Bigla ko namang narinig yung phone ko, pagtingin ko ay si Justine ang natawag.

Fudge!

"Uii Craye, sagutin mo na muna si Justine baka may kailangan sayo." Sabi naman ni Mama, nakita nya dahil nakapatong lang to sa table

"Excuse po muna." Sabi ko tyaka ako tumayo at dumistansya sa kanila.

Nang makalayo ako ay tyaka ko sinagot ang tawag.

"Babe, nakauwi kana? Sorry ha, naistorbo ko ba ang pahinga mo? Miss na agad kita." Pagkasabi nun ni Justine ay napangiti ako, pero ang isipin na andito si Kylie ngayon sa bahay namin ay medyo guilty ako.

"I miss you too, babe." Sagot ko na lang, hindi ko kasi kaya yung ginagawa ko ngayon sa kanya, should I tell her na andito si Kylie or not?

Ang ending, hindi ko na lang sasabihin at baka kung ano-ano ang isipin non.

"Something wrong, what happened? Parang matamlay ka or pagod ka lang." Tanong ni Justine sakin sa nag aalalang tono

"Craye! Halika na dito. Ang tagal naman nyan, Tara na mag miryenda na tayo nina Kylie." Pasigaw na tawag sakin ni Kuya mula sa salas, nasa kusina kasi ako.

And that moment, Justine turn off the call.

Bullsh*t!

Triny kong tawagan sya pero pinapatayan nya lang ako, nakailang try na ko hanggang sa hindi ko na sya macontact.

Katabi ko lang sya kanina at masaya pa kaming dalawa na nag paalam sa isa't isa bago umuwi sa kanya kanya naming bahay then ngayon, eto na kami.

Nakakagigil! Nakakainis! Nakakaputa!

Pagod pa ko sa biyahe pero kailangan ko syang puntahan right away.

"Ma, may kailangan lang akong puntahan." Paalam ko kay Mama at nagmamadali na kong lumabas.

"Craye, saan ka pupunta? Mag miryenda ka naman muna." Sabi pa ni Kylie bago ko buksan ang pinto para lumabas

"Craye Farrah Vergara!" Tawag sakin ni Mama, at sa pagtawag na yon ay agad akong huminto dahil alam ko na, hindi sya payag sa pagalis ko.

"Aba Craye! Mahiya ka naman kay Kylie, araw-araw yang andito para sayo tapos ngayon aalisan mo lang?" Sabat ni Kuya

"Hindi ka manlang ba mahihiya sa kanya dahil bigla bigla mo na lang aalisan? Inintay ka nyan dito, umaga pa lang andito na yan para sayo. Anak, wag ka namang ganyan kay Kylie at nakakahiya sa kanya." Sabi sakin ni Mama kaya napatingin ako kay Kylie

Kita ko sa mga mata nya ang lungkot. Kitang kita ko, but how about Justine?

Paano sya? Paano ako? Paano naman kaming dalawa?

"Kung si Justine yan, ipagpabukas mo na. Magkasama na kayo nun nang ilang araw ahh, tyaka maiintindihan ka non dahil mabait yung batang yun." Sabi ni Mama tyaka sya uminom sa hawak nyang juice

"Pasabi mo na lang kay Mon ang sadya mo kay Justine, bakit may sasabihin kaba sa kanya or may naiwan lang gamit sa kanya?" Tanong ni Kuya sakin

Wala na akong nagawa, tawagan ko na lang ulit si Justine mamaya pag nakauwi na si Kylie or kahit mamayang gabi bago ako matulog.

"Okay Ma." Sabi ko na lang tyaka ako ulit umupo sa sofa at uminom nang juice

Ang totoo ay hindi na talaga ako mapakali ngunit kailangan kong maging kalmado sa harap nilang tatlo.

Kinakabahan na ko sa kung anong nangyayari kay Justine ngayon at hindi na din mawala sa isip ko ang pangamba na baka magalit sya sakin at mangyari ulit samin yung dati.

"Craye, here ohhh." Inabot ulit sakin ni Kylie yung buko pie "kainin mo na yan tapos pagkakain mo magpahinga kana."

"Thank you." Nagpasalamat na lang ako sa kanya tyaka ko kinain yung buko pie na dala nya

"Mamaya nga pala Kylie, dito kana din mag dinner. Magpapaluto ako, wait ano ba ang favorite mo?" Tanong ni Mama kay Kylie

"Nako Tita nakakahiya naman, uuwi na din ako maya-maya lang. Inintay ko lang po talaga si Craye na dumating." Sagot ni Kylie tyaka ito kumuha nang buko pie na para sa kanya

"Dito kana kumain, magtatampo ako nyan sayo." Sabat naman ni Kuya Nico

"Oo nga naman, anu bang gusto mo?" Tanong ulit ni Mama

"Beef steak na lang po, baka po miss na ni Craye yun. Baka hindi sila nakakain nang beef steak dun and alam ko na yung favorite nyang lasa ay yung lutong bahay talaga." Sagot naman ni Kylie tyaka ito tumingin sakin at nag-wink pa.

Ngumiti na lang ako sa kanya, kung walang Justine baka nafall na talaga ako sa kanya pero meron akong Justine. Hinding hindi ko na yun ipagpapalit pa sa kahit na sino.

"Okay sige, ipapaluto ko din yun pero gusto ko din na malaman ko kung anong favorite mo." Sabi naman ni Mama

"I love kare-kare po." Nahihiyang sagot ni Kylie kay Mama

"I loved too, nako lalo yung may masarap na alamang. Panalo." Sagot ni Mama kay Kylie.

Mukang magkasundo talaga sila sa lahat.

"Talaga Tita? Magaling din talaga ang taste buds nyo, magkakasundo po talaga tayo." Masayang pagbahagi ni Kylie kay Mama

"Mama, paano naman yung favorite ko Ang unfair talaga sa akin." Himig tampo ni Kuya Nico

"Maybe next time, ikaw naman." Natatawang sagot ni Mama kay Kuya

"Sige bukas yung favorite ko naman ha." Pagpayag ni Kuya sa usapan

"Ma, please alis muna ko." Pagko-convince ko kay Mama, ang saya nila tapos ako for sure G na G na sakin si Justine

"Ang kulit mo, ipagpabukas mo na yang usapan nyo ni Justine or kung gusto mo humingi ka nang favor kay Mon at kayo naman ang magkakaibigan diba?" Suggestion naman ni Mama

Jusq Ma! Kung alam mo lang ang problema ko today, hindi ka din makakakalma.

Hindi ko maubos ang kinakain ko dahil kakaisip kay Justine kaya inilapag ko na lang ulit ito sa table.

"Ma, akyat na muna ako sa room need ko lang nang rest. Call me if dinner na, okay?" Sabi ko kay Mama tyaka ko kinuha yung bag kong ginamit na pinaglagyan ko ng mga damit ko sa elyu at ayoko din naman na bastusin si Kylie kaya nagpaalam din ako dito tyaka kay Kuya.

-----------------
Bakit ang bait ni Kylie? ☺️☺️

Vote and Follow po. Salamat!





Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now