“Ms. Wrent, umaapaw na ang tubig.”

Agad akong napatingin sa aking hinuhugasan. Pinatay ko na ang gripo. “Pasensya po.” Pagpapaumahin ko.

“Wala ka sa sarili, Ms. Wrent. May problema?”

Napabaling ako kay Manager dahil bigla siyang nagtanong. Wala siyang pakialam sa mga staff dito kaya nagtaka ako kung bakit niya ako pinapakialaman ngayon. Matapos kasi manligaw ng apat sa akin, balik trabaho ako. Balik din sa pagsusungit si Manager.

“Wala naman ho.” Bahagya pa akong yumukod. Matapos ay inabot ko kay Chef Sanchez ang karneng hinugasan.

Bumalik na ulit ako sa paghihiwa ng gulay pero ito na naman, lumilipad na naman ang aking isip kung saan-saan. Bakit ba kasi ako binigyan ni Elkhurt ng iisiping gano'n? Aaminin ko sa sarili kong nangangamba ang aking puso. Na para bang dapat malaman ko na ngayon, dapat hindi ako magpakampante.

“Ms. Wrent, balat ang hinihiwa mo.”

“P-Pasensya na! Pasensya na!” Tinapon ko na ang mga balat sa trash bin. Hindi ko naman namalayan na iba pala ang nakuha ko.

“Pagod ka yata.” Ani Mr. Sanchez na ang atensyon ay nasa kaniyang niluluto. “Pagkapasok mo ay wala ka sa sarili. Hanggang ngayon ay wala pa rin. Nasa oras ka ng trabaho.” Napailing-iling siya.

“Pasensya na talaga, patutuonan ko na ng pansin.” Depensa ko.

“Lahat naman tayo ay may mga problema sa bahay pero kapag nasa trabaho, dapat iniiwan mo ‘yon.” Sa ngayon, tinitigan niya na ako. “Focus on work, Thrizel.”

Ngumiti nalang ako sa kaniya.

Lumabas lang ako ng resto nang biglang tumawag si Link. Wala sana akong balak sagutin pero ang sabi ni Chef Sanchez ay kausapin ko na raw. Sandali lang naman ang aming pag-uusap dahil ang sasabihin niya ay nasabi na sa akin ni Thrale. Napahinga ako nang malalim bago pumasok sa loob. Patuloy na sana sa kusina nang may tumawag sa akin.

“Thrizel!”

Nilingon ko. Medyo nagulat ako nang makita kong si Thrale ito. Anong ginagawa niya rito? Ano na naman bang kailangan niya? Tiningnan ko lang siya hanggang makapasok siya sa resto.

“Anong ginagawa mo rito?” Pangbungad kong tanong. Wala naman si Gio rito, wala siyang dahilan para may puntahan.

“Next week ay uuwi na sila mom. Gusto kitang makausap tungkol doon.”

Wala akong naging reaksyon pero nagsalita ako. “Oras ng trabaho ko, dapat sa off duty ka nalang pumunta kung gusto mo akong makausap. Mamayang gabi pa ang uwi ko, umuwi ka muna. Maiinip ka lang kakahintay.”

“No, hihintayin kita rito.” Bigla siyang umupo sa bakanteng upuan. “I can order para hindi mapaalis.” Gustong-gusto.

“Ikaw ang bahala.” Sabi ko nalang at naglakad na pabalik sa kusina. Nakita ko pa si Chef Sanchez na pinapanood kami ni Thrale na nag-uusap. Hindi ko siya pinansin.

Nasa pag-aayos ako ng mga ginamit na utensils nang mahagip kong pumasok na si Chef Sanchez. Alam kong may sasabihin siya dahil ang kaniyang direksyon ay sa aking gawi.

“Sino ‘yong lalaking kausap mo kanina? Ang daming inorder.”

Pasikat masyado.

“Kuya ko lang po.” Magalang kong sagot.

“Pamilyar ang kaniyang mukha. Nakita ko na siya. Hindi ko lang maalala. Anong pangalan niya?”

“Thrale Wrent.”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now