Chapter 45: Miss Education

Start from the beginning
                                    

Nung tinawag na si contestant number five tumayo na din kami para makapagprepare. Ibinalik ko na din kay Derick yung hoodie jacket niya

"Hindi ka ba pinagkakaguluhan dun?" tanong ko sa kanya

"Nope. Because I am wearing this" sinuot niya na yung hoodie jacket ulit "Good luck, babe. And anyway, nice answer last time"

Napangiti ako "Thank you" seryosong sabi ko. Nakakatuwa lang kasi na makarinig ng compliment tungkol sa kanya lalo na kung alam kong hindi pambobola. The look on his eyes are telling me that he mean it

"Sige na pila na kami doon" sabi ko dahil nauna na sila Alice malapit doon sa stage. He just smiled. Gusto ko sana na humalik sa kanya kaso nagbago ang isip ko in a split second na wag gawin dahil baka may makakita.

Tumalikod na ako at lumapit kayla Alice. Saktong natapos yung performance ni contestant number five dahil sa palakpakan.

"And now, to sing and dance for us, let's call on contestant number six, Manilla Erica Dela Serna of SpEd Major" as usual malakas na palakpakan na naman. At mas lalong lumakas yun nung lumabas na kami sa stage. Kumaway at ngumiti din sila Alice habang pumupunta na kami sa places namin. Nasa gitna ako at binigyan ng wireless mic nung emcee.

I hear the beat at sign na yun na umpisa na..

"We're a thousand miles from comfort, we have traveled land and sea. But as long as you are with me, there's no place I'd rather be. I would wait forever, exalted in the scene. As long as I am with you, my heart continues to beat"

Naging wild na yung mga ka major ko. Kanina akala ko todo na yung palakpakan at sigawan pero mas may ilalakas pa pala yun. They are even throwing something na sa kanila pa din naman bumabalik.

"With every step we take, Kyoto to The Bay. Strolling so casually. We're different and the same, get you another name. Switch up the batteries"

Mas pinagana ko yung pagsayaw though nag iingat dahil naka three inches heels ako. Hindi lang ako sa isang direksyon nakatingin pero iniiwasan ko tignan si Cathy. Hindi ko alam kung maganda ba ang ginagawa ko but as long as nasa tono ako at nasasabayan ko ang sayaw nung mga kasama ko, wala pang problema.

"If you gave me a chance I would take it. It's a shot in the dark but I'll make it. Know with all of your heart, you can't shake me. When I am with you, there's no place I'd rather be. N-n-n-no, no, no, no place I'd rather be.."

Surprisingly hindi na talaga ako nate tense. Pakiramdam ko nga naglalaro na lang ako. Hindi naman din kasi ganun kahirap yung mga steps na tinuro samin nun ni Kuya Dennis. But then, something happened na hindi maiiwasan..

Natapilok ako and now I can't stand up dahil masakit ang paa ko. I can hear "oohhss" pero hindi ko pinansin. Pinagpatuloy ko pa din ang pagkanta at ngumiti. Sana maisip na lang nila na kasama yun sa steps. Naririnig ko din na nagsasalita si Kim

"Erica, okay ka lang ba?" nag aalala niyang tanong pero hindi ko naman magawamg sagutin. Sa totoo lang gusto ko naman tumayo pero hindi ko talaga kaya dahil masakit.

"We staked out on a mission to find our inner peace. Make it everlasting so nothing's incomplete. It's easy being with you, sacred simplicity. As long as we're together, there's no place I'd rather be"

Yung huling part ang plano sana is buhatin ako but since we can't do it, umupo na lang sila Alice at ginaya yung posisyon ko. Hindi ko maiwasan matuwa dahil naisip nila yun. Kung ie estimate hindi naman masama ang kinalabasan dahil napanindigan ko ang pagkakatapilok ko.

"When I am with you, there's no place I'd rather be" pagtatapos ko that earned us a round of applause at sigawan na naman. The lights dimmed at tinulungan ako nila Alice na makatayo

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now