Chapter 7: "The Fall of a Queen"

Start from the beginning
                                    

                "Hindi, bakit? Anong meron?"

                "Dr. Eduardo Salazar, M.D."

**************

                "Imposible naman siguro na siya ang stalker ko di ba?" natanong ni Hannah habang naglalakad sila palabas ng unibersidad.

                "Oo, kasi nga si Danny ang stalker mo! Siya ang may kagagawan ng lahat!"

                "Nasa c.r. 'yung stalker ko kanina, tinakot na naman niya ako by putting some insects and a rose under my feet."

                "Oh really?" napaisip si Marjorie. "Posibleng siya rin ang may kagagawan ng hair gel sa sahig kaya ka nadulas!"

                "Pwe-pwede."

                "Oh my Gosh sis, sineseryoso niya ang mga sinabi niya! He wants to hurt you!"

                Napahinto sila sa paglalakad nang makita nila sa unahan si Daniel, nakatambay ito sa isang poste, malamang na inaabangan sila nito. Hinila niya si Hannah sa kabilang daan para iwasan si Daniel subalit nakita rin sila nito.

                "Hi girls!" pagtawag nito habang tumatakbo palapit sa kanila.

                "Oh-hi, hi Danny, nand'yan ka pala." Wika ni Marjorie, napatingin siya sa ulo ni Daniel at may napansin sa buhok nitong nakahapay.

                "So girls, may lakad ba kayo?"

                "Uhmm, meron, meron, ma-may pupuntahan kami ni Marjorie? Di ba sis?"

                "Ah oo."

                "Pasama naman ako oh, wala rin naman akong gagawin."

                "Ah eh, hindi pwede eh, girls bonding lang."

                "Ah ganun ba.. pwede naman akong chaperon n'yo eh."

                "Eh Danny, hindi talaga pwede."

                "Eh di magkwentuhan muna tayo." Hinatak ni Daniel ang kamay ng dalawang babae papunta sa gilid. "Sayang, wala kayo kahapon, ang saya ng paglalaro naming ng basketball ni Randy."

                "Ahh.."

                "Tapos———"

                "Danny, stop. We're in a hurry okay? Sige, alis na kami." Sabi ni Marjorie at agad na hinila si Hannah palabas ng gate.

*************

                "Have you noticed?" tanong ni Marjorie.

                "Noticed what?"

                "His hair! Danny's hair! May gel!"

                Napahinto si Hannah sa sinabi ng kaibigan. "Could it be? But how did you know?"

                "I know it! Hair gel ang gamit ni Randy dati pero I adviced him na wax na lang ang gamitin. I know the difference between the two."

                "So sa tingin mo siya ang naglagay ng gel sa sahig para madulas ako?"

                "Probably yes! Danny is beginning to get dangerous Hannah. I'm scared for your life."

                Sa labas ay nakasalubong nila si Angela, sa likod nito ang mga kaibigang nakabuntot sa kanya. "Oh hi Dulas Queen and her puppy!"

                Huminto ang dalawa at hinarang ang daan ng bumati sa kanila.

                "What's wrong with you?"

                "Me? What's wrong with me? Nothing. Masaya lang ako na napunta sa tamang tao ang title ng pagiging Campus Queen. Hahaha. Noong nauntog ka ba, wala kang narealize? Wala ka bang napag-isipan na I really deserve the title and the crown?"

                Hindi sumagot si Hannah.

                "Bakit parang may problema ka pa sa kaibigan ko? Di ba nasayo na ang korona!" tanong ni Marjorie.

                "Hindi ko lang kasi kaso feel, and I'm thankful na ako ang nagwagi! Hahaha. Padaan nga!" galit na sabi nito at dumaan sa gitna nila.

                "Alam mo sis, may hinala ako na bukod si Danny, pwedeng si Angela rin ang nananakot sa'yo dahil naiinggit siya sa'yo."

                "Ano pang ikaiinggit niya, eh nasa kanya na ang title ah."

                "Aba, malay natin, maldita kaya 'yung babaeng 'yun! Feeling n'ya siya ang pinakamaganda sa campus. Sa attitude pa lang naku, nilalangaw na!"

                "Huwag na lang nating pansinin."

                "Eh nakakapikon eh.!"

                Sa may di kalayuan ay nakatago sa likod ng puno ang isang tao, kumukuha ito ng litrato ni Hannah gamit ang camera habang bumubulong ng mahina, "I love you Hannah, mapapasakin ka rin."

The Case of Hannah Jane LorillaWhere stories live. Discover now