Reunited

394 22 8
                                    


I am broke, feels like my world collide I don't know what to do, I just wanna cry I wanna get drunk I wanna forget this pain because it's killing me.



Megan


Kinuha niya mula sa fridge and cereal at gatas at ipinatong iyon sa counter, siniyasat pa niya ang laman ng refridgerator ni Theo ng hindi mahanap ng kaniyang mga mata ang nais ng kaniyang bibig isinara na niya ang pinto at pinagtuunan ng pansin ang cereal sa counter.Kumuha siya ng maliit na counter at inilagay ang cereal doon bago niya ibinuhos ang gatas ng matansya na ang dami noon ay inumpisahan na niya ang pagkain. Masyado siyang ginutom ni Theo isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi ng maalala ang nangyari ng nagdaang gabi. Sasabayan na muna niya ito na pagkukunwari nitong may amnesia bago niya sabihin dito ang kaniyang pagdadalaang tao. Ngayong araw rin siya susunduin ni Daniel para ipakilala sa kanilang lolo. Medyo natatakot at na i-excite siya sa mga magaganap.

Mabilis na niyang tinapos ang pagkain at ng matapos hinugasan na niya ang untensil at bumalik sa silid ni Theo. Mahimbing parin ang tulog nito kaya naman nagtungo na siya sa bathroom para maligo. Itinapat  niya ang kaniyang katawan sa shower kasabay ng paglapat ng maligamgam na tubig sa kaniyang balat.

Theo's Pov

Marahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata bago iginiya ang paningin sa kaniyang tabi, binundol ng kaba ang kaniyang dibdib ng hindi magisnan si Megan pero agad din naman iyong naglaho ng maulinigan niya ang lagaslas ng tubig mula sa shower. Nasapo niya ang kaniyang noo ng gumihit ang kirot mula sa kaniyang ulo, hindi pa ganun ka hilom ang kaniyang sugat at sigurado siyang matatagalan pa iyon bago tuluyang humilom. Inilis niya ang blanket na nakabalot sa kaniyang pang ibabang at nilisan ang kama.

Akmang tutunguhin na sana niya ang pinto ng marinig ang pag-ring ng Cellphone ni Megan. Dumako ang kaniyang mga mata sa Cellphone nito na nakapatong sa side table, tumaas ang kaniyang kilay bago humakbang palapit doon at ganun nalang ang pag-asim ng kaniyang mukha ang makita ang pangalang naka-register sa caller na walang iba kundi si Daniel. Dahil a binalot ng panibugho kahit hindi niya karapatang pakialaman ang cellphone ni Megan but he took the phone and declined the call bago muling ibinalik iyon sa ibabaw ng table.

Ilang segundo pa ay bumukas ang pinto ng bathroom at iniluwa noon si Megan na nakakunot ang noong nakatingin sa kanya.

" Are you okay,?" tanong nito habang pinupunasan ng towel ang basang buhok.

" Yeah, your boyfriend just called you," wika niya na hindi maalis ang inis sa tinig.

" Huh?" naguguluhang tanong nito bago lumipat ang tingin sa cellphone nito. Humakbang ito palapit sa table at kinuha ang cellphone at binuksan iyon." Ah si Daniel, I'm just gonna call him back," wika ni Megan na lalong nagpatindi ng kaniyang selos. Gusto niyang agawin ang cellphone nito at basagin iyon. Kaya naman walang lingon likod na tinalikuran niya ito at lumabas ng silid pabagsak din niyang isinara ang pinto.

Megan

Halos mapalundag siya sa lakas ng pagkakasara ng pinto ng lumabas si Theo pero sa halip na mainis isang nakakalukong ngisi pa ang gumuhit sa kaniyang mga labi." My amnesia man is jelous," bulong niya bago tinawagan si Daniel.

" Hey, I tried to call you but you declined it," bungad sa kaniya ni Daniel.

"I'm sorry, I was in the bathroom," tugon niya.

" Ah I see, I'm gonna pick you up at 4'oclock, excited na si lolo na makilala ka," masaya nitong wika.

" Me too, just a bit nervous, pero ito na matagal ko ng hinihintay," tugon niya na hindi maitago ang ngiti.

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon