"Thanks, hindi ka na sana nag-abala..." nahihiya kong usal.

"If I don't do this you'll wake up without any food, Milada." Ngumuso ako at tumango.

"Salamat," he nodded.

Pinaghandaan niya pa ako ng plato at asikasong-asikaso ako sa ginagawa niya. Wala akong ibang ginawa kundi panoorin lang ang kilos niya. 

"Amadeus..." tawag ko sa kanya ng hindi na makayanan ang panoorin siya ng gano'n.

"Hmm?" tipid niyang tanong pero patuloy pa rin sa ginagawa.

"Kaya ko na... ako na..." kukunin ko na sana sa kanya ang baso pero mas'yado siyang mabilis at agad na naiwas ito sa akin.

"Just let me, okay?" aniya na nagpatulis lang sa nguso ko.

Nang matapos siya sa pag-aayos ay nagsimula na kami kumain. Nagkwentuhan kaming dalawa na parang sobrang normal na normal na 'yon sa amin. Kahit papaano naman ay hindi na ako masyadong kinakabahan. Pero siguro hindi na rin talaga maaalis sa akin 'yon.

Pagkatapos kumain ay ako na ang nagpresintang maghugas. Laking pasasalamat ko ng pumayag siya at ito na lang ang nag-ayos ng lamesa. Hinintay niya akong matapos bago siya nagpasyang umuwi sa kanila. Gabi na rin kasi at masyado na akong nakaabala sa kanya.

Bumalik ako sa kwarto at agad kinuha ang phone ko para sana tawagan si Tita Kilari, pero katulad ng nangyari sa mga araw ko na naroon ako sa Bicol ay hindi pa rin sinasagot ni Tita Kilari ang text at tawag ko. Hindi na maganda ang kutob ko at hindi ako natutuwa sa mga naiisip ko. 

Dahil nakatulog naman ako kanina, hindi na ako nakaramdam ng antok. Naisipan kong pumunta sa kuwarto ni Tita Kilari at kunin ang box na sinasabi niya sa ilalim ng kama at ang envelope na nasa cabinet niya.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang simpleng ayos ng kwarto niya. Una kong kinuha ang envelope na nakapatong na doon. Para bang hinanda na. Sunod ay ang box sa ilalim ng kama. Kailangan ko pang lumuhod para silipin ang nasa ilalim ng kama. I saw the red box and I immediately reached it by my hand.

Medyo mabigat 'yon pero ang laki naman ng kahon ay maliit lang na parang kasing laki ng box ng sapatos.

Bumalik ako sa kwarto bitbit ang mga 'yon at naupo sa kama para tingnan ang mga laman ng kinuha ko. Una kong binuksan ang box dahil masyado akong kuryuso kung bakit gano'n iyon kabigat.

Umawang ang labi ko ng makita ang isang lumang notebook. It looks like a diary. Pagkatapos ay sinuri ko pa ang ibang laman ng box. All the items inside the box are all old. Like the petals of roses that is already dried. Marami din sobre na maliliit.

"What's this? Tita Kilari's love letters from her admirers?" napataas ang kilay ko.

Sa pinakailalim ng mga bagay na nasa loob ng box ay panibagong sobre. But this time, mas malaki ang size nito at makapal na para bang maraming laman sa loob.

I opened it. Agad na umawang ang labi ko ng makita ang iba't-ibang pictures ni Tita Kilari. Ngayon ko lang napagtanto na tama ang sinasabi ng ibang nakakakita na magkamukha kami ni tita. Magkamukha kami mula sa mata, ilong, labi at hugis ng mukha. 

Nilipat ko sa ibang larawan at nakita ang taong hindi ko aasahan na nandoon. 

Si Mr. Payton...

Bukas ang polo ng uniform niya at nakalitaw ang puting t-shirt doon. May maangas siyang ngiti sa labi ngunit hindi maaalis na ang gwapo niya sa picture. Nakaakbay siya kay Tita Kilari habang si tita naman ay parang nahihiya pa sa picture. Magkahawak ang kanyang kamay sa harap habang may nahihiyang ngiti sa labi. They are wearing their school uniform at mukhang nasa school ground sila.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now