CHAPTER 45: FLASHBACK

Start from the beginning
                                    

"Doon." Turo niya sa pool na nadaaan namin kanina. Madaming babae doon at halos lahat sila ay naka two-piece.

"Edi pumunta ka."

"Okay." Sagot nito at naglakad nga pabalik sa pool na nadaaan namin kanina. Palibhasa sabik sa babae! Bahala siya sa buhay niya.

Hinayaan ko lang siyang bumalik sa pool at ako naman ay umupo sa dalampasigan. Magpakasaya siya doon at magpapakasaya naman ako dito. Maliwanag naman dahil sa mga ilaw sa paligid. I'm wearing my two-piece underneath these clothes kaya!

Tumayo ako at pinagmasdan kong maigi ang dagat. Para akong tinatawag nitong magtampisaw. Gees! Bibili lang ako ng maiinom ad promise! Babalikan kita dagat!

Bumili ako nang beer at muling bumalik sa dalampasigan. May nakaupo na sa pwesto ko kanina at likod palang niya ay alam ko ng si D iyon. Basa ang buhok nito at talagang nagswimming talaga siya.

"Hey. Nag-enjoy ka?" Napakamot lang siya ng ulo nang makita niya ang plastic na hawak ko. Duh. Dami ko kayang binili na beer. Magpapakalasing ako dahil gusto kong malasing.

"Kulang nalang isang kahon na ang bilhin mo, ah." Umupo ako sa tabi niya at inilapag ang plastic na may lamang alak.

"So, nag-enjoy ka nga?"

"Syempre." Sagot niya saka niya ginulo ang buhok niya para matalsikan ako ng tubig. Kadiri talaga ng taong 'to. Galing kaya siya sa pinaglanguyan ng mga bitch tapos babasahin niya ako! Sinimangutan ko siya pero kaagad niyang pinisil ang magkabila kong pisngi.

"Ngumiti ka nga."

"Ayoko."

"You look weird." Sabi pa nito habang ini-stretch ang pisngi ko. "Weird but still beautiful."

"Huwag mo nga akong binobola. Nakipagswimming ka kasama yung mga bitch doon tapos bobolahin mo ako. Siguro nakipaglampungan ka sa mga 'yun?" Lalo na kung nakaswimming trunks lang siya edi kita na 'yung abs niya at lalo siyang nilandi doon.

"Don't pout." Nakangiti nitong sabi. "Hindi ako nagswimming. Nagshower lang ako doon." Turo niya.

"Talaga?"

"Oo nga. Tignan mo yang mukha mo. Lumiliwanag dahil nalaman na hindi ako nagswimming kasama nung mga babaeng sinasabi mo."

"Bitches D. Hindi ko sinabing mga babae. Bitches 'yun." Pinagbuksan niya ako ng beer bago siya nagbukas ng para sa sarili niya.

Actually, this is nice. Iinom at walang ibang nakakakilala sa amin. Nakatingin lang sa payapang dagat at hindi iniisip yung ibang taong nagkakagusto kay D. Great, I suddenly want to ask about Pauline.

"So." Bungad ko na dahilan naman ng pagharap sa akin ni Damian. Uminom muna ako bago ko itinuloy ang sasabihin ko. "Si Pauline."

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Where stories live. Discover now