"Baby..." Umambang lalapit ulit siya pero umatras ako.

"Don't you dare come near me, Senyorito!" Napapitlag siya dahil sa sigaw ko. "Bakit ka pa bumalik dito? Akala ko ba masaya ka na doon sa Maynila? Bakit nandito ka pa?" Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Sunod-sunod din ang patak ng aking luha.

Akmang lalapit ulit siya sa akin nang umatras ako kaya tumigil siya.

"I hate you! You didn't showed up for months and now—" Natigil ako dahil lumitaw si mam Alena sa gitna naming dalawa ni Senyorito Cross.

"Cross? Rielle? What's happening here?"

Agad kong pinunasan ang aking mukha at walang paalam na tumakbo palabas ng hacienda.

Nagpasama ako kay Andeng sa palengke para bumili ng mga kakailanganin sa pagluluto.

"Marunong ka ba talaga magluto, ate?" Tanong ni Andeng sa akin habang inieksamin niya 'yung repolyo.

"Ano sa tingin mo?" Tinaasahan ko siya ng kilay at hinablot ang repolyo sa kanya. Tss. Is she underestimating me?

"Eh kasi naman diba? Ang sabi ni nanay hindi ka naman daw marunong. Tinuturuan ka niya pero palaging...palpak." Tinitigan ko siya ng madilim kaya nag-peace sign siya saakin.

Umuwi na kami ni Andeng pero hindi pa rin niya ako tinatantanan. Kesyo baka daw masunog ang kusina ni nanay, panget ang lasa ng lulutuin ko at kung ano-ano pang panlalait na natamo ko sa kanya.

"Manood ka lang, Andeng." Banta ko agad sa kanya nang umambang tutulong gaya ng nais niya.

Una kong hinugasan ang hipon sumunod ang mga kailangang sahog para dito.

This makes me feel good, I won't deny it. I suddenly realized that I am humming while doing all of this to the point that I forgot that Andeng is here, looking and watching me.

"Naks, Ate. Ganda ng mood mo ngayon ah?" Panunuya niya.

Nginitian ko siya at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Ang dami naman niyang niluto mo, Ate. Hindi naman mauubos ni Senyorito Cross 'yan eh." Napalingon agad ako sa kanya.

"Hey! Hindi ito para sa kanya noh!" Dinuroduro ko siya gamit ang sandok na hawak ko.

"Sus ate naman. Ako pa? Mind reader ako noh!" Pagmamayabang niya. "Bat ka nga pala umuwing mugto ang mga mata kahapon? Umiyak ka ba?" She asked innocently.

I raised my brows.

Tumalikod ako sa kanya at pumikit ng mariin nang may maalala.

"Hey!" Hindi na ako naabutan ni Senyorito Cross. Pumasok agad ako sa tricycle na tumigil sa harapan ko.

Hindi matapos-tapos ang pagtulo ng luha ko at patuloy ko pa rin itong hinahawi. Fuck! I felt so stupid! Doon pa talaga ako nagkalat sa harapan niya! He saw me crying for petesake!

Hindi ko naman kasi namalayang juice na pala ang iniinom ko! And I was so reckless not to realized that thing dahil lang sa na-occupied na lahat ni Cross ang utak ko! everytime na nakakakain o nakakainom ako ng matatamis, mabilis akong malasing. Letse!

Kaya hindi ako umiinom ng mga matatamis dahil nagb-breakdown ako at hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. Fuck! That's not going to happen next time, ever!

"How will I face him now?" I mumbled. "Fuck Andeng! Lumayo ka nga!" Nagulat ako nang nasa gilid ko na pala siya at tinitikman na ang niluluto ko.

"Matab—" Hindi ko na siya pinatapos tinakpan ko agad ang bibig niya. Napakadaldal eh. Manlalait nanaman.

Nilagay ko agad sa baunan ang sinigang na niluto ko. Marami ang natira kaya tinakpan ko nalang at itinago baka humingi pa ang pamilyang Sullivan, kaya may maiibibigay pa ako.

Nilagyan ko din ng kulay asul na ribbon para presentable naman tingnan.

"Ang gara mo, Ate! Siguradong magugustuhan ni Senyorito Cross 'yan." Komento ulit ni Andeng.

"Hindi lang naman ito para kay Cross, Andeng. Para din ito sa pamilya niya." Pagpapaliwanang ko.

"Eh di para sa kanya nga." Hays, ang kulit talaga.

Iniwan ko muna siya para makapag ayos na rin. At hindi nagtagal, tumulak na rin ako papuntang hacienda. Hindi na siya sumama pero susunod nalang daw siya. Tss. Alam ko naman na gagala na naman iyon.

Tumigil ang tricycle sa harap ng malaking gate ng mga Sullivan. I looked myself in the mirror I brought. May dala akong maliit na body bag. I'm wearing my black fitted jeans then white t-shirt on top paired with converse na binigay ni Raynes. Hinayaan kong nakalugay ang medyo kulot at mahabang itim na itim kong buhok. I'm also wearing a nude lipstick that suits my style now,a lot.

Dumiretso ako sa kusina at nadatnan si nanay na naghahanda na ng pananghalian. Itinago ko muna ang dala ko at tinulungan siya.

Napangiti ulit ako nang maayos kong nailagay ang niluto ko sa gitna ng hapag.

"Hi Rielle!" Bati ng mag-asawang Don at Donya Sullivan.

"How are you, Rielle?" Si mam Alena. I just nod and smile as a response. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at may sumilay na ngiti sa kanyang labi. "May lakad ka?"

"W-wala po." Sabi ko nalang at nagpaalam na sa kanila na sa kusina muna ako.

I composed myself first dahil sobrang tensed ako. Para na akong baliw dito sa kakaisip na baka hindi nila magustuhan ang luto ko at kung ano-ano pa.

Bumuga ako ng malalim na hininga at sinilip ang mga Sullivan kasama si Sofia na masayang kumakain.

Inabangan ko si Cross na kumuha ng luto ko at sobrang saya sa pakiramdam na makitang dahan-dahan siyang kumukuha no'n. Nagdasal ako na sana magustuhan niya.

"Ang tabang naman nito!" Kumunot ang noo ko sa narinig at nakita. "'Wag na niyan, Cross. Ito nalang na niluto ko. Mas masarap pa. Matabang 'yan eh."

Parang may punyal na tumusok sa puso ko nang makitang ininda ni Cross ang luto ko at mas binigyang pansin ang luto ni Sofia. May malamig na dumantal sa dibdib ko. Hindi ko namalayang nakayuko na ako at nakakuyom na pala ang kamao ko dahil sa kakaibang nararamdaman.

Hindi galit kung hindi awa sa sarili. Fuck! The first time I felt this way it was because of my mom drives me fucking insane but now,is kinda different. It felts so rare na ngayon ko lang naramdaman.

"Master!" Nadaanan ko ang grupo nila Fred sa kalye at agad akong sinalubong. Tumakbo ako palabas at naglakad nalang galing Hacienda pauwi. "Kumusta, Master? Mukhang bad mood ka ah? Sino may gawa niyan? Upakan na ba namin?"

Simula no'ng nabaranggay kami, hindi na nila ako nagawang bastusin bagkus nirerespeto na nila ako maging ang iba pa. "Master" pa nga ang tawag nila sa akin.

"Sumunod kayo. Tara sa bahay." Aya ko sa kanila na agad din nilang sinunod.

Maingay silang pumasok sa loob ng bakuran namin.

"May niluto ako diyan, kung nagugutom kayo pwede kayong kumain dito." Tinuro ko ang kusina. Humiyaw pa ang iba dahil sa inasta ko. "Fred, ikaw na bahala sa kanila." Sabi ko at pumasok na agad sa kwarto.

Nagpalit ako ng malaking damit at short. Inis na naghilamos ako para matanggal ang lipstick na pinaghirapan kong ilagay. Itinali ang buhok. Naririnig ko pa rin ang halakhakan nila sa labas.

"Ang tabang nito Master pero masarap naman!"

"Salamat Master! Tamang-tama, hindi pa kami kumakain."

Humiga ako at pinagdiskitahan ang cellphone ko na wala naman kakwenta-kwenta.

Nawala ang ingay sa labas. Bigla nalang silang tumahimik pagkalipas ng mga ilang minuto kaya lumabas ako para tingnan.

Doon nalang ako nagulat nang makitang masama ang tingin ni Senyorito Cross kila Fred papunta sa pagkain at sa akin. Umiigting ang kanyang panga at namumula ang leeg. I saw him rubbed his nose angrily.

"S-senyorito..." Dali-daling nagsilabasan sila Fred dahil sa takot kay Senyorito Cross.

"Tss." Sabi ko at akmang babalik sa kwarto nang magsalita siya.

"Let's talk." 

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon