"You okay?" Tanong ni Laurence pagdating namin sa mall.

Inaya ko siya mag-ikot ikot hanggang sa mapadpad kami sa arcade, para akong bumalik pagkabata dahil nilaro ko lahat.

"Shooting," sabi ni Laurence sakin habang nambabato ako ng dart. "If you win pupunta tayo ng Greece tomorrow for our late honeymoon."

Napatigil ako sa nilalaro ko at tumingin sa kanya.

"Paano ang company mo?" Tanong ko.

"It's our company," sabi nito at hinawakan ako sa bewang at inaya sa shooting area. "Sabi mo nga ako ang boss kaya okay lang na mawala ako ng ilang araw. Para rin makapagpahinga ka naman."

"You sure? Santorini, Greece? Walang bawian," naeexcite na sabi ko.

"Kala mo naman mananalo ka," natatawang sabi nito akin.

Gustong gusto ko talagang pumunta sa Santorini Greece kaya lang hindi ako matuloy tuloy dahil sa dami kong ginagawa. Mukhang ito na ang pagkakataon na makapunta ako ruon kasama ang asawa ko.

"I'll win," pursigidong sabi ko at nagstretching pa ako kaya natawa ito. "Tawa ka nang tawa wag kang tatabi sakin mamayang gabi."

"You love my D inside your P, wife. You love my tounge playing your-"

"Bastos mo maraming bata," sabi ko at hinampas ko ito sa balikat. "Laro na tapos kain na tayo."

Ang demanding ko ba? Kasalanan naman niya kasi nagbago ang pakikitungo niya sakin kaya unti-unti na akong nahuhulog. Wala man ang salitang I love you saming dalawa nararamdaman ko naman sa mga kilos niya.

Akala ko magaling na ako sa shooting pero hindi pa pala. Malayo ang score niya sa score ko, kaya nakasimangot akong naglakad palayo rito.

Sayang ang Santorini, gusto ko pa namang magrelax.

"Hey, are you sad?" Tanong pa nito. "I won."

"Edi wow, congrats. Ikaw na," walang ganang bati ko.

"Dahil malungkot ang asawa ko ay kakain tayo sa Japanese restau, my treat. Smile," sabi pa nito sakin na akala mo isang bata ang kausap niya kaya umirap ako.

"Mukha mo," gigil na sabi ko.

Pagdating namin sa restau ay nakayakap ito habang nag-order. Lakas ng trip, ako na tuloy nahiya duon sa waitress dahil nakatitig sa kamay nitong humahaplos sa tiyan ko. 

"Your hand," bulong ko pag-alis ng waitress.

"Bati na tayo mayroon akong regalo sayo mamaya pag-uwi ko," sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano?"

"Secret at sinisigurado ko na magugustuhan mo," sabi niya kaya nanahimik na lang ako.

Kumain kami ng maayos hanggang sa magpaalam ako sandali dahil kailang kong magretouch.

"Samahan na-"

"Stay there, I'm not a kid."

Iniwan ko siya at dumeretcho sa restroom sa labas pa ng restau.

Pagpasok ko sa restroom napakunot ang noo ko nuong makita ang nakatalikod na babae na kaparehas ko ng suot na dress pati na rin ang buhok nito ay nahahawig sakin.

Akala ko new designs pero bakit may ibang may suot?

Lumapit ako at mas nagulat ako nang humarap ito. Si Serenity na nakangiti at para akong nananalamin dahil parehas ang suot namin pati ang pagkakalugay ng buhok.

"The hell! Talagang ginagaya mo ako," bulong ko.

"Excuse me, wala akong balak na gayahin ka dahil nagpapanggap ka lang naman na ako. Gotta go my date is waiting for me," nakangiting sabi nito bago umalis.

Weird, mukhang masaya ang demonyo kong kambal. Dahil ayokong maging parehas kami inayos ko ang buhok ko, messy bond hair.

Nang matapos akong mag-retouch ay lumabas na ako. Papasok na sana ako sa restau ngunit napatago ako bigla.

Nakita ko si Serenity na kasama si Laurence at kamay pa ng asawa ko ay nasa bewang ni Serenity.

Nagtago ako sa may poster ng makita na palabas na sila.

"Nagtatampo pa rin ba ang wife ko?" Rinig kong malambing na sabi ng asawa ko kay Laurence.

"No," sagot ni Serenity.

Bullshit! Sinadya niya na magkapareho kami ng damit para makahanap ng pagkakataon at makasama ang asawa ko. Gusto ko sanang lumapit pero ayokong maguluhan si Laurence at malaman ang panloloko namin sa kanya.

Tumingin pa sa Serenity nago hinalikan sa labi si Laurence at sabay silang umalis.

"You, Bitch! Sinasagad mo talaga ako! Hindi ko ibibigay ang asawa ko!"

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now