♥️ CHAPTER 1 ♥️

Start from the beginning
                                    

"Anong Project? Kakasimula pa lang Ng klase project agad? Ako ba pinagloloko mong Bata ka? Ginagawa mo pa akong uto uto huh? Kaya Hindi ko kayo binibigyan Ng malaking Pera dahil sinasayang niyo lang look at the guitar you bought did you use it? It's not right? Kaya mag tiis ka! Wala akong ibibigay sayo!"

"What the F.. napaka kuripot mo ate!!"

"Wow! Nagrereklamo ka? Ikaw na nga tong nabigyan Ng bente nag iinarte ka pa diyan? Ako nga wala ehh nagreklamo ba Ako?!"

Nagdadabog itong naglakad na Akala Moy susugod sa kaaway, nakapamulsa itong may binubulong bulong na Akala Moy bubuyog. Kulay itim yong pants Ng lalaki sa school Namin at white naman yong blouse nila.

"Anak! Dahan Dahan lang sa paghihigpit sa mga kapatid mo, baka mag rebelde Ang mga Yan"

"Nay ginagawa ko lang naman ho Ang tama binibigay ko naman Ang mga gusto nila, Ang mga luho nila pero ganiyang ugali pa Ang isusukli nila sakin?! Masyado nila akong inaabuso at kinakalaban pa Ako the heck!"

"Anak Ang masasabi ko lang Dahan Dahan sa paghihigpit sa mga kapatid mo baka Yan pa Ang dahilan para lumayo Ang loob nila sayo, oh siya.. ikaw ba ay tapos Ng kumain? Ililigpit ko na iri" I'm speechless!

Tiningnan ko si nanay habang nililigpit yong mga nasayang na ulam at kasabay non napaisip Rin Ako sa sinabi niya.
Masyado na ba akong higpit sa mga kapatid ko? Pero ginagawa ko lang Naman Ang tama para sa kanila...Ano bang mali?

"Nay! Pasok na ho Ako"

Sigaw ko Ng maalala Kong malalate na Ako, lintik mga 15 minutes nalang Bago mag 7:30 baka masarahan pa Ako sa gate kapag Hindi Ako nakapag flag ceremony, kahit Hindi pa nakapagsalita si nanay Luci ay tumalikod na Ako at nagmamadaling tumakbo papunta sa gilid Ng mansion para Kunin Ang bike na siyang ginagamit ko kapag pumapasok sa school, malapit lang naman yong school sa mansion, liliko ka lang sa dulo Ng kalsada at makikita mo na Ang school Namin. Hindi ko na tiningnan Ang itsura ko Basta naka school uniform na Ako ay wala Ng problema sa akin Yan.

Ng makarating Ako sa gate binilisan ko Ang pag andar Ng bike ko para makaabot pa Nakita kung nagtatakbuhan yong iba para makaabot Rin.

"Shit! That was so close!"

Nasabi ko pa Bago nilagay sa parking Ng school Ang bike sa gilid Ng kahoy ko lang linagay yong mamahalin Kong bike at nagpagpag Muna Ng palda Bago nagsimulang MAGLAKAD, nagtatakbuhan parin yong mga studyante dahil nasa likuran pa Kasi yong flag ceremony namin at mukhang mag uumpisa narin Kasi pinapabilis na nila yong mga studyante, tumakbo Ako kasabay Ng mga studyanteng nagtatakbuhan para Hindi maabutan Ng Flag ceremony dahil Hindi pwedeng maglakad ka habang kumakanta sila Ng national anthem Kasi talagang papagalitan ka at pagtitinginan ka pa ng lahat Ng mga studyante rito, kaya naman kapag nag umpisa na Ang national anthem hihinto ka at ilalagay sa dibdib Ang iyong kamay na siyang nakasanayan na Namin sa araw araw dito sa school.

Napahinto Ako sa pagtakbo Ng mapatanto Kong Hindi ko alam kung nasaan naka line up yong section ko, paktay na this! Paano ko hahanapin yong section ko eh Ang daming studyante rito.
STEM Ang kinuha Kong Kurso sa senior high na siyang gustong gusto ko dahil gusto ko talagang maging teacher o kaya naman engineer dahil iyon talaga Ang pangarap ko sa Buhay Ang Kaso Sabi ko nga naabutan pa Ako Ng extension K12 tsk!

Lumapit Ako sa nagkukumpulang mga studyante na sa palagay ko ay mga Grade 7 or Grade 8 dahil hindi pa Kasi sila naka school uniform kaya nakakasiguro akong bagong salta Ang mga ito sa MNHS, Ang flag ceremony ay nakaharap sa Senior high building Ng Grade 11 at Grade 12 which is magiging room ko na ngayon.

LOVE at First Sight with DA-GAY?Where stories live. Discover now