Nakarating kami sa hideout ni Brooks. Nang buksan ko ang pinto, nagtaka ako dahil walang tao roon. Isang lugar lang ang nasa isip ko kung saan sila maaaring pumunta. Tumingin ako kay Thrale, wala siyang naging sagot kaya naglakad na ako papunta sa bar. Pero may mga tauhan ni Brooks kaya sa likod ako dumaan kung saan ang abandonadong rest house. Pababa ako ng hagdan, sa maliit na eskinita biglang may humarang sa aking dinadaanan. Ibang tauhan ni Brooks, sinigurado niya talagang hindi ako makakapunta rito dahil kay Cide.

Pero may iba pa akong pakiramdam. Kinakabahan ako. Para bang sabik na sabik akong makapasok sa loob. Na kailangan ko siyang siyasatin, na riyan lang ako mapapanatag.

“Bawal ka na rito, Thrizel.” Walang duda na kilala nila ako.

Pilit kong tinatanggal ang kanilang mga braso pero sadyang malakas sila. “Padaanin niyo nga ako! Si Blue ang habol ko!”

“Ang utos lang ni Boss Brooks ang pinapakinggan namin. Pasensya na.” Sabi pa ng isa.

“AHHHHHHHH!”

Ang sigaw na ‘yon ay galing kay Blue. Anong nangyayari sa loob? Bakit pakiramdam ko konektado ako sa batang ‘yon para makaramdam ako ng sakit at pangamba? Gusto kong kumpirmahin kung anong nangyayari!

“Papasukin niyo na. I’m Thrale Wrent, her older brother. Alam niyo namang kaibigan ko si Brooks, hindi ba? Kung mayayari kayo dahil pinapasok niyo ang kapatid ko. Ako na ang bahala.”

Nag-isip pa sila. Napabuntong hininga at walang nagawa kun’di papasukin ako. Sa pagbukas ko ng pinto, ang mga mata ng lahat ay nakatutok sa iisang direksyon lang. Masyadong tahimik, walang nag-aaway sa ring. Tiningnan ko kung anong pinapanood nila. Nakita kong nakaupo sa sahig si Blue habang nakayuko. Sa harap niya naman ay si Brooks, nakatayo. Sa likod ni Blue, nakita ko si Elkhurt. Hindi ako nakagalaw, pinanood ko ang pangyayari.

“H-Hindi ka ba nakokonsensya?” Barag ang boses ni Blue. Umiiyak na siguro ‘to. “Boss Brooks!” Pilit niyang sigaw. Taas-baba ang kaniyang balikat. “Ang taas ng tingin ko sa ‘yo.... Pero ano ‘yon? Ano ‘yonnnn?!” Rinig na rinig ko ang kaniyang hikbi. Nasasaktan talaga ako kapag nakikita ko siyang umiiyak. “Alam mo namang gusto ko siya, ‘di ba? Araw-araw kong sinasabi sa ‘yo. Bukambibig ko kapag tayo ang magkasama but you kissed her earlier. Hinalikan mo sa mismong harap ko... Anong gusto mong iparating?”

You kissed her? Sinong tinutukoy niya? Walang ibang gusto si Blue kun’di si Isla. Ano bang nangyayari?

Mula sa kailalaliman ang boses ni Brooks. “Tumayo ka riyan, bata.” Malamig ‘yon. Anong nangyayari kay Brooks? Bakit ganiyan siya makita kay Blue?

Nahihirapang tumayo si Blue. Nang makaayos-ayos. Bigla niyang sinugod si Brooks para sapakin ‘to. Pero isang kamay lang ang gamit ni Brooks para mapatumba muli si Blue. Tumalsik siya. Mas lalong lumakas ang iyak niya. Hindi na siya makaangat ng ulo dahil iyak na siya nang iyak.

“Lumabas ka na, Blue.” Ang mga mata ni Brooks ay hindi mabasa. Parang walang pakialam. “Huwag ka nang gumawa ng gulo rito. Huwag mo nang pahabain ‘to.”

Yumukom ang mga kamao ni Blue na nakahawak sa lapag. “Hindi ko inaakala ‘to... Sa ‘yo ako may tiwala, lahat ng tungkol sa akin ay alam mo. Pangalawa ka sa nanira ng tiwala ko, Kein...” Taas-baba pa rin ang kaniyang balikat. Muli niyang sinugod si Brooks pero ‘gaya ng kanina. Tumilapon lang siya. Ngayon, nakahiga na si Blue sa sahig.

“Huwag na huwag mo akong kakalabanin, Blue.”

Muli siyang umupo sa lapag. Nagpunas siya ng luha. “Wala kang pinagkaiba kay Ryke... Parehas pala kayong walang kwenta...” Tatayo sana si Blue pero masakit ang kaniyang katawan kaya nailapat niya ang dalawang kamay sa sahig para hindi tuluyang bumagsak muli. Habang nakayuko, nakita kong tumulo ang kaniyang luha. “Bakit ang dali lang sa inyong manakit ng tao?” Hindi pa rin siya nag-aangat ng ulo. “Nangangako kayo tapos sisirain niyo tiwala ng tao? Anong patakaran niyo sa buhay para manggago?”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz