Chapter 20

342 8 8
                                    

Chapter 20

NAPANGIWI ako ng makita kung gaano kahigpit ang yakap ni Eleanor kay Shynrone, si Eleanor ang una naming bisita na dumating, bukas pa naman ang birthday pero tingnan mo nandito na agad siya. Nakaluhod siya sa bermuda habang yakap si Shynrone.

"Long time no see, baby! How's Philippines?"

My son smiled politely. "It's great, Tita. Though Philippines is so hot but it's okay."

"How's school?"

"Good." dinig kung sagot ni Shynrone pero hindi ko na nasundan dahil bumalik na ako sa kusina para tingnan ang binake na mga cupcakes.

Kanina pa pala siya dumating dito sa Manila. She stayed on Attorney Yvonne condo for the mean time. Ngayong tanghali lang siya pumunta dito sa bahay para daw makatulong siya sa pagdedecorate though hindi naman talaga kailangan dahil may organizer naman pero makulit si Eleanor.

Para tong si Dora the Explorer.

Some of their staff are already here preparing the mini stage and the chairs, table and other design.

Nasa bahay ni Tita Ailyn ang venue dahil mas malaki ang garden dito keysa sa amin. Kaya we decided na dito nalang iheld ang party.

"Tapos na po ang mga binake mo ma'am." salubong sakin ni Jancy pagkapasok ko sa kusina.

"Okay. Thank you!"

I started putting some icing on the cupcake. Naka-abang lang ang ibang mga katulong kung sakali na manghingi ako ng tulong sa kanila.

Hindi ko alam kung saan napadpad si Klaus pagkatapos niya kaming ihatid dito sa bahay. Pagkatapos ng eksena kanina sa mall we decided to call it a day nalang.

"Ma'am, may regalo po kanina na dumating." imporma sakin ni Jancy. "Hindi na po chineck ng mga guard. Nasa kwarto niyo na po, ma'am."

Nagtaka akong nag-angat ng tingin kay Jancy. "From?"

I'm not expecting someone's present.

Umiling ito. "Hindi ko po alam." Tumango lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Bumalik sa isip ko ang eksena kanina sa mall. The meet up with Shan and Shynrone. Laking pasalamat ko na nakasuot ng cap si Shynrone.

"Ayooo Acy! How are you my dearest friend?" naputol ang pagmuni-muni ko ng pumasok si Eleanor sa kusina.

I rolled my eyes. "You see I'm still breathing." tumawa lang ito bilang tugon bago kumuha ng cupcake at sinimulan itong lantakan.

Ewan ko talaga sa babaeng ito, bigla nalang mawawala ng ilang linggo tapos ito susulpot na naman. Nabalitaan ko kasi na umalis daw ito nang Italy ng hindi nagpapaalam sa ama nito.

"Why did you left Italy without informing your father?"

She stop eating the cupcake ang sighed. "Well Father want me to get married already, but..." she paused and starred at me. "...you know i don't want to get married by the guy he choose."

Alam ko yun dahil halos lahat ng lalaki na nirereto kay Eleanor ay pera o kayaman lang nila ang habol. Hindi ko alam if alam ba yan ni Tito or hindi. I feel bad for Eleanor, she couldn't live a normal life like us.

I smiled assuringly. "Did he contact you?" she nodded.

"He's giving me one month vacation before going back to Italy. I don't even know what my father is planning off." I shrugged. Arrange marriage sucks.

Napagdesisyunan namin na bumalik na sa garden.

Kahit ano pa ang desisyun ng Daddy niya hahantong parin yun sa kasalan. Waiting nalang ako sa invitation card.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love isn't Lost (Love Series #1)Where stories live. Discover now