Gianne, Sally, Angel at Mon shocked in unison. Si Maice lang yung hindi nagreact.

Nakita ko naman si Justine na parang nahihiya sa sinabi ni Sandy. Tsk! Pati ba naman yun kailangan nyang iannounce? Nakakahiya kaya.

"Okay ganito na lang para naman hindi masayang ang bakasyon natin, I allow Justine and Craye na gawin yung gusto nila. Alam na alam ko naman na yun ang gusto ni Justine, bilang best friend nya hindi dapat sya tinotolerate pero Craye pasalamat ka, andito tayo at gusto nating mag enjoy lahat pero last na, pag-uwi natin ayusin mo na talaga to." Mahabang litanya ni Maice

"Paano si Kylie?" Tanong ni Angel

"Hayaan na muna natin sya, pag-uwi na lang natin harapin si Kylie." Sabat ni Mon

"Kaibigan natin tong si Justine at Craye, bakit hindi natin pagbigyan?" -Sally

"Ano na lang sasabihin satin ni Kylie pag-uwi natin? Naging mabuti sya sa ating lahat." Sabat ni Gianne

"Wala pa naman sya dito, wag na muna nating isipin. Mag enjoy tayo, sama-sama tayong mag eexplain para sa kanya." Suggestion ni Mon

I felt relieved, iba talaga si Mon. Ise-save at isasave ako.

"Bakit pati ako madadamay?" Tanong naman ni Sandy

"Ikaw ang nakakita." Natatawang sabi ni Angel

"Ohh sya Go na, magharutan na ulit kayo. Nakakahiya naman kasi diba? Nakita pa kayo ni Sandy." Sabi naman ni Sally

Yung totoo ay hiyang hiya na ko sadyang mapang asar lang talaga sila samin ni Justine.

Napatingin ako kay Justine, nakita ko naman na gusto nyang bumitaw kay Maice at feeling ko lalapit sya papunta sakin. Seryoso sya? Gagawin nya talaga yung sabi ni Sally?

Potek! Nakakahiya, wag naman yung kita nilang lahat.

"Aba Justine, at talagang lalapit ka kay Craye dahil sinabi lang ni Sally na ituloy nyo." Singit ni Mon habang nakangiti

"Bakit bawal ba? May karapatan na ko diba?" Sagot ni Justine at nag wink pa sakin

OMG! Justine naman, hindi ako ready na makita nila tayo.

"Kaloka ka Bibe ang harot harot mo." Pagkasabi non ni Gianne ay lumapit na sakin si Justine at muli niyakap nya ko mula sa likod ko at pinatong nya yung chin nya sa shoulder ko.

I guess, yun yung favorite nyang place namin.

Gosh! Ako yung nahihiya para saming dalawa ni Justine.

"Bwiset ka Justine Dane Robles." Pagkasabi non ni Sandy ay binato nya si Justine ng pillow pero ako na yung sumalo.

Nagtawanan silang lahat, kaya napatawa na din ako.

"Inggit ka lang wala kang ka-bebe time." Sabat pa ni Justine at tumawa ito.

"Maice please, pakilayo nga yang best friend mo kay Craye at baka hindi ko yan matancha baka mabigwasan ko." Reklamo ni Sandy

Natawa naman si Maice sa sinabi ni Sandy

"Hayaan mo na muna sya, ilang araw din kaming nag-iyakan nyan bago ko ulit yan makita na masaya. Makita ko lang na masaya yan kahit parang tanga, okay na ko." Sagot naman ni Maice tyaka ito naupo sa edge ng kama

Tumingin ako kay Justine, nakita ko na nagbuka sya ng kanyang bibig and she said I love you to Maice nang walang sounds.

"Okay na tayo? Pag-uwi natin alam nyo na and Justine pakibitawan mo na yang best friend ko, baka maubos mo walang matira sakin." Sabi ni Mon tyaka ako hinigit kay Justine

"Pero kasi, ang damot mo Mon." Reklamo ni Justine kay Mon.

"Sasabunutan na talaga kita Justine, tamo isa pa. Hindi ako sanay na makita kang ang harot. Potek ka! Ikaw pinaka malandi sa lahat." Reklamo ulit ni Sandy

"Hindi pa pala tapos yang rants mo?" Sagot naman ni Justine tyaka sya lumapit kay Sandy at inakbayan ito "pag nainlove ka, Ewan ko na lang din baka lang kasi mas maharot ka pala." Sabi ni Justine sabay takbo nito sa likod ni Gianne

Nakita ko naman na dadampot nang muli si Sandy ng pillow

"Hoy Mabuhangin! Wag mong ibabato yan." Reklamo ni Gianne

"Sabi ko nga diba Gianne, hindi ko ibabato. Sorry na." Sabi ni Sandy at binalik nito yung pillow sa sofa

Nagtawanan na naman ang lahat dahil sa ginawa ni Sandy.

"Maice, Tara na nga Iwan na natin sila mukang ayaw naman ata nila mag swimming." Biglang singit naman ni Angel at nilapitan nito si Maice at hinigit na papalabas

"Aiii bakit naman ganon Angel? Sayo si Maice? Ang territorial ha." Sabat ni Mon kaya napatigil si Angel sa paglabas

"Hindi, niyayaya ko lang sya kasi mukang bored na sya sa inyo ehh. Andami nyong chika." Sagot ni Angel

Ngumiti si Maice kay Angel at si Maice na ang humigit kay Angel palabas

"Ahhh si Maice naman pala ang territorial." Singit pa ni Sally

"Tara na, swimming na ulit tayo." Sumabat na ko kasi parang walang balak si Mon na lumabas at gusto nya pa atang chumika

"Tara na Babe." Sabi ni Justine na akmang lalapit na sakin.

"Hep-Hep." Sabi ni Sandy tyaka nya pinigilan si Justine

"Horaaaaay." Sabi ni Justine tyaka nya tinawanan si Sandy

Natawa ako sa kanilang dalawa, ang cute nilang mag asaran.

"Boset ka Bibe!" Patol pa din ni Sandy

"Alam nyo tara, malapit na ding mag lunch." Yaya ni Sally "and Sandy pakidala na yang go pro mo at baka mamaya may mahuli kana naman na naghaharutan dito sa room bukod kina Justine at Craye pero kasama natin sa barkadahan." Dagdag ni Sally

"Maypa-blind item ka pa, alam ko yang kutob mo. Hahaha. Si Angel at Maice no?" Banat pa ni Mon

"Wala akong sinabi." Sabi ni Sally tyaka nya hinigit si Gianne "kayo ni Sandy ang magsama Justine, bahala kayo." Tyaka sya tuluyang lumabas at sumunod na din kami ni Mon

Bago kami lumabas ni Mon ay tiningnan ko pa muna si Justine at Sandy. Feeling ko ay nag aasaran pa rin sila at si Justine tuwang tuwa lang pero si Sandy naiinis na.

-------------------
Ayoko nang mabigat na scene, next time na. Hahaha

Pahingi nang best friend na kagaya ni Maice. 🥰🥰








Once in a lifetimeOnde histórias criam vida. Descubra agora