Sinubukan ko syang hindi pansinin at nagkunwari akong walang nakita.

"After two years," wika nya. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko sya. "Ang tagal kitang hinanap. Hindi ko akalain na dito tayo magkikita, Kia." Para akong natutuyuan ng laway sa lalamunan. Kinakailangan ko pang lumunok ng laway para lang makapagsalita ako.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Nanlaki ang mata ko nong humakbang sya palapit sa akin, kaya naman ay napaatras ako. "Sinasabi mo ba na wala kang naalala sa ginawa natin?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo!"

Mabilis na ang tibok ng puso ko pero mas lalo itong bumilis nong hinawakan nya ako sa bewang at hinapit palapit sa kanya. Napakapit ako sa matigas at matipuno nyang dibdib.

"Gray ano bang ginagawa mo? Bitawan mo ako! Baka nakakalimutan mong boyfriend ko ang pinsan mo!"

Masuyo nyang hinawakan ang pisnge ko. "Gray, ang sarap sa tenga na tinatawag mo ako sa pangalan ko."

"Nababali-!" natulala ako nong dumantay ang labi nya sa parte ng pumutok kong labi.

Sandali lang ang halik na iyon pero libo libong kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Parang may kung ano sa loob ng aking tyan na nakakakiliti at hindi iyon mawala wala.

Ngumisi sya "Binubura ko lang yong halik nya sayo." Matapos nyang sabihin iyon ay binitawan nya ako saka tumalikod paalis. Naiwan akong tulala at naguguluhan.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natulala sa labas ng banyo. F*ck sh*t! Anong ginawa ko? Bakit hinayaan ko syang halikan nya ako?

Hoy Kia! Umayos ka nga! Baka nakakalimutan mo na pinsan ng boyfriend mo si Gray.

Imbes na bumalik agad sa garden ay nagtagal pa ako sa banyo para ikalma ang sarili.

"Naku Kia, bagsak na yong boyfriend mo, isinakay na sya doon nila Leandro sa kotse. Ihahatid na daw kayo pauwi." Bungad sa akin ni Lian pagbalik ko sa garden.

"Sinabi ko nga sa kanya na dito na lang matulog pero ini-insist nya na uuwi daw sya."

"Sigurado ako iniiwasan lang ni kuya Jonas si tita Marian kasi alam nyang pagagalitan sya," singit ni Kristel.

"Pasensya na kung mauuna na kaming umuwi."

"Wag kang mag alala naiintindihan namin. Alam naman namin kung paano malasing si Kuya Jonas," dugtong ni Kristel.

Wag kang mag alala kami ng bahala magpaliwanag kay tita Marian," dugtong naman ni Lian.

Pagdating ko sa parking lot ay nasalubong ko si Leandro.

"Si Jonas?"

"Ah, nandoon, ang sarap na ng tulog sa sasakyan ni Gray."

"Ni Gray?"

Akala ko pa naman si Leandro ang maghahatid sa amin, pero bakit si Gray?

"Pauwi na rin daw si Gray isasabay na daw kayo. Bagsak na kasi si Jonas, hindi na pwede magmaneho iyon. Ako na lang bahala maghatid ng sasakyan nya bukas."

Bago pa ako makapag reklamo ay nakaalis na si Leandro pabalik sa garden.

Sh*t! Anong gagawin ko? Sa dami ng pwedeng maghatid sa amin bakit si Gray pa? Kinakabahan ako.

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang nakabukas na sasakyan ni Gray. Nakita ko si Jonas na mahimbing na natutulog sa backseat.

"Sakay na, ihahatid ko na kayo pauwi."

I'm Falling IntoWhere stories live. Discover now