"Haji? Ano na? Nakita mo na sya?" dire-diretso kong tanong kay Haji. 

"Kiel.." mahinahon nyang umpisa. "Hindi ko pa sya nakikita eh.." 

Napahinto ako sa sagot nya. Nanggigil ang mga kamay ko. Galit ako. Nagagalit ako sa sarili ko. 

"Kung saan-saan na ko nakaabot, nagtanung-tanong din ako pero.. tsk.. wala talaga sya.." 

Sandali.. 

Mula dito sa kinatatayuan ko, may nasilayan akong babaeng nakaupo sa buhangin at nakaharap malapit sa dagat. 

"Mas mabuti siguro kung ireport na natin sa police station tong pagkawala nya.." suggestion pa ni Haji pero hindi ako makasagot. 

Abala ko sa pagtitig dun sa babae. At sa pagtitig ko sakanya, nagsimula nang gumaan ang pakiramdam ko. 

Yung babae, naka-itim syang tshirt. Nakatali rin ang buhok nya at may gamit syang gitara-- isang pamilyar na gitara. 

GITARA YUN NI HAJI. 

"Kiel, ako nang bahala dun sa pagreport. Balik ka na lang sa beach house. Gisingin mo si Luke tapos iba--" 

"Micki.." bigla kong sabi dahil namukhaan ko na yung babae at siguradong-sigurado ako, si MICKI yun. 

"Ano yun, Kiel?" pagtataka ni Haji. 

"Si Micki, nakita ko na sya." di ko na naitago ang saya sa tono ko. "Ka.. Kakausapin ko lang sya ah, Haji. Wag ka mag-alala, aayusin ko na toh." 

Inend ko na yung tawag at naglakad palapit kay Micki. 

Unti-unti, naririnig ko na ang pagtugtog nya sa gitara. 

Kumakanta rin sya pero.. mabagal at mahina ang pagkanta nya. 

"♫ Could have been a perfect love, I'm still trying.. I know you've lost your faith in me, now I'm crying.. I know I've been such a fool, I've been blinded..♫" 

Nakonsensya naman ako sa kanta nya. Alam ko, yun ang nararamdaman nya ngayon eh. 

"♫ Can we just get back to where we've started? 'Cause I miss your grip and I miss the way you kiss me..♫" 

Napangiti ako. Namimiss ko na rin naman syang hawakan at halikan. 

"♫ I know I've hurt you, have driven you down.. Begging on my knees.. Tell me what should I do?♫" 

Ano nga bang dapat nyang gawin? 

Wala naman na eh. Dahil ako.. ako na ang dapat kumilos. 

Tumigil na sya bigla sa pagtugtog at pagkanta. Kita kong kinusot nya ang mga mata nya. Siguro umiiyak na naman sya-- dahil sakin. 

Napahinga ulit ako nang malalim. Nag-ipon ako ng lakas ng loob. 

Ngayon na.. dapat ko na syang kausapin. 

[MICKI's PoV] 

Tsk. Naiyak na naman ako. Ba't ba kasi yun pa kinanta ko?! 

Hay naman.. 

Matapos ko kusutin ang mga mata ko, tumugtog na ko ulit gamit tong gitara ni Haji. Kung anu-anong nota na lang tinugtog ko. 

"Ano ba yan.." biglang sabi ng isang lalaki sabay upo sa tabi ko. 

Natakot ako at tatayo sana kaso masakit nga pala yung paa ko! 

Pero.. itong tumabi sakin.. 

Si KIEL pala toh. 

Si Kiel nga toh pero yung takot ko, di pa rin nawawala. Bakit ba kasi sya nandito? Diba dapat nandun pa sya sa resto bar nina Kristine? 

Natulala lang ako sakanya habang sya, nakakunot-noong nakatitig sa dagat. 

That BreakupWhere stories live. Discover now