Napangiti ako sa mga sinasabi nya sakin, Ewan ko pero ginawa nya pala yun with purpose. I mean para mapansin ko sya, hindi naman kasi kami ganong kaclose ni Ram.
"But before anything else, please let me court you. Statement yan, ayoko na magtanong." Natatawa nyang sabi sakin
Sorry Ram, I have Craye.
"Ram." Hinawakan ko ang kamay nya at pinagkatitigan "Ram, I'm sorry pero kasi I'm inlove to someone. Ayokong paasahin ka, ayokong mag effort ka, ayokong sayangin yung oras mo para sakin, ayokong sa huli sasaktan lang kita. Hindi ko kayang pantayan ang pagmamahal mo sakin, sorry baka may taong mas deserve sayo. Sorry Ram, I'm sorry." Sabi ko tyaka ko sya niyakap, ayokong tingnan sya dahil kitang kita ko ang sakit sa mga mata nya pero kailangan ko talaga syang i-reject.
"Yeah! I'm okay Justine. Thank you kasi at least nasabi ko na yung matagal ko nang gustong malaman mo. Pasensya kana kung Ikaw ang nagustuhan ko." Sabi ni Ram tyaka sya yumakap sa akin "grabe My Information officer, busted agad ako ha." Dagdag nya tyaka sya pilit na ngumiti tyaka umalis sa harapan ko, alam ko na nasaktan ko sya dahil sa ginawa ko.
Tumingin ako sa paligid, tahimik ngunit nakita ko na unti unti nang nag aalisan ang mga tao sa quad.
Tama naman ang ginawa ko diba? Ayokong paasahin sya at saktan. Kaibigan lang ang kaya kong ibigay.
"Kung napakatapang ni Pres. Ram ay ganon din ang bilib ko sayo Justine, napakatapang mo sa nararamdaman mo." Sabi ni Sandy tyaka nya ko yinakap at hinigit na sa tabihan
"Gusto ko lang ipaalam kay Craye na sya lang ang mahal ko, alam na alam yun nang puso ko kahit pa palagi nya na lang akong nasasaktan." Sagot ko kay Sandy
Nakita ko naman na lumapit sakin yung mga kaibigan ko, nakita ko din si Kylie na papalapit samin kasama si Craye.
Wth! Wala pa kaming eksaktong plano para sa kanya, tumingin ako kay Craye at nakita ko sa mga mata nya na sobrang saya nya. Hindi ko alam kung saan nagmula ang saya na yun, sa ginawa ko ba o dahil kasama nya si Kylie?
Anyway! Kahit badtrip ako sa kanya ay sobra ko pa din syang namiss pero ngayon bahala sya, suyuin nya ko dahil hindi ko naman talaga sya kakausapin at kasama nya pa si Kylie.
*Kriiiiiiiiiiing*
Time na para mag start ang klase kaya agad din naman na naghiwa-hiwalay kaming lahat at nauna na kong umalis dahil medyo malayo ang building namin. Nabanggit nang mga kaibigan ko na mamaya na lang namin pagusapan ang nangyari kanina sa quad.
Tsk! Mga chismosa talaga.
--------------GC
Lumabas ang matapang jan! -Silly Sally
Grabe, kita ko na parang iiyak na si Pres. nagpigil lang sya. -Kerubin
Pero tama naman yung ginawa mo Bibe. -Mabuhangin
Ganon naman talaga dapat diba kahit medyo guilty ako. -Justine Bibe
Napaka swerte naman ni Craye. -Leonardo da Vinci
Sows! Naiinis ako jan. -Justine Bibe
Aii LQ kaagad? -Gianne Apuli
Oo nga pala bakit ka badtrip kay Craye? -Mabuhangin
Anung ginawa sayo ni Crayola ha? -3 blind Maice
Andun lang naman sa kanila si Kylie kahapon, maypa-welcome back pa ata akala mo naman matagal nawala si Craye. -Justine Bibe
Tinatawagan kita kahapon ayaw mo naman sagutin, tapos after hindi na kita macontact. -Craye-yons
Bakit nung nagtampo ka, tinawagan lang ba kita? -Justine Bibe
Awwts! Dito pa nga sa gc nag away. -Leonardo da Vinci
Wag kanang mag explain Craye, nireject nyan si Ram kanikanina lang. -3 blind Maice
Korek! Sa part na yon swerte kana. -Kerubin
Nagkampihan pa nga kayo ni Maice, Angel. -Craye-yons
Pinakita ko lang sayo na Ikaw ang pinipili ko kahit ganyan ka sakin. -Justine Bibe
Okay, sorry na. Can I make bawi later? -Craye-yons
Makakabawi ka lang pag nilibre mo kami. -Gianne Apuli
Oo nga, gusto ko ata mag lunch sa resto later. Diba Bibe parang gusto mo din. Hahaha. -Silly Sally
Hoy! Wag nyo ngang ganyanin ang babe ko. Kahit inis pa ko jan mahal ko yan. -Justine Bibe
Ohhhh ayan ha, mahal daw nya ko. 😍😍 -Craye-yons
Bibe wag ka nga magpadala sa mga mabubulaklak na salita nyan, alalahanin mo inis kapa jan dahil sa ginawa nya sayo kahapon. -Mabuhangin
Oo nga pala, Teka bakit nga pala kasama mo si Kylie kanina? Don't tell me na sinundo kapa nya sa inyo para sabay kayo pumasok! -Justine Bibe
Lagot ka Craye. Hahaha. -3 blind Maice
Okay, aaminin ko nga tama ka nga babe. Sorry. -Craye-yons
Ayan kana naman sa sorry mo. -3 blind Maice
Aba si Justine ang dapat na kinakaon mo at hindi Ikaw ang kakaunin ni Kylie. Be responsible naman. -Kerubin
Ayan, nagalit na si Tita Angel. Hahaha -Mabuhangin
Kasalanan ko na nga, kaya gusto kong bumawi. -Craye-yons
Lagi mong sinasabing kasalanan mo hindi ka nga nagsorry sakin kanina sa personal. Madali naman akong suyuin na hindi kagaya mo. -Justine Bibe
Babe, galit ka talaga sakin? -Craye-yons
Baka tuwang tuwa ata. -Gianne Apuli
Teka nga, mag PM kayo sa isa't isa at wag kayo dito maglandian. -Leonardo da Vinci
Oo nga, pati tuloy kami nadadala nang emosyon nyo. -Mabuhangin
Sige, mamaya manlilibre yang si Craye sa resto. Sagot nya lahat nang kakainin nating walo don. Kahit ano pwedeng orderin. -Justine Bibe
Wait! What? Ako na nga Taya dun sa thunderbird nung nag inom tayo, dito ako pa din? -Craye-yons
Bakit ayaw mo? -Justine Bibe
Patay ka! Si Justine ang batas. Hahaha. -3 blind Maice
Okay po, sabi ko nga po ako yung sasagot nang lunch natin later. Hahaha. Sorry, willing naman ako ehh basta bati na tayo ha babe? -Craye-yons
Kakain lang tayo pero hindi pa tayo bati, aba hindi mo manlang ako lalambingin? -Justine Bibe
Ang haharot nyo! -Gianne Apuli
(2) -Silly Sally
(3) -Mabuhangin
(4) -3 blind Maice
(5) -Leonardo da Vinci
(6) -Kerubin
Ang huhusay po magbilang. Hahaha. -Justine Bibe
--------------GC end
------------------------
Sorry kana lang Ram. 🤧🤧🤧Vote and Follow po. Thanks.
YOU ARE READING
Once in a lifetime
FanfictionJhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine
Kabanata XXXV
Start from the beginning