CHAPTER 02

1 0 0
                                    

"Luna! Diba naghahanap ka ng bagong kliyente?" Tumango ako sa isa sa mga katrabaho ko noon dito sa DSWD kung saan nagtatrabaho ako noon. Nandito ako kasi nagba-bakasakali ako na baka makakuha ako ng bagong kliyente. Dala-dala ko pa ang resume at iba pang papeles ko.

"Naghahanap ng professional caregiver si ma'am Fiona, ikaw agad ang naisip ko kaya dalian mo at sumama ka na sa akin baka maunahan ka pa!" Hinatak niya kaagad ako. Tumatakbo siya kaya napatakbo na rin ako, umakyat kaming 2nd floor gamit lang ang hagdan. Hingal na hingal ako nang makarating kami doon.

"Sino si ma'am Fiona?" Hindi niya ako sinagot bagkus ay iniharap niya ako sa mistisang babaeng nasa harap ko. Nakasuot siya ng puting dress, may hawak na folder at itim na bag sa braso.

"Siya po si Laluna ma'am." Yung katrabaho ko na ang sumagot dahil hindi kaagad ako nakapagsalita dahil nakatitig ako sa kaniya. Ang ganda niya kasi.

"Hello po. Laluna Hermosa po." Naglahad ako ng kamay at malugod niya namang tinanggap iyon. Lumambot ang puso ko sa kabaitan niya, madalas kasi sa mga mayayaman na kliyente ay masusungit o di nama kaya ay hindi marunong makisama.

"I've heard a lot about you laluna. Do you mind us talking in my office?" Nakangiti niyang sabi. Hindi na naman kaagad ako makapagsalita at napalingon pa sa paligid. Ang dami pa lang mga taong gusto ring makuha ang oportunidad na ito.

"Mayaman yan luna….makipag-usap ka na, kailangan mo rin ang kikitain sa kanila." Binulungan niya ako kaya ako natauhan at tumango.

"So sorry everybody, nakakuha na ako. You may look for other na po, thank you." Ang bait talaga ni ma'am fiona, nag bow pa siya sa mga tao.

Labis-labis na pagkadismaya ang narinig ko habang pumapasok kami ng elevator. Hindi pa rin ako makapaniwalang nakahanap na ako ng kliyente! Mapapagamot ko na si lola na nasa ospital pa rin at hindi na rin lalayas si ate Lorna sa bahay.

"I have heard so much nice feedback about you Luna that's why I really want to meet you. I want to get a caregiver like you. You must be the perfect caregiver for my son." Nakangiti pa rin siya. Son? Lalaki pala ang pasyente ko kung sakali.

Hiningi niya sa akin ang resume ko kaya binigay ko iyon.

"This is my son's short biography and bio data for your concern. You may take a look." Inabot niya sa akin yung folder na hawak niya kanina.

Binabasa niya na yung resume ko habang tinitignan ko naman yung biography ng anak niya. Matapos ko basahin ay lumipat naman ako roon sa bio-data nito. Medyo napahinto ako nang makita ang bio-data.

Wala na sa teen age ang lalaking ito pero sa tingin ko ay wala pa siyang 30. Una kong pinagmasdan ang 2x2 picture niya. Hindi siya nakangiti sa camera. Maayos ang buhok niya at nakaayos din ang kilay, mapungay na mga mata at may matangos na ilong na animo'y hindi nakikita ang nostrils nito, manipis na labi at may magandang jawline.

GIDEON EDWARD GUILLERMO
28 years old.
Born in MADRID, SPAIN
Diagnosed with Mild Tourettes Syndrome and Depression.
Martial arts, boxing, sepak takraw at basketball ang nasa educational background niya.

"Alam mo mahilig sumali sa sepak takraw ang anak ko dati pero natigil noong nadiagnose siya. Kaya sana talaga ikaw na ang makatulong sa amin ng anak ko, makailang caregiver na kami pero parang wala namang nangyayaring pagbabago sa kondisyon ng anak ko. I mean…hindi siya kumakalma." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Okay, so magkukwento ako about sa anak ko. He got the Tourettes from my husband from his dad and he was diagnosed when he was in elementary. His condition got worst when he got depressed by his dad suicide. Ayoko siyang matulad sa ginawa ng asawa ko, luna kaya araw-araw nagdarasal ako sa panginoon na sana makakuha ako ng magaling na caregiver na makakatulong sa anak ko kasi hindi ko na talaga makakayanan kung pati ang anak ko mawawala ng dahil lang sa sakit na yan."

LA LUNA HERMOSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon