Chapter 23

3.1K 88 0
                                    

Nasa balcony ako ng kwarto namin at nagpapahangin.

Tulog na ang anak namin habang si Stan ay may ginagawang trabaho sa home office niya.

Habang tumatagal ay nasasanay na ako sa pagtira namin dito. Noong una ay mahirap dahil hindi ako sanay na walang ginagawa. Na hindi nagta trabaho. Sanay akong ako iyong naghihirap at hindi naka depende sa ibang tao.

Pero minsan, ang sarap din pala sa pakiramdam iyong may nasasandalan ka. Mayroon naman akong Ria at Berta hanggang ngayon pero iba kasi sila, e. At iba rin si Stan sa buhay namin. O ng anak ko.

"Can't sleep?"

Napatalon ako sa gulat dahil sa boses na iyon.

Paglingon ko sa kanya ay may maliit na ngisi sa labi niya na para bang naaaliw siya sa reaksyon ko.

"Why are you so jumpy?"

Ngumuso ako nang makitang tumayo siya sa tabi ko.

"N-nagulat lang ako."

Tumango ito. Ang presko parin ng hitsura nito kahit galing trabaho at pati kanina pagkatapos kumain ay nagtrabaho ulit pero para bang kakagising lang nito. Hindi mo kita sa mukha ang stress nito.

"Why are you still awake?"

Muling tanong nito. Bumaling na rin ako sa harap. Sa mga kahoy sa labas at sa dahon na sumasayaw dahil sa preskong hangin.

"May iniisip lang."

Sabi ko nalang.

"Care to share it with me?"

"Well, if you want to." Dagdag nito.

Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagbaling nito sa akin.

"Tungkol lang sa mga magulang ko. Ilang taon na rin kasi nang u-umalis sila at iwan kami ng mga kapatid ko."

Konting katahimikan ang bumalot sa amin.

"Do you want to look for them?"

Ngumiti ako ng mapait. Bigla na namang humapdi ang dibdib ko nang maalala ang hindi inaasahang pagkikita namin ng tatay ko.

"Nakita ko na ang tatay ko. Nga lang, masaya na siya sa bagong pamilya niya." Tumawa ako kahit walang nakakatawa para lang maibsan ang hapdi sa dibdib ko.

Hindi ako nakarinig ng sagot sa kanya kaya nagpatuloy ako.

"Bata pa lang kami iniwan na kami ng mga magulang namin kaya ako nagta trabaho para sa mga kapatid ko. Nag aaral habang nagta trabaho kahit menor de edad pa. Nag aaral habang nagpapa aral ng mga kapatid."

Lumingon ako sa kanya at kita ko nag emosyon sa mukha nito ngunit nakatiim ang mga labi.

Binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago bumaling ulit sa tanawin sa harap namin. Hinding hindi ko talaga makakayanang tapatan ang intensidad sa mga mata nito.

"Ginawa ko ang lahat para may makain lang kami. At...kaya ko rin tinanggap ang pagsayaw noon sa...s-stag party mo."

Lumunok ako at huminga ng malalim dahil nagsimula nang mag init ang mga mata. Humarap ako ulit sa kanya at nakatitig parin ito sa akin. Sa gitna ng hapdi ng dibdib dahil sa sakit na dulot ng aking mga magulang ay siyang haplos naman ang nararamdaman ko dahil sa pagtitig nito sa akin.

"Bago mo ako nakita noong araw na iyon ay...pumunta ako sa kumpanya ninyo. Nagmakaawa ako sa security guard para makita ka lang. K-kasi kailangan ka ni Gav. Pero h-hindi ako pinayagang makapasok."

Lumunok ako bago nagpatuloy.

"Aalis na sana ako nang makita ko ang tatay ko kasama ang bagong asawa nito. Ang laki ng ngiti sa mga labi niya....tapos kakaibang kislap pa sa mga mata niya ang nakita ko. Na hindi ko nakita noong hindi niya pa kami iniwan."

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang daliri niya sa mukha ko sabay pahid sa luha kong hindi ko naramdamang tumulo. Napapikit ako dahil sa kakaibang comfort na nadama dulot ng daliri niya. Ngunit ganoon din naman ang pagbagsak pa ng mga luha ko. Na para bang nagsilbing gatilyo iyon upang umalpas ang bigat sa dibdib ko.

Maya maya ay ramdam ko na ang init na yakap na bumalot sa akin kaya napadilat ako. Natigilan ako at mahinang napasinghap dahil sa lakas ng kabog sa dibdib.

Mahina akong napahikbi dahil para bang sa tinagal tagal na panahon kong naging matatag at matapang, ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataong maging mahina. Iyon ay dahil hindi ko binigyan ng pagkakataong maging mahina ang sarili ko. Kaya ganito nalang kabigat.

"I'm sorry..." Bulong nito sa napapaos na boses habang yakap parin ako.

Unti unti kong pinunasan ang mga luha ko sa loob ng yakap niya.

"I'm sorry because I was not there when you need me. Especially when you got pregnant."

Umiling ako at kumawala sa yakap nito. Sa tangkad nito ay kailangan ko pang tumingala.

"Hindi mo kasalanan, Stan. Choice kong hindi sabihin sa iyo...d-dahil akala ko ay ikakasal ka na at...ayokong makagulo. A-ayokong magulo ang buhay ni Gav at...ayokong guluhin ng publiko ang buhay niya. Na resulta siya ng isang pagkakamali."

Kumunot noo ito at hinawakan ang magkabilang braso ko. Bigla akong nanginig sa hawak nito sa kabila ng init ng hawak nito.

"Our parents arranged our marriage. All my life, nasa negosyo lang ang atensyon ko at...wala naman akong pakialam sa pag ibig kaya pumayag ako sa gusto ng daddy ko. Sa edad ko...naisip ko na baka...hindi masama ang pagpapakasal upang mag settle down."

Lumunok ito at kita ko ang galaw ng adams apple nito. Dumausdos ang hawak nito sa braso ko hanggang sa hinawakan niya na ang kamay ko ngayon. Kakaibang talon ang ginagawa ng puso ko sa ginawa nito.

"But I was confused. Because after that night...I kept on dreaming of you. On what we did. Everything that we did that night keeps on coming back to my mind and never left."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito kaya hindi ako nakapagsalita.

"And so I asked for a sign. Kung magpapatuloy ba ako sa kasal o hindi."

"P-pero hindi natuloy ang k-kasal ninyo..."

Tumango ito.

"She was doing things behind my back. I thought she was serious with the wedding kaya kahit gusto ko ang nangyari sa atin ay..nakonsensya ako kahit konti. But then...one day, I went to her place to tell her about what happened in my stag party..."

Hindi nito tinuloy ang sinabi kaagad kaya ganoon nalang ang antisipasyon ko. May maliit na ngisi na naman siya nang makita ang reaksyon kong interesadong malaman ang sumunod na nangyari.

"But...I found her having sex with her  man."

Napasinghap ako. Totoo pala talaga ang bali balita.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

Tumawa ito dahilan kung bakit nakita ang biloy nito sa magkabilang pisngi.

"Are you kidding? I was so relieved. And that was the sign I was asking for. I told my dad about it and we immediately stopped the preparation for the wedding ."

Kakaibang ginhawa rin ang naramdaman ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Gustong magtalon talon ng puso ko.

"I'm sorry for my attitude that day when I met you. I panicked because the woman who gave me sleepless nights was finally in front of me."

Heaven In your ArmsWhere stories live. Discover now