Chapter 11

375 38 6
                                    

Saya/Kristine POV

"Glad to see you again Mr. Montefalco." Balik na bati ni Ama sa lalake at nakipagkamayan.

"I'm glad that we finally have time to Meet. I miss visiting your Hacienda, and also your Daughter." Ani ni Mr. Montefalco bago nakangiting tumingin sa akin. Tumango ako at nginitian siya.

"Hello po." Sambit ko sa mababang boses. Ngayon lang ako maka-encounter ng hindi ko kilala dito. Ang mga nakakausap ko lang kasi ay sina Gino, Ama, Ina at Si Dianna, pero minsan lang kami magkita o mag-usap.

Third Person POV

"Never expected na gaganda kapa lalo Iha." Puri ng ginoo kay Saya na pinasalamatan naman ni Saya, hindi namalayang itinirik ang mga mata ni Dianna dahil sa pagkairita, ngunit hindi naman nakatakas sa paningin ni Gino.

Alam ni Saya na si Kristine ang pinupuri at hindi siya pero hindi niya mapigilang magsaya dahil noon lamang siya pinuri ng ibang tao, liban sa kaniyang lola.

Nang sumagi sa isip ni Saya ang kaniyang Lola ay bigla siyang nakaramdaman ng lungkot at pagsisisi. Bakit nga ba kasi niya nagawa ang bagay na iyon samantalang minahal siya ng Lola niya ng lubos, simple lamang, kasi sa ayaw niyang mamuhay sa ganoong klase kaya naisipan niyang gawin ang bagay na iyon.

Nabalik lang siya sa ulirat ng kalabitin siya ni Gino, nang ilibot ang paningin ay doon niya lamang napagtantong sila nalang dalawa ni Gino ang naiwan sa labas.

"Pasok na tayo." Wala sa sariling tumango si Saya bago sumunod sa naunang naglakad na si Gino.

Naabutan nila sa Living Room sina Yuri at Dianna.

"Asan sila M-Mama?" Tanong ni Saya sa dalawa. Unang beses niya palang natatawag ng Mama ang Nanay ni Kristine dahil sa kung paano tumingin si Dianna sa kaniya kung magtatagalog man siya.

"Nasa Taas." Si Yuri ang sumagot. Pinisil ni Dianna ang braso niya ngunit ng lingunin naman siya ni Yuri ay hindi ito sa kaniya nakatingin kundi masamang nakatingin kay Saya na kinakausap ni Gino.

Alam ni Yuri na simula palang ng magkaharap sina Dianna at Kristine hindi na nagustuhan ni Dianna ang babae dahil sa antas nito sa buhay.

Alam niya rin kung paano nagplano si Dianna na sirain sa mata ng mga istudyante si Kristine hanggang sa plano nitong pagpatay kay Kristine dahil sa labis na inggit.

Hindi siya pumayag sa mga pinanggagawa ni Dianna at sa mga plano niya ngunit tinakot siya nito kaya ay pati siya nadamay.

Nasaksihan mismo ng mga mata niya kung paano tinulak ng mga kaklase ni Kristine si Kristine sa Rooftop ng Abandonadong gusali sa loob ng kanilang Unibersidad at kung paano ito maligo sa sariling dugo.

Hindi siya nagsumbong, hindi rin siya nagtangkang sabihin ang totoong sanhi kung bakit napunta sa ganong sitwasyon si Kristine. Natatakot siya na baka pati siya madamay, natatakot siya na baka makulong siya balang araw kasama ng mga may sala.

"Ok kalang ba talaga?" Rinig niya na tanong ni Gino kay Kristine. Tango naman ang tangi lang naisagot ni Kristine.

Napatitig nalang si Yuri kay Kristine. Napaka-inosente ng mukha niya at napakaamo. Sino ang mag-aakusa na masama ang ugali ni Kristine kung ganiyan siya kaamo? Napapailing nalang siya dahil sa dahilang dahil lang sa inggit at nalalamangan si Dianna nagawan niya ng masama si Kristine.

Napalingon si Dianna sa nonyo niya ng mapansing hindi siya nito kinakausap. Uminit lalo ang ulo niya ng makitang nakatitig si Yuri kay Kristine kaya inagaw nito ang atensyon niya sa pamamagitan ng paghalik nito sa labi.

Napalingon sa kaniya si Yuri na ikinangiti naman niya.

"Ayos kalang ba Babe?" Tanong nito gamit ang malambing na tinig. Nginitian naman siya ni Yuri bago sinagot.

When a Witch Reincarnated As A Bitch Where stories live. Discover now