The Confusion

433 30 21
                                    

" Mommy..' maliit na tinig ng isang batang lalake na malawak ang pagkakangiti sa kanya. Sa hinuha niya ay nasa halos mag-iisang taong gulang na ito. Nakaupo ito sa ibabaw ng bermuda habang may hawak na maliit na bouquet ng bulaklak ,nakasuot ito ng puting long sleeve na may ternong black pants.

"Mommy.." muling tawag nito sa kanya. Iginala niya ang kaniyang paningin at lumingon pa sa kaniyang likuran na nagbabasakaling nandun ang tinatawag nitong mommy pero walang ibang taong naroroon kundi siya lamang. Gumuhit ang gatla sa kaniyang noo habang marahang ihinakbang ang paa palapit sa bata.

Narinig niya ang mabini nitong paghagikgik habang pinagmamasdan siyang palapit dito. Hanggang tuluyan siyang makalapit sa bata at paluhod na naupo.

" Hey baby, what are you doing here? Where is your momma?" Mabini niyang tanong habang marahang hinaplos ang mamula- mula nitong pisngi.

Muling humagikhik ang bata bago tumayo at iniabot sa kanya ang hawal nitong bouquet ng bulaklak." Mommy..'' muli nitong wika.

Naguguluhang tinanggap niya ang iniabot nitong bulalak at lalo siyang nagulat ng bigla itong yumakap sa kanya na malayang ihinimlay ang ulo sa kaniyang balikat. Pakiramdam niya'y may mainit na kamay ang humaplos sa kaniyang puso ng maglapat ang kanilang katawan. Hangang sa parang may sariling buhay ang kaniyang mga paa na tumayo ng kusa habang kalong niya sa  kaniyang bisig ang bata.

Naguguluhan siya sa mga nangyayari pero isa lang ang alam niya ,siya ang mommy na tinatawag ng bata." Let's go home.." bulong niya dito bago ihinakbang ang mga paa paalis sa lugar na iyon.

"Megan.."

Marahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata ng marinig ang tinig na Malou na tumawag sa kaniyang pangalan. Bumungad sa kaniyang paningin ang pamilyar na kesame ng kaniyang silid. Hangang marahan niyang nilinga si Malou na bakas ang saya sa mukha. Katabi naman nito na Sr. Alfonso na nakaguhit ang ngiti sa mga labi.

" How do you feel?"

Napabaling ang kaniyang tingin sa may-ari ng di pamilyar na tinig at napakunot ang kaniyang noo ng mamukaan ito. Ito ang family doctor ni Malou na hindi niya matandaan ang pangalan.

" I-i feel good, what happened?" Kunot noong tanong niya na marahang kumilos upang bumangon, isinandal niya ang kaniyang ulo sa likod sa kaniyang headboard. Habang hinihintay ang sagot sa sinuman sa mga ito.

" Nawalan ka ng malay kanina Ija," Simula ni Malou,"  So I called doctor Ivan to check up on you and we found out that you--" putol nito sasabihin na may kinuha sa ibabaw ng kaniyang side table. Inabot nito iyon sa kanya habang kumikislap ang mga mata.

Kunot noong tinanggap niya iyon at halos manlaki ang kaniyang mga mata ng mapagtanto kung ano iyon, Isang pregnancy kit. Nasapo ng kaniyang palad  ang kaniyang bibig ng makita ang dawalang pulang guhit sa loob nito.

" Congratulation Ija you are going to have a baby.." masayang wika ni Malou.

Humapdi ang kaniyang mga mata habang hindi inaalis ang tingin sa pregnancy test. Hanggang sa namalayan na lamang niya na tumutulo na pala ang kaniyang mga luha. Magkahalong saya at kaba ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Biglang pumasok sa kaniyang isipan si Theo, ano kayang magiging reaksyon nito pag sinabi niyang nagdadalang tao siya sa magiging anak nila.

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon