Chapter 8: "The End of Flashback"

2.1K 79 2
                                    


                Tahimik na natutulog si Hannah sa kwarto niya nang maalimpungatan siya dahil nakarinig siya ng kalabog sa labas ng bintana. Binuksan niya ang ilaw, alas dos pa lang ng madaling araw. Sumilip siya sa bintana at nagulat nang may bumato rito. Napasigaw siya sa gulat. Nakita niyang may crack ang salamin. Sa ibaba ay naroon ang isang tao, nakatayo. Hindi man niya maaninag ang mukha nito pero sigurado siyang nakatingin ito sa kanya. Napasandal siya sa pader sa sobrang takot. Naiiyak na naman siya.

                Nagdial agad siya sa cellphone at tumawag sa himpilan ng pulisya. Ilang minuto pa ay dumating na ang mga pulis. Kausap ng mga pulis sina Sarah at Nina para makapagbigay ng statement, umiiyak si Hannah nang dumating si Marjorie kasama si Randy.

                "Oh Sis, mabuti naman at okay ka lang." nag-aalalang sabi nito habang yakap siya.

                "Yes, I'm just scared. But I'm thankful na I'm safe."

                Sa loob ng isang plastic na hawak ng isang pulis ay naroon ang isang kahon na may lamang mga patay na insekto at sa isa pa ay ang maliit na card na may sulat galing sa stalker niyang si M.D. maya-maya pa ay nilapitan siya ng Ate Nina niya. Sa isang malaking plastic rin ay naroon ang mga inipong card ni Hannah galing sa stalker.

                "Uhmm, Marj, kakausapin ko lang ang kapatid ko huh."

                "O-oh sige po." Wika nito at lumayo sa magkapatid.

                "Honey, sa hotel muna tayo titra hangga't hindi nahuhuli ang stalker mo huh."

                Tumango lang si Hannah.

                "Don't tell anyone about kung saan tayo titira pansamantala. Ako ang maghahatid-sundo sa'yo sa school para safe. Aalis kasi si Ate Sarah, pupunta kay Lola Belinda sa hacienda kaya tayo lang doon. Promise me, don't tell anyone, even your friends kung saan tayo huh. Mahirap na."

                "Okay ate."

                Nang sumunod na araw ay inimbita ang mga malalapit na tao sa buhay Hannah for fingerprinting sa police station. Kahit na ang mga kapatid niya pati ang mga kaibigan niya. Halos lahat ng kaklase niya maging ang mga teacher ay isinama na rin.

**************

                "So sis, saan na nga pala kayo tumutuloy ngayon?" tanong ni Marjorie habang nasa canteen sila.

                "Ah eh, hindi ko pwedeng sabihin."

                "Why? Best friend mo ako."

                "Eh, as much as I would like to tell you pero——"

                "Don't tell me pati ba naman kami ni Randy, pinaghihinalaan na stalker. That's ridiculous. Halos araw-araw tayong magkasama magsstalk pa ba ako sa'yo?" naiinis na sabi nito.

                "I know sis but—-"

                "Whatever. I don't understand you. From now on, you're on your own." Naiinis na sambit ng kaibigan at iniwan siya.

                "Sis, wait!!!!"

                Lumapit agad sa kanya si Daniel at umupo sa harap niya. "Hey Hannah, napansin kong parang nagtalo kayo ni Marj, so what's that all about?"

                "Nothing Danny, it's just a little misunderstanding between two best friends."

                "Oh buti naman. Baka tungkol na naman sa stalker mo? Balita ko nagstalk na naman sa'yo kagabi."

The Case of Hannah Jane LorillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon