Amidst The War

11 5 6
                                    

AMIDST THE WAR

Disyembre 1941.

Sa ilalim ng karagatan sa timog silangang bahagi ng Pilipinas ay balisa si Mineyah sa mga ipinapahiwatig ng mahiwagang kabibe.

Tila sumisirko ang kanyang tiyan at hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman.

Sa labis na pagiisip ay hindi niya napansin na kanina pa nakatingin sa kanya si Dominu na siyang kanyang asawa.Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha.

"May problema ba aking irog?" Banayad nitong wika pero umiling siya.Napakagat siya sa labi at sinalubong nang tingin ang asawa.

"Dominu,may napipintong digmaan.Marami ang magdurusa,dadanak ang dugo at natatakot ako para sa sangkatauhan.Nakakahilakbot ang mga nakikita kong pangitain.Kailangan kong balaan ang mga taga-lupa." May bahid man ng pagaalala ang kanyang boses ay kalakip nito ang determinasyon na makatulong.

Nagdadalawang isip man si Dominu na payagan ang asawa ay hinayaan na lamang niya ito sapagkat hindi ito magpapapigil.

"Mag-ingat ka roon.Alagaan mo ang iyong sarili,at bumalik ka kaagad dahil kailangan ka namin bilang aming reyna," wika ni Dominu at hinalikan si Mineyah sa labi.

Isang ngiti lamang ang kanyang isinukli sa asawa at tuluyan nang tumapak sa lupa.May kakayahan siyang magpalit ng anyo kung kanyang gugustuhin pero may limitasyon,hanggang tatlong palit lamang.Kapag nagamit na niya ang ikatlong pagpalit ng anyo ay kailangan niyang bumalik sa dagat; may limitasyon ang kanyang ikatlong palit, dahil kung hindi ay habang buhay na siyang magiging tao at huhulas ang kanyang rikit.

Mabilis niyang isinagawa ang kanyang plano na lipunin ang mga mamamayan upang makinig sa kanya pero ang problema ay pinagtawanan lamang siya ng mga ito at marami ang hindi naniwala.

May isa pa ngang nagsabi ng; "Maganda ka sana binibini ngunit utak mo'y galunggong." Sinundan iyon ng malulutong na mga tawa ng mga mamamayan at nagkanya-kanya ng alisan.

Nangitngit ang kalooban ni Mineyah.Gusto niyang parusahan ang mga ito pero pinigilan niya ang kanyang sarili.Napailing siya,sa isip niya'y mas mainam na umuwi na lang muna siya.

Lumipas ilang buwan at hindi nga siya nagkamali.Sumiklab na ang digmaan,maraming mga mamamayan ang naapektuhan.At kahit pati ang karagatan ay naapektuhan rin.Panay ang paghagis ng mga bomba mula sa himpapawid na siyang kagagawan ng mga Hapones.

Sa labis na pagkamuhi ay gumawa siya ng napakalaking buhawi.Nagpaulan siya sa kalangitan na may kasamang naglalakihang mga kulog at kidlat na tila babasag sa iyong tenga na talaga namang nakakahilakbot.

Nakipagpulong siya sa diyosa ng tubig na si Anitun Tabu na sila'y magsanib pwersa na gumawa ng bagyo at parusahan ang mga tao sa hindi magandang pagtrato sa karagatan at maging sa mga nilalang na nainirahan dito.Hindi naman siya nabigo at pinagbigyan siya nito.

Ngunit hindi siya masaya.Parang pinupunit ang kanyang puso sa pinsala nitong dala.

"Mineyah,sa palagay ko'y hindi na maganda ang nagiging bunga ng iyong galit.Batid kong nais mo lamang parusahan ang mga tao na nagdudulot ng digmaan.Ngunit tingnan mo,maraming inosenti ang namamatay dahil sa iyong pagkapoot." Pakikipagtalo pa ni Dominu.

Natauhan siya,kaya't napagdesisyunan niyang bumalik sa lupa.Nasaksihan niya kung paano mas lalong naghirap ang mga Pilipino.Nagmagandang loob siya at tinulungan ang mga ito na magamot ang mga sugat.Batid ng sangkatuhan na siya'y hindi ordinaryong nilalang.Nalaman ito ng mga hapones kaya't agad siyang ipinatawag upang gamutin ang Kapitan ng mga Hapon na si Ichiru Yamato na ilang araw ng sugatan dahil sa nangyaring mabigat na engkuwentro laban sa mga gerilya.Ginamot niya ito,at labis ang pagkamangha ng ilang sundalo sa nasaksihan.

Amidst The WarWhere stories live. Discover now