"Alam mo bang nasira pa yung pagkakaibigan namin ni Jamie dahil sayo? Dahil pilit kong pinapaniwala yung sarili ko na mahal mo ko .. na hindi mo ko lolokohin! Sobrang tanga ko! Ang galing mong umacting ah? Pwede ka ng pang best actor Aldrin! . . . . Ano? Lahat ng effort mo part lang yon ng Dare?"

"Oo, gusto ko ng sabihin sayo lahat ngayon. Ayoko ng magtago pa ng sikreto. Mula sa pagligtas ko sayo sa snatcher, planado lahat yon... Si Rhae, siya ang nag arkila ng .. snatcher para biktimahin ka at ako ang mag mukang bida sayo sya rin ang nagutos sakin ng lahat ng mga pinag gagawa ko. Dahil natalo ko sa laro tap .. tapos yun ang gustong Dare ni Rhae sakin, kapag hindi ako pumayag . . .sabi nya ipapakita daw nya kay Patrice yung picture namin .. ni Hannah .. PERO lasing ako non at hindi ko alam yon,--"

"Kaya pumayag ka? Grabe .. hindi ko manlang nahalata yon Aldrin. Dibaleng ako na lang ang masaktan wag lang yang Patrice mo?"

Pero iba na Wendy, bumaliktad na ang lahat. Ikaw na ang totoong mahal ko.

"Mag .. mag papakamatay sya pag nalaman nya yon" mahinang sabi ko

"Kaya . . . Dibaleng ako yung sobrang masaktan? Pano kung sabihin ko sayo'ng halos mamatay ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon? Ha? Dahil sa mga panloloko nyo? Ang sakit Aldrin!"

Inabutan ko sya ng panyo dahil sobrang basa na yung mukha nya kakaiyak

Pero hinagis nya lang yon

"Kung alam mo lang Wendy. Hindi lahat ng pinakita ko sayo pagpapanggap. Meron din don yung totoong ako. Totoong napapasaya mo ko, totoo yung namimiss kita. Lahat ng pag papasalamat ko sayo sincere yon. Nasasaktan rin ako---"

"Kag*guhan naman Aldrin! Ikaw? Ikaw yung nanloko tapos ikaw pa yang masasaktan! Tama ng pagsisinungaling please!" Sabi nya at pinunasan lahat ng luha sa mukha nya

"Maniwala ka man sa hindi . . . Minahal kita Wendy, natutunan kitang mahalin. At hanggang ngayon mahal parin kita. Ikaw lahat gumawa ng responsibilidad ni Patrice sakin bilang girlfriend ko. Sa'yo ko natutunan ang pagiging matinong tao, ikaw ... ikaw ang totoong nagpapasaya sakin Wendy" lahat ng yon ay totoo, pero alam kong mahirap na ibalik ang tiwalang nabasag na.

"Part ba rin yan ng Dare? Scripted no? Hanggang 31 pa nga pala. Sorry ah kung naunahan ka ng karma! Wag ka mag alala kakausapin ko si Rhae na wag nya kayong sirain ni Patrice. Pero Aldrin. . . Tapusin na natin tong larong to" hinatak nya yung bracelet na regalo ko sakanya at nilagay sa kamay ko

"Mas bagay yan kay Patrice" huling litanya nya atsaka sya umalis

Naiinis ako! Nabibwisit ako sa sarili ko! Sinuntok ko yung pader at dumugo ang kamao ko. Dapat lang sakin to! Isa't kalahating manloloko ako! Napakasama ko.

Ngayon, wala na .. wala na ang taong mahal ko

Umakyat ako sa taas .. sa room at hinanap ko kaagad si Kristian pag kakita ko sakanya binalibag ko yung bag ko pagmumukha nya

"Anong problema mo tol?"

*smirked*

"Galing magpanggap ah?" Natatawa tawa kong sabi

"Nino? Ikaw?" P*ta nang aasar pa!

Lumapit ako sakanya at binigyan sya ng isang suntok

Lahat ng kaklase namin naglabasan, kaming anim lang ang natira sa loob

"Hoy Aldrin tama na!" Pinigilan nila ko kaya nakasapak din ng isa si Kristian, parehong dumudugo na mga labi namin, nagpumiglas ako sakanila at sinuntok ulit sya

"Sinabi ng tama na eh!" Sigaw na ng sigaw sila Drake at panay awat

Nung nahawakan ako nila Maxx at Jake, at si Krisrian naman hinawakan nila Drake at Frank

"Ano bang problema mo Aldrin!" Tanong ni Frank

"Ba't di mo tanungin yang g*gong yan! Traydor ka hayop ka! Bakit mo sinabi kay Wendy yung tungkol sa Dare? Alam mo ang pakilamero mo eh!"

♥•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°♥

Frank's POV

"Ba't di mo tanungin yang g*gong yan! Traydor ka hayop ka! Bakit mo sinabi kay Wendy yung tungkol sa Dare? Alam mo ang pakilamero mo eh!"

HUH? Alam na ni Wendy? Kamusta na kaya sya ngayon? Gusto ko sana syang puntahan pero . . . Kailangan ko pang awatin tong mga abnormal na to.

"Alam na ni Wendy?" Tanong ni Jake, lahat kami syempre nagulat

"Oo dahil jan sa pakilamerong yan!"

"Eh g*go karin! Ano ipapasa mo sakin yang kasalanan mo? Siraulo ka ikaw may gusto nyan! Ako kasi pre may pakielam ako don sa babae! Ikaw? Nanloloko ka lang! Wag ka ngang mag malinis! Makasuntok ka kala mo ako lahat may kasalanan? P*ta sayo lahat yan nag simula!" This time, nasa panig ako ni Kristian

Tama lang na sinabihan na nya si Wendy atleast . . . Hindi na kailangan pang tapusin ang 31 days

"Kahit na! Ba't nangunguna ka?" Medjo kalmado na ang lahat, binitawan na namin sila pero mag kalayo parin sila

"Kasi yun ang alam kong tama g*go, dapat nga pati si Patrice mawala na sayo eh dahil WALA KANG KWENTANG LA----"

Biglang sumugod si Aldrin at sinuntok nanaman si Kristian

Ngayon, ako na mismo ang sumuntok kay Aldrin

"F*ck you ka Aldrin sinabi ng TAMA NA EH! KASALANAN MO TO KAYA WAG MO KAMING IDAMAY! Tama lang yang ginawa ni Kristian"

Nagulat ako ng suntukin nya rin ako

"Dude! Ano ba TAMA NA!" inawat sya nila Drake

"Ano? Pati kayo? Ha? WALA KAYONG KWENTANG MGA KAIBIGAN!" Pagkasabi nya non umalis sya ng nagdadabog sa room

Pinunasan ko nalang ang labi ko at kinuha ang bag ko, lahat kami hindi nagpansinan. Lumabas nalang ako ng room. Kailangan ni Wendy ng kaibigan.

* * * * *

Vote × Comment × Support

[BAEKMI] 31 days of DAREDonde viven las historias. Descúbrelo ahora