Bumalik na ako sa loob. Nakaupo na si baby Shae sa baba ng sofa na may carpet naman at si Cross ay naghahanda ng pagkain.

Lumapit muna ako kay baby Shae at hinagkan ito pagkatapos ay nagbukas ng ref para kumuha ng tubig nang hindi nagpapaalam sa kanya.

"Feel at home." Nakangising sabi nito. He didn't sound sarcastic but I found it one.

"Sayo ba itong treehouse?" Tanong ko sa kanya.

"Yes." Well, he has the money to indulge in whatever whimsy of his hearts desire. "Dito ako madalas umuuwi galing trabaho. Kaya hindi mo ako madalas makita sa Hacienda." He answered.

Umirap ako sa kawalan. As if naman hinahanap ko siya doon.

Bumalik na ako kay baby Shae at umupo sa tabi niya. Agad naman siyang lumapit sa akin at tinanggal sa pagkakatali ang buhok ko. Hinayaan ko siya.

"What are you going to do with my hair, baby?" I asked her.

"Secret po." Then she giggled.

Napangiti ako. Ang cute niya talaga!

"How old are you now, Ate?" Tanong niya habang patuloy pa rin siya sa pag-aayos ng aking buhok.

"19, baby. Why?"

"Kuya Cross is old. And he has lots of girlfriends here in province and most especially in Manila. Are you one of them?"

"Ofcourse not, baby. I'm not one of them." Natatawang sagot ko naman.

"Good po. 'Cause I don't want you to get hurt."

See, Senyorito Cross? Maski itong bata, alam ang kabulastugan mo. Alam na alam na marami kang babae. Hindi na ako magtataka.

"I'm done, ate!" Masayang sabi niya at pinakita saakin ang salamin na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

"Thank you, baby." Sabi ko matapos makita ang ginawa niyang pagb-braid sa buhok ko.

"Hey, honey. Are you done?" Si Cross na tumabi sa amin at kinandong si baby Shae at sinandal ang likod sa sofa.

"Yes, kuya. And look ate Rielle. Isn't she pretty?"

"She is, baby. And she's more than that." Sabi ni Cross habang nakatingin saakin.

Para akong kinakapos ng hininga kaya umiwas ako ng tingin. The fuck, Cross! Bakit ganyan ka?

Hindi nagtagal, kumain na kami ng pananghalian. Binaba ko na si Shae sa katabi kong upuan at nilagyan ng pagkain sa pinggan nito. Nagulat naman ako nang lagyan ng kanin ni Cross ang sa akin.

"Tama na, Cross.

at pagkatapos, nakatulog si baby Shae na karga-karga ko. Mabigat siya pero balewala iyon sa akin.

"Are you tired? Ihiga mo nalang siya sa kwarto para maayos ang tulog." Si Cross.

Sumunod ako sa kanya at pumasok kami sa malawak niyang kwarto. Dahan-dahan kong inilapag si baby Shae sa kama at nag-unat-unat muna.

"It's my time, finally." Bulong niya.

Lumabas na siya at kinuha ang bag ko.

"Saan tayo pupunta? Hindi natin pwedeng iwan ang bata dito."

"Sa baba lang, Rielle. Huwag kang mag-alala, matagal 'yan magising." Sabi niya kaya sumunod nalang ako.

Naglapag siya ng puting tela malapit sa malaking puno at umupo, ganoon din ang ginawa ko. Inilabas niya ang aking notebook at ballpen at binuklit isa-isa.

"What are you trying to do?" Saka hinablot ang gamit ko sa kanya.

"Tutulungan kita sa mga subjects na hindi mo makuha."

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon