Napatungo naman ako dahil don, Wala akong masabi Dahil ang alam nila Na kapag isa kang diwata Mahina ka. Kaya pinagtatawanan lang kami,

" Anong nangyayari dito.? " Pamilyar ang boses nayon, Kahit Isang beses ko palang syang nakita Kilala kona agad ang boses nyan.

Hindi na Itim na Hanfu ang Suot nya Kulay puti na ito na mas lalong Bumagay sakanya,

" Kamahalan, " Nabalik ako sa Ulirat dahil sa Boses nang Prinsesa nang durram Agad itong lumingkis sa braso Ni Indra kaya may kung anong meron sakin ang parang tinutusok,

Pero bakit koba nararamadaman ito.? Prinsepe nang durram naman din si Indra kaya Walang malisya na Ganon ang kilos nang kapatid nya.

Tinignan ko Ulit sya At Napalunok ako nang Nakatingin din ito sakin pero Bigla rin itong umiwas na ikinadismaya ko,

Hindi naba nya ako Na-aalala.?

Bumagsak ang Balikat ko nang Tuluyan na Ako nitong tinalikuran Akala ko lilingunin nya ako pero bigo ako, Nanlulumo akong bumalik sa Lugar kung nasaan ako kanina, Naa-lala kona naman ang Itsura nya.

" Hindi na Siguro ako naa-lala, " Napabuga nalang ako nang hangin at Malungkot na Tumingin sa paligid,

" Kayo ba si arcadia.? " Wala sa sariling napalingon ako sa Likod ko nang may magsalita Na Gulat pa ako dahil medyo natatandaan ang mukha nito, at isa sya sa mga kalahi ko.

" Isa ka ring diwata.? " Gulat nito pahayag, Kaya nakangiti akong tumango Nagulat pako nang bigla ako nitong hagkan,

" grabe, Medyo matagal narin simula nang makakita ako nang Kauri ko, " Nangunot naman ang Noo ko dahil don. Alam ko taon taon Nagpapadala Nang mga diwata dito sa heavenly Palace Para Magtrabaho,

" Ha.? Bakit saan ba napunta ang ibang Katulad natin.? " Takang tanong ko

" Dinala sila Sa Continen nang Durram, Hindi ko nga alam kung bakit Nila pinagayan,Ang Gusto nang Prinsesa at Pinadala nila ang mga karamihan sa Kauri natin doon,. " Paliwanag nya. Sa Ugali palang nang Prinsesa nang durram Masasabi ko nang Hindi Ko gusto ang ugali nito. Pati ang mga tagapaglingkod nito Mapagmataas din,

" Halika. Pinapatawag ka Nang Kamahalang Yair. " Hinila ako nito kaya halos masubsob na ako, Naa-lala ko sakanya bigla si Lucian na napakalakas din kung humila.

Kakaiba Rin ang Bunganga Na Meron itong Si lily, Akala ko hindi na sya humihinga kapag nag-kwe-kwento dahil dere-deretso. Napag-alaman ko ring Pinulit lang syang Magtrabaho dito at ayaw talaga nya. Pero Gusto naman iyong nang pamilya nya kaya wala na syang nagawa. Ang akala ko marami ang Gusto ang Magsilbi dito sa Heavenly palace pero. Malalaman Ko din na Ang iba ay Hindi rin..

" Saan kaba Nang-galing kanina pa kita Hinhintay.. " Kunot noong tanong ni Yair nang makapasok ako sa Loob Nang Palasyo nya, Nalaman ko din Ito kay Lily na bawat dyos ay meron silang sariling palasyo.

" Nandito na Nga ho ako eh.! " Namumula ang pinsgi nito Kaya hindi ko mapigilang matawa.

" Bakit ka tumatawa.? " Tumayo ito sa pagkakaupo at muntik nang matumba buti nalang at nakakapit sya sa Isang maliit na lamesa.

" Hindi mo manalang Tutulungan ang amo mo.? Bilang personal na Katulong ko dapat inaalalayan moko, " Bigla Itong nag seryoso, At halos hindi mag proseso sa utak ko ang sinabi nya,

Personal na katulong.?

" Ang sabi mo tutulungan mo lang akong magpalakas nang enerhiya ko, bakit napunta agad ang usapan dito.? " Gulat kong tanong sakanya,

" Bilang Pagligtas nang Angkan mo. Eto ang magiging kapalit. " Napa- Awang nalang ang bibig ko dahil sa sinabi nya. Ano pabang magagawa Ko.? Isang Dyos ang nag-utos sakin , At wala pa ako sa laking kingan nang lalaking ito.

••••

Nang malaman ni Lily ang Binalita ko sakanya Hindi naman ito magkamaliw at sobrang tuwa, Napapailing nalang talaga ako dahil sa unang tingin Akala mo isa syang mahinhin na babae pero kabaligtaran iyon,

" Sa wakas may kasama na ako, Alam mobang Sobrang lungkot ko dito.? " Ngumiti ito nang malawak bago naupo sa tabi ko,

" Uhm, ano bang dapat kong gawin.? " Tanong ko sakanya, Nangunot ang noo ko nang may kinuha itong Malaking dalawang walis,

" Wawalisin natin itong Mga dahon. " Literal na napatanga ako dahil sa sinabi nya, Inilibot ko ang tingin sa lugar at Wala sa sariling napalunok nang makira kung gaano karami ang wawalisin namin,

Kung hindi lang talaga Mahalaga ang lalaking iyon, At baka Nasuntok kona iyon nang wala sa di oras, Ang sabi Nya tuturuan lang akong Magpalakas pero nauwi ako bilang isang Katulong nya.









Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now