"Sino?" mariin kong tanong.

"You should calm down, Milada. We will talk about it. Right here. Right now." tumango ako sa sinabi niya at agad na kumalma.

Lumapit ako sa maliit na sofa habang siya naman ay kinuha ang bakal na upuan. He sighed and placed his elbow on his thigh.

"Sila ang mga taong nagtakbo sa titulo ng lupa. Mga lulong sa droga kaya nagawan ng masama ang tito ko at tita mo. Don't worry, I'm sure that the police already got them. At pupunta tayo doon bukas ng umaga." Aniya.

"Paano nila naaatim na gumawa ng gano'ng krimen? Hindi naman sa kanila ang lupa na 'yon pero bakit ayaw nila ibigay ng maayos ang titulo? Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hirap na hirap si Tita Kilari na bumalik sa Laguna dahil gustong-gusto niya talaga na makuha ang lupa ni mama..." he sighed.

"Sinira nila ang break ng sasakyan ni tito at pinaulanan pa ng bala. They will rot in jail, Milada. I'll make sure of that..." tumango ako sa kanya.

Dumaan pa ang mga araw pero ang komunikasyon namin ni Amadeus ay hindi na ganoong kaaktibo. Lagi akong naghihintay sa mga text niya sa'kin pero wala akong natatanggap. Naiintindihan ko naman 'yon dahil kung hindi naman siya busy ay tatawag ito sa akin at magti-text.

Sa mga nagdaang araw ay hindi pa rin nagigising si Tita Kilari. Walang oras na hindi ako nagdadasal para maging maayos na siya. I always pray for her and to Mr. Payton that is still critical until now.

Nakilala ko na rin ang daddy at mommy ni Nevan. They are all good people. Mukhang kilalang-kilala din nila si Tita Kilari dahil nakita kong umiyak ang mommy ni Nevan. Ngayon ay nandito kami sa may restaurant dahil naimbitahan nila akong sumabay sa kanila mag-lunch.

"Best friend kami ni Kilari..." aniya na ikinagulat ko talaga.

"T-Talaga po? Wala po kasing nabanggit si tita na mayroon siyang kaibigan. Ang alam ko ay wala siyang kaibigan..." naging mahina ang boses ko. Mapait naman itong ngumiti.

"Yes, I and Kilari was bestfriend before..." nanatili ang mata ko sa kanya.

Dahil kaming dalawa lang dalawa ang natira sa lamesa ay nagawa niya akong kausapin patungkol kay tita.

"Was? Akala ko po ba ay magkaibigan kayo?" puno ng pagtataka kong tanong.

"Maraming nangyari noong kabataan namin, Milada..." mapait siyang ngumiti. "Kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi niya na pinilit na magkaroon pa ng panibagong kaibigan. I think she got her trauma because of what we did in the past..." 

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Before I could speak, Nevan and his dad arrived together with the foods.

Hindi ko na nagawa pang itanong iyon dahil iba na ang pinag-uusapan nila at tungkol 'yon sa kaso. Naging interesado ako lalo't gustong-gusto kong makita ang mga taong may gawa kung bakit nakaratay sa higaan si Tita Kilari at walang malay hanggang ngayon. 

Ang dapat din kasi na araw na pupunta kami ay hindi natuloy lalo't maraming dapat asikasuhin. Kaya ng bumalik kami sa ospital ay naging busy ulit ang daddy ni Nevan at siya. Naiwan naman kami ni Tita Naia sa kuwarto ni Tita Kilari para roon maghintay ng balita.

"She's still beautiful until now. Kaya hindi ako magtataka kung bakit hinahabol-habol pa rin siya ng pinsan kong si Payton..." nangingiti niyang sabi habang hinahaplos ang kamay ni tita.

"Ah... may nakita nga po akong picture ni Tita Kilari at Mr. Payton. Naging sila pala at na engage..." she smiled weakly.

"Yeah, nandoon kami ng magpropose si Payton sa kanya. Kaming magkakaibigan ay nandoon..." malungkot niyang sabi.

Operation: Secret GlancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon