Napangiti ako nang wala sa oras, gusto nya pala ng alaga at lambing?

"Sorry na babe, sorry." Bulong ko sa kanya tyaka ko hinawakan ang kamay nya, kinakabahan din kasi ako at baka mahuli kami.

"Nakakainis naman kasi ehh." Reklamo nya pa sa akin kaya no choice na ko kundi kabigin ang ulo nya to lean on sa shoulder ko

"Okay na po tayo?" Tanong ko sa kanya, I don't know pero sobrang saya ko. As in, I miss her so much.

"Not yet." Sagot nya sakin tyaka sya bumitaw sa kamay ko. "Ganyan ba ang lambing?" Dagdag nya pa

Lord, paano bang lambing ang gusto nito?

Hinayaan ko na lang, hindi ko kasi talaga alam ang gagawin ko. Alangan naman na i-hug ko sya ehh kasama namin lahat nang Barkada, swerte lang dahil parang tulog naman ang lahat.

Narinig kong nag "tsk" sya tyaka nya hinigit yung kaliwang braso ko at pinatong nya sa balikat nya, then tyaka sya sumiksik sa leeg ko at yung left hand nya ay pinulupot nya sa waist ko.

Wait! I can't breathe. Justine, gusto mo bang ika-stroke ko to? Sobrang nag blush ako and I felt butterfly on my stomach. Masisisi nyo ba ko kung ganito sya ka clingy?

Napatingin ako kay Sally and I felt relieved nung nakita kong mahimbing ang tulog nya.

"Comfy?" Tanong ko sa kanya tyaka ko hinawakan ang kamay nya at ni-rub ito ng light para makatulog ulit sya.

Tumango lang sya pero naramdaman ko yung labi nya na medyo tumama sa leeg ko.

Fudge! Lord wag nyo naman po akong sinusubukan.

"Craye." Bulong ni Justine sakin "sakin kana lang, sakin lang." Dagdag nya pa

"Shiiiii. I'm only yours, okay? Lagi mo lang tatandaan yon." Tyaka ko hinigpitan ang yakap sa kanya tyaka ko sya hinalikan sa forehead.

"Lagi naman doon." Reklamo nya sakin tyaka nya ko tiningnan, kaya tumingin na din ako sa mga mata nya.

She close her eyes, wait pumapayag na syang i-kiss ko sya sa lips? Seryoso ba to?

Right away, I close the gap between us.

"Ohhh gising na! Andito na tayo sa stop over. Hindi kayo gutom? Ayaw nyo mag breakfast ganon?" Narinig kong sigaw ni Sandy

Bullsh*t! It was just a dream?

Agad kong nilingon si Justine at ganon pa din ang pwesto nya, nakasandal lang sya sa bintana at halata mong kakagising lang din.

Nakita ko naman na hinawakan nya yung batok nya, siguro ay nangalay sa pwesto nya kanina.

Naalala ko ulit yung panaginip ko, nanghinayang naman ako bigla.

"Craye, Wala kang balak mag breakfast? Tired? Gusto mo ibili na lang kita sa labas." Alok sakin ni Justine

Wait! Ako na naman yung iniisip nya? Teka lang, hindi pwede kasi baka tama yung nasa panaginip na baka gusto nya din ng alaga at lambing.

"No, ako na lang ang bibili para sayo. Ano bang gusto mo?" Tanong ko

Lumapit sya sakin at may binulong.

"Ano? Ako?" Gulat na tanong ko

"Joke! Tara na sabay na lang tayong bumili." Sabi ni Justine tyaka sya tumayo at naglakad palabas.

Bago sya lumabas ay pinigilan ko muna sya, nakita kong nagulat sya sa pagpigil ko. Ngunit walang ano-ano'y hinalikan ko sya sa forehead.

"I miss you, Babe." Lakas loob ko dahil kami lang naman ang nasa loob dahil lumabas na yung iba para mag breakfast.

"Tsk! Nakakainis ka lagi." Sabi ni Justine sakin tyaka nya ko hinigit palabas

"Why?" Palambing kong tanong

"Nangalay yung leeg ko kanina, hindi mo manlang ako pinalean sa shoulder mo." Naiinis nyang sabi sakin

Napangiti na lang ako.

Paglabas namin sa Van ay civil na ulit kami. Alam nyo na, diba?

"Justine, anung gusto mo?" Seryoso ko nang tanong dahil baka mamaya iba na naman ang isagot nya

"Chicken Arroz Caldo and sandwich." Sagot nya tyaka sya umupo sa tabi ni Gianne

"Ang tagal nyo bumaba, anung ginawa nyo sa loob?" Nagulat ako sa tanong ni Sandy at kinabahan

Nakita nya kaya? Hindi naman siguro diba?

"Inayos ko lang yung bag ko tapos nagpaintay lang ako kay Justine kasi lumabas na kayo lahat." Explain ko sa sinungaling na paraan.

Nilingon ko si Justine at nakita ko na nilapitan sya ni Mon, napansin ko na parang inaasar sya ni Mon kasi halata mo kay Justine na parang naiinis na sya pero natatawa silang dalawa.

Napangiti na din ako.

"Ioorder mo na din ba sya? May sandwich na kasi sya na kay Maice na." Sabi ni Sally

"Ahh Sige, Arroz Caldo na lang. Yun daw ang gusto nya ehh." Sagot ko na lang tyaka ako umorder na

"Ano nga palang sabi ni Kylie?" Biglang tanong ni Sandy

"Alam nya naman na kayo ang kasama ko tyaka tayo tayo lang talaga so ayun Wala na syang nagawa." Paliwanag ko

"Mabuti na yun kasi diba baka gusto nyang sumama, valid naman yung reason natin dahil para satin lang tong magkakaibigan." -Sally

"And break na din natin to dahil nakaka drain na din naman sa campus, nakakainis na yung mga acads." Reklamo ni Sandy

"Nako totoo ka, minsan gusto ko na mag quit." -Sally

Pinakinggan ko na lang yung mga rants nila, ayoko nang makirants pa.

Kinuha ko na yung order ko tyaka yung para kay Justine, bumili na din ako ng bottled water.

"Ohhh jan na kayo ha, kakain na muna kami ni Justine." Paalam ko sa kanilang dalawa

Tumabi ako kay Justine then nasa kabilang side si Mon. Inabot ko na yung para sa kanya, ako na din ang nag squeeze nang calamansi para ilagay sa kinakain nya at nagbukas nang tubig para sa kanya.

"So ang sweet mo na ngayon ha?" -Mon

Napangiti ako sa sinabi ni Mon

"Thank you." Sabi ni Justine tyaka sya kumain

"Mon naman, hayaan mo na muna ako." Reklamo ko kay Mon dahil minsan ko lang talaga gawin to kay Justine

Sabay na kaming kumain ni Justine


----------------
Too much effort for this sweet scene. Ang pakahirap! 🤧🤧🤧

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now