Imbis na kulitin pa siya ay nanahimik na lang ako. Siya naman ngayon ang nagbukas ng ibang usapan hanggang sa bumalik sa table namin ang tatlo kasama si Aiden at Amadeus. Mabilis na tumabi sa akin si Amadeus. Binigyan ko lang siya ng ngiti at agad niya namang sinuklian 'yon.

Maaga akong nagising dahil maaga rin kaming pupunta sa plantation nila Amadeus. Hindi ko mapigilang ma-excite dahil isa sa mga dahilan ay kasama ko siya. Nag-almusal lang kami at pagkatapos ay umalis na rin. Sakay kami sa jeep nila at bumaba lang ng makarating sa plantation.

"Woah!" I muttered.

"This is just the entrance, Milada..." Amadeus said.

Tumingin ako sa arko at tama nga siya. Nandoon nakalagay ang pangalan ng plantation nila. I smiled at him after. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad papasok sa loob. Wala akong ibang nagawa kundi ang mamangha. 

"Marami kayong tanim..." sabi ko nang mapansin ang pananim sa matabang lupa.

"Hmm," Umawang ang labi ko.

"Flowers?" tanong ko.

"That's your friend's business..." umangat ang labi niya.

"You mean Cassie?" tanong ko. Tumango naman siya. "Kung ganoon, hindi kayo pare-parehas ng negosyo dito sa Albancia?" 

"Parang ganun? My family is known as the distributor of different crops. Like vegetables, fruits and many goods. Pero dito lang 'yon sa Albancia. But if we talk about the business outside of this province... may mas lalaki pa." He looks confident with it.

"Kaya siguro ang yaman niyo..." mahina kong sabi at nilibot ang tingin sa mga pananim.

"This is my grandfather's business that was inherited by his sons." Aniya.

"You mean... your lolo in your Casa?" tumango siya. "Wow... ang galing niya naman." 

"Yes, he’s my idol when it comes to business." Marahan niya akong hinila palapit sa kanya at nagsimula na ulit kaming maglakad.

"Then, bakit hindi ka kumuha ng ABM sa senior-high? E, sabi mo idol mo ang lolo mo pagdating sa business?" naguguluhan kong tanong.

"That is different situation, Milada. Yes, he is my idol when it comes to that matter. Pero kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na magpatakbo ng isang kumpanya. Trabaho na 'yon ng mga pinsan ko. I want to be an engineer in the near future. That's my dream..." I smiled.

"I'll support you then," I chuckled.

"Hmm..." tipid niyang sagot at hinaplos ang buhok ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at may panibagong gate naman kaming nadaanan. Ang mga kuwadra ng kabayo. I almost screamed when I saw dozen of horses. Napabitaw pa ako kay Amadeus at patakbong tumakbo roon pero mabilis niya akong nahila dahil baka daw matakot ko ang mga kabayo.

"Don't do that again," pangaral niya sa akin.

"I'm sorry, na excite lang ako. Nakasakay ka na ba sa mga isa sa kabayong 'yan?" he simply nodded.

"I have my own horse," aniya.

Lumakad kami palapit sa isang kuwadra at nakita ang kabayong iyon. Halos manlaki ang mata ko ng makita ang brown na brown na kabayo. Malaki ito at ang mga balahibo nito ay napakakintab. Mas makintab pa yata sa buhok ko. 

May lalaking nandoon habang may bitbit itong balde. At nang makita kami ay bahagya siyang yumuko kay Amadeus.

"Magandang umaga, Amadeus!" masayang bati ng lalaki.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now