The Rewind

38 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit gumawa ako ng mundo na ikaw lang at ako. At kinulong ko ang sarili ko doon ng napakatagal. Pero sa pagkakaalala ko naging masaya ako sa mundo kung saan ikaw lang ang nakikita, nakakasama at nakakausap ko. Pero yung tanong na "bakit? " hindi ko pa din nasasagot.

Hanggang sa dumating ang araw na 'to....

Flashback...

College days..

Wala kong magawa kung di humagulgol sa kama ng araw na ' yon. Hindi ko din maintindihan kung anong espirito ng kagagahan ang sumanib sa'kin at napakalakas ng loob kong pumunta sa bahay ng....

Ano nga bang itatawag ko sa kanya ?

Girlfriend o Ex???

Pati yun problema ko pa tuloy. Haaaay..... pambihirang buhay ' to. Ano na naman bang klaseng kapalpakan ang ginawa ko ngayon? At pinakamatindi nito, paano ko kaya aayusin to? ...

Sige ishare ko sa'yo yung kwento ng makarelate ka...

Pangkaraniwang estudyante lang ako sa kolehiyo. Hindi gaano nag-eexcell masyado sa mga subjects na inaaral ko. May katamtamang ganda, "ATA?? " Sa madaling salita at para maganda na din pakinggan... Average Girl. Yun! yun ako! Pinaka masaklap na description sa sarili ko.. SINGLE.. kaya isa din ako sa libo-libong babae ngayon sa sangkalupaan na ito na naghahanap ng true love.. Kahit sinasabi pa nila lage na "WALANG FOREVER! "

Eh bakit ba sa gusto ko gumawa ng happily ever after na ending ko eh..

May ganon pa kaya?

Mukang nag sale ata yun date at di ako na-inform kaya nagkakaubusan na.. Endangered specie na kasi si FOREVER.

Ligawin naman ako. Seasonal nga lang yung ganda ko. Minsan may lumalapit minsan wala. Yung mga lumalapit di naman nagtatagal, pa hard to get kasi ang peg ko eh. Sa awa ng maykapal, single pa din ako. Pambihira konting kembot na lang maniniwala na ko at sasanib na ko sa pederasyon ng anti forever group!

But love comes in unexpected way..

Mega.. Super.. Times ten.. To the power of one thousand.. Yung pagiging unexpected na sinasabi ko.

Pinakamahirap maramdaman mo sya at mahanap sa unexpected din na tao.

Facebook status. #unexpectedloveandlover

I've known him for so long, but we didn't have the chance to be close with each other. We have the same circle of friends and sometimes we were in the same group. But the relationship or how we treat each other never change. I'm there and also he is there but we even don't care for the existence of each other. Maybe it's just..., he has some bounderies and limitations. And I on my side, I don't care. Why should I? And for the longest period of time, we stayed that way....

May sarili akong mundo.. At sya din meron.. Pero dun sa mga mundo na 'yon wala ang isa't isa. Sino nga naman ba ang mag-aakala na yung dalawang magkaibang mundo eh magiging isa.

Si Charles, tall..dark.. and handsome? Ewan? oo, may itsura sya pero di ko alam kung yung tabas ng muka nya yung klase ng lalaki na magugustuhan ko. Committed na tao na din si Charles kay Georlene. Kung di ako nagkakamali halos mag three years na din sila. Kitamzzz..alam na alam ko ang buhay nya. Marame pa, ewan ko ba kahit parang hangin kame sa bawat isa pag nagkakasalubong sa hallway ng school namin, eh parang naging interesado ako sa buhay nya. Sa totoo lang kahit naiirita ako sa pagiging masunget at suplado nya sa'kin, may isang bagay ako na talagang hindi ko itatangi na nagustuhan ko kay Charles. Yung kung paano nya hawakan at pangalagaan yung relasyon na meron sila ni Georlene. Yung kung paano nya nagagawang tanging si Georlene lang ang nakikita ng mga mata nya. Yung loyalty and faith nila sa isa't isa. Minsan nga naisip ko hilingin kay Papa God na sana kung dadating na si boyfriend wannabeh sana katulad din ni Charles......

YAM (you and me)Where stories live. Discover now