Hindi, hindi ako makikipagkita sa kaniya dahil baka kung ano na naman ang mangyari. Ayoko nang makakita ng patay na tao. Kung mahina lang ang aking loob, baka nagkatrauma na ako.

Tinago ko na ang aking selpon. Dumiretso na ako sa kusina dahil alam kong kanina pa kailangan ni Chef Sanchez ang aking tulong. Ginawa ko na ang kaniyang pinapagawa.

“Ms. Wrent, namumutla ka?”

Hindi ko pinansin ang tanong ni Chef Sanchez. Ang atensyon ko ay nasa aking ginagawa. Nawala ako sa magandang kalagayan dahil nakita ko na naman si Mr. X. Ang nagpapangamba ngayon sa akin.

“Ms. Wrent...” Muli niyang pagsasalita.

Ngumiti ako ng pilit sa kaniya. “Pasensya na, chef. Wala lang sa sarili.” Saka muling tumuon sa ginagawa.

DUMATING ang hapon, wala na ang mga kaibigan ko rito at laking pasasalamat ko iyon. Napatingin ako sa bintana, palubog na ang araw. Onti nalang kami rito dahil ang iba ay half duty lang. Nakukuha ko na ring humikab, parang gusto ko nalang matulog.

"Ms. Wrent, pakitulungan nalang si Urie sa labas. Kaya ko na ‘to.” Abalang utos ni Chef Sanchez sa akin na hindi ako tinapunan ng tingin pero nakuha ko pa ring tumango.

Lumabas na ako ng kusina, hinanap ng mga mata ko si Urie pero wala akong nakita. Kanina ko pa siya hindi napapansin kaya muli akong bumalik sa kusina..

“Wala naman po si Urie sa labas, chef.”

Hindi pa rin ako tiningnan nito. “Tawagin mo ang ating manag—”

“Hindi naghalf duty si Urie.” Singit agad ng aming manager na nasa likuran ko na. “Pakikatok sa banyo dahil hindi na nakalabas. Hays.” Napailing-iling pa.

Humikab muna ako bago sundin ang kaniyang utos. Ilang beses kong kinatok ang pintuan ngunit walang sumasagot. Dahil dito, napalabas na ng kusina si Chef Sanchez. Ang aming manager naman ay nakataas ang kilay sa akin.

Napabuntong hininga ako. Ramdam ko talaga ang pagod ngayon. Kung ano mang ginagawa ni Urie, wala na akong pakialam. Pinihit ko na ang door knob, nagtaka ako dahil bukas. Akala ko pagtataka lang ang mangyayari sa akin, gulat din pala. Nagulat dahil may katawang bumagsak sa akin. Mabigat ito kaya napabagsak din ako sa sahig.

Nairita ako roon kaya hinawakan ko ang kaniyang dalawang balikat para i-angat pero hindi natuloy. Nailayo ko ang mukha nito dahil putlang-putla, violet na ang labi at may dugo sa bibig. Pumunta agad sa akin si Chef Sanchez para ilayo ako, nagtagumpay naman siya.

Napahawak nalang ng bibig ang aming manager nang makita ang mukha ng babaeng ‘to. Walang iba kun’di si Urie, may saksak sa tagiliran at pulsuhan. Binalot ang katawan ko ng takot at kaba. Para itong namanhid nang mapagtanto kong patay ang bumagsak sa akin. Kakasabi ko lang kanina na ayoko nang makakita ng patay.

DUMATING ang mga pulis. Bawal kaming pumasok sa loob kaya nandidito kami sa labas ng resto. Pumasok ang ibang pulis dahil sinusuri ang pangyayari. Napatingin ako sa aking manager, may kausap siya sa selpon. Kinakausap niya yata ang mga magulang ni Gio. Kay Chef Sanchez naman, nanonood lang sa pangyayari.

Hindi pa kami pinapaalis ng mga pulis kaya sa kakahintay ko, hindi ko maiwasang hindi ilibot ang paningin ko. Nahinto lang nang may makita akong lalaking nakakulay itim na t-shirt. Nakatalikod siya mula sa akin kaya hindi ko makita ang mukha. Hindi ako interesado kaya lumihis nalang.

Lumapit sa akin si Inspector. “Ikaw na naman, Ms. Wrent.” Nahiya na ako sa kaniyang sinabi. “Kulang nalang paghinalaan kita sa tatlong kasong kinasangkutan mo.” May sinusulat na naman siya sa kaniyang kuwaderno. “Tutal nagsabi ka naman ng totoo na wala kang ginawa, kampante akong nagkakataon lang talaga. Agad na nasara ang kasong ‘to.”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now