Chapter Twenty

Magsimula sa umpisa
                                    

Masama akong tiningnan ni Cairus. Sumilay ang maliit ang pilya kong ngiti sa labi upang asarin siya. Mukha siyang iritadong-iritado ngayon pero walang magawa at hindi ako mabulyawan dahil nasa harapan namin ang mommy niya.

Takot naman pala, e!

"She's Milgrace, anak siya ni Tito Milandro mo."

"I don't care, mom. I'm not interested," he said and started to walk away with heavy footsteps.

Umakyat na siya, patungo siguro sa kaniyang kuwarto. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Bumalik ang tingin ko kay Tita Meryll.

"Pasensya na sa anak ko, ha?" aniya saka tipid na ngumiti. "Hindi lang kasi siya sanay na may ibang bata sa paligid niya kaya masungit."

"Okay lang po." Ngumiti ako. "P'wede po ba ako magtanong?"

"Sige, hija. Ano bang itatanong mo?"

"P'wede po ba paglaki namin, kaming dalawa ang ikasal?" nakangiti kong tanong. "Gusto ko po kasi siya maging asawa, e."

Natawa siya saka ginulo ang aking buhok pagkatapos ay pinisil ang mga pisngi ko. "Masyado ka pang bata. Hintayin mong lumaki muna kayo."

"Mga ilang years pa po?" nakanguso kong tanong.

"Until you're big enough to be married? I think, fifteen years," she answered. "Can you wait?"

Tumango ako na parang buong-buo ang loob ko.

Fifteen years . . .

Fifteen years had passed already.

P'wede na ba ngayon?

Nakapaghintay ako nang matagal na para bang pinanghawakan ko ang mga salitang binitiwan sa akin ni tita noon.

Hindi ko naman alam na hanggang ngayon, anak niya pa rin ang gusto ko. Masyado pa akong bata noon para masabi ang mga bagay na iyon pero parang sineryoso ko.

Heto pa rin ako, tinatanaw sa malayo si Cai at hinahangad ng puso ko na tuluyan na siyang maging akin.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nagtagpo ang aming mga tingin. Hindi ko alam kung bakit nakita ko ang pangungulila roon.

Para bang sinasabi na . . . ang lapit namin sa isa't isa pero bakit parang ang layo?

Ngumiti ako nang tipid, hindi niya iyon sinuklian pero lalo lang lumalim ang tingin niya sa akin saka niya muling binagsak ang tingin niya sa papel sa kaniyang harapan.

Bumuntonghininga na naman ako. Ayaw ko nang pahirapan pa ang sarili ko.

Babalik na ako sa lugar na talagang gusto ko . . . sa pagitan ng kaniyang mga braso. Kung saan komportable ako at pakiramdam ko'y ligtas ako.

Tumalikod na ako. May kikitain pa akong kaibigan na galing sa New York at naisipang bumisita rito sa Pilipinas katulad nang ipinangako niya noon sa akin. He's one of my friends there and he's also my classmate way back in college.

I just received a message from him saying that he just landed and attached a picture of him at the airport.

Na-excite din ako bigla dahil na-miss ko siya. Right after dressing and putting a light make-up on my face just to look presentable, I made my way outside of my room.

Nakapag-message na rin ako sa kaniya na papunta na ako sa lugar kung saan kami magkikita para makaalis na siya sa hotel na tinutuluyan niya.

Ngumiti ako sa mga kasambahay na bumabati sa akin bago nila pinagpatuloy ang mga ginagawa nila. Nang makalabas ako ay sabay-sabay na nag-angat ng tingin ang magkakapatid sa akin.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon