya nga" si Justin.

"Oh, paano 'yan? How can you explain to Rene that it's not true that she's your girlfriend? Na hindi mo siya sinagot?" si Josh ang nagtanong.

"Don't worry, nasabi ko na sa kaniya ang lahat, nabigla lang talaga ako"

"Oh, what her reaction?"

"Nagalit, umiyak. Eh, pabayaan niyo na 'yon" sabi ko na tumayo at kinuha ang soccer ball kay Josh at nagpaunang naglaro.

AUTHOR'S POV

Pagkalipas ng isang buwan, natigil narin ang paghahagupit ni Rene kay Atina, nagsawa rin siya.

Kaso nakalaya nga itong si Atina kay Rene, ngunit sumunod naman 'yong lima.

ATINA'S POV

[BASKETBALL COURT]

"ARAY!" para akong nabugbog sa mukha ng may tumama sa akin na bola.

'Gusto ko lang naman manood ng basketball eh. Bakit hindi pa ako nakakaupo, natamaan na agad ako?'

"HAHAHAHAHA" lahat ng nanonood na mga estudyante dito sa gym ay tinawanan ako.

Napahawak ako sa noo ko at hinipo-hipo. "Ang sakit, peste!" bulong ko.

GANGTHROBWhere stories live. Discover now