I heard a gasp from her side. [ Omg! My son wants to meet his only friend na?! Omg, luna! I swear to god! Paano mo siya napapayag? I mean, I asked him plenty of times but his answer was always a no. ]

"Hindi po ma'am….hindi po siya pumayag, ano lang po gusto ko lang sana malaman ang pangalan ng kaibigan niya para sana makakuha ng kaunting impormasyon at nang mai-kamusta ko siya kay sir Ged."

[ Hmmm. Kind of disappointing but that's a good idea huh? Wait, let me just….] I heard some typing on the keyboard. [ Oh. He's name is MARCO ALFARO. ]



"Marco alfaro…..Marco alfaro, saan kaya siya rito?" Gabi na pero nasa tapat pa rin ako ng laptop. Sinusubukan ko kasing hanapin sa social media yung Marco Alfaro na yun e baka sakaling may Facebook or Instagram. Nakahingi rin ako ng picture niya kaya hindi ako mahihirapang hanapin siya.


"Eto kaya?" I found one in Facebook but it was on private pero may picture niya na kamukha sa picture na binigay sa akin ni ma'am fiona. Ito na siguro iyon dahil ang daming followers.

Inistalk ko siya hanggang sa nakakita ako ng address na hindi pamilyar pero mukha naman siyang dito lang sa pilipinas kaya isinulat ko na sa papel. Bukas na bukas din ay susubukan kong puntahan, nagbabakasakali lang.






"Kuya Lester, pasabi kay sir kapag hinanap ako pakisabi may bibilhin lang sa malayong lugar. Hindi na kasi ako nakapag-paalam at tulog pa siya." Bilin ni Luna sa gwardya. Tumango naman ito kaya nakaalis na siya.

"Magandang umaga po Sir Ged, nagluto na po si ma'am Luna ng Arroz Caldo pero kanina pa po ito kaya iinitin ko na lang para sa makain niyo po ng mainit." Sabi nito sa amo dahil nagsisimula na itong maghanap kay Luna. Dumiretso naman ito sa kusina at sinindihan ang kalan.

Samantala, nagtaka naman si Ged kung bakit ang agang umalis ni Luna. Maaga itong natulog kagabi at maaga rin ito nagising.

"Where did she go?" Nakay lester pa rin ang mga mata nito kahit pa ang pagkain niya ay nasa harapan na.

"Ah. May bibilhin daw po siya sa malayong lugar, wala pong sinabi na exact place pero babalik din naman po yon." Gustong mang-asar ni Lester sa amo dahil hinahanap nito ang dalagang caregiver samantalang noong mga nauna nitong caregiver ay kahit pa huwag na silang bumalik ay ayos lang kay Ged.

At dahil walang magawa si Ged, ipinagpatuloy na lang niya ang portrait ni Luna na kanyang ginagawa. Ginawaan niya na ito ng buhok at ilong, tinapalan niya rin ang mga outline nito ng Charcoal pencil. Balak niya sanang gawin ang labi kaya lang hindi masyadong klaro sa kanya ang hulma ng labi ni Luna kaya makailang bura na siya, isinantabi na lang niya muna dahil baka madumihan nito ang portrait.

Nakipaglaro na lang siya sa mga alaga nitong kuneho. Lumabas silang tatlo at nagtungo sa labas, hinayaan niyang magharutan ang dalawa sa lupa habang nagbababad ito sa pool.

Ged didn't know why he was feeling mourning, Luna just left for something then why is he feeling empty?





"Eto na kaya 'yon?" Nakatingin si Luna sa isang simple pero malaking bahay. Nakatayo siya ngayon sa pintuan nito, nanginginig ang mga kamay at nagdadalawang-isip kung kakatok ba o hindi pero sa isip niya ay sayang naman ang nilaan niyang oras para dito.

Huminga muna siya ng malalim. "Okay, here we go." Kumatok siya ng tatlong beses pero walang sumagot. Kumatok ulit siya at saka sinabayan ng 'tao po' nanginginig pa ang kamay at boses niya dahil ito ang unang beses na nangangatok siya sa bahay na hindi niya naman kilala.


Pero nang dahil kay Ged ay ginawa niya pa rin.

"Sino sila?" Bumigat ang paghinga ni Luna ng bumungad sa kanya ang isang lalaki. Matangkad ito at medyo kulot ang buhok, kayumanggi ang balat at maliit ang mga mata. Tinitigan ito ng maigi ni Luna saka pasimpleng sumilip sa picture na nakatago sa bag niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LA LUNA HERMOSAWhere stories live. Discover now