"Okay po"

Natapos ang klase nila na nakatayo silang dalawa sa likuran. Hindi nagsalita si Claud at wala na siyang balak kausapin pa si Nica.

Matapos ang klase, sinundi ni Gilbert sa paaralan si Claud. Sumakay sa sasakyan si Claud tiyaka naidlip, sumakit ang binti niya dahil sa pagtayo sa klase.

"Young master Claud, nandito na tayo."

Nagising si Claud at nag-inat ng katawan. Bago lumabas sa sasakyan ay nagsalita siya.

"Lolo Gilbert, sumunid ka sa office ko."

Gustong matawa ni Gilbert sa kung papaano magsalita si Claud dahil para itong matanda.

"Okay po"

"Lolo Gilbert. Bata pa po ako. Huwag niyo akong i-po. Haist..."

Gustong humalkhak ni Gilber dahil mababakaa ang kaplastikan ng bata sa mukha nito.

Sumunod si Gilbert kay Claud. Pumasok sila sa isang kuwarto at naupo sa sofa.

"Lolo Gilbert, kamusta ang kumpanya?"

"Maayos naman"

"Bukod sa kumpanta paano pa ako kikita ng pera?"

"Investment"

"Hmmm... Puwede niyo akong turuan sa ganyan?"

"Young master bakit gusto mong magkaroon ng maraming pera?"

"Lolo bakit nagtatrabaho ka kay lolo?"

"Mabait si Sir"

"Paano kung hindi ka niya suswelduhan... Magtatrabaho ka pa rin ba ng maayos, katulad ng ginagawa mo ngayon?"

"Sa totoo lang, baka hindi"

"Sa panahon ngayon... Kung wala kang pera may magagawa ka ba?"

Doon napagtanto ni Gilbert kung ano ang iniisip ni Claud.

"Young Master masyado pa kayong bata."

Isang malalim na ngiti ang pinakita ni Claud. Mababakas ang kabataan ng matandang Newz sa tuwing may pinaplano ito sa ngiti na ibinibigay ni Claud. Pamilyar si Gilbert sa kung paano siya titigan ng bata.

"Salamat lolo Gilber. Gusto ko pong mapag-isa."

Yumuko si Gilbert bilang galang kay Claud tiyaka lumabas sa kuwarto. Pumunta siya sa kusina, doon at nakita niya si Manang Fe na nagluluto.

"Fe, may napapansin ka ba kay young master?"

"Ay napansin mo rin ba? Parang hindi siya apo ni Sir. Mabait masyado si Claud. Noong kabataan ni Sir hindi naman ganyan kabait si sir "

Napailing si Gilbert sa sinabi ni Fe. Muli niyang naalala ang pagngiti ni Claud.

"Imposible. Ipapaputol ko daliri ko kung hindi siya Newz. Hahaha, hindi mo pa nakikita ang totoong young master."

Napakunot ang ni Fe sa sinabi ni Gilbert hindi niya matanong kung ano ang ibig nitong sabihin dahil bigla na lang umalis ng kusina si Gilber.

'totoong young master? Hindi ba totong apo si Clau? Ibig sabihn... Oh...'

Samanta sa isang kuwarto, napatayo si Claud nang maalala si Hier.

'baka matulungan niya ako.'

Agad na tumayo si Claud sa kanyang kinauupuan at lumabas ng silid.

"Lolo Gilbert!"

Nang marinig ni Gilbert ang sigaw ni Claud ay dali-dali niya itong sinalubong.

Fucker Series #6: YLLERWhere stories live. Discover now