"Amadeus, bakit hindi nagsasalita ang lolo mo?" I asked him softly.

"Mild stroke," tipid niyang sabi. Suminghap ako.

"Kung ganoon... hindi na ba siya mababalik sa dati?" kuryoso kong tanong.

Kaya pala gano'n ang reaksyon niya sa akin ay dahil na mild stroke pala ito. 

"Makakabalik kung magpapagamot siya sa America. Mas advance ang technology roon kaya mas gusto nila na doon ipagamot si lolo," aniya pa.

Inabot nito ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa garden ng Casa.

"Bakit hindi nila dalhin sa Amerika?" natahimik siya at nilingon ako.

Bago pa akong makapagsalita muli ay dumating ang tatlong pinsan niya at nagpaalam sa akin kung pwede ba daw muna nila mahiram si Amadeus. Pumayag naman ako dahil mukhang meron silang pag-uusapan na pribado. Ako na lang mag-isa ang naglakad papunta sa garden.

Pagdating doon ay nakita kong nagkakasiyahan na ang lahat. Nang makita ako ng tita ni Amadeus ay marahan akong hinila para makisali sa kanila. They are all warm and welcoming. Siguro ay likas na talaga sa presensya nila ang pagkakaroon ng nakakaintimida na awra.

Ang mga tita ni Amadeus ay parang si Tita Analyn lang din. Ang mga tito niya naman ay mababakas ang kaseryosohan pero nagagawa naman magbiro. They are a big family and I suddenly wonder kung meron din kaya akong gano'n.

Sa paglaki ko ay si Tita Analyn na ang nakasama ko. Wala akong nakilalang pinsan. Dalawa lang naman sila Tita Kilari at Mama. Hindi ko rin naman natanong kung may mga pinsan nga ba ako sa side nila dahil kahit kailan ay hindi naman ito naging mahalaga sa akin.

Pero ang makita na ganito kalaki at kasaya ang pamilya ni Amadeus ay hindi ko na mapigilang mag-isip.

"Oh... so, you're living with your Aunt?? Anong trabaho ng tita mo?" ang tita ni Amadeus.

"Ah, elementary teacher po..." she smiled.

"Ah teacher, huh?" tiningnan ko sila isa-isa.

"Your surname is a bit familiar to us. Yamamoto, you have Japanese blood?" tumango ako.

"Ang papa po nila Tita Kilari ay pure Japanese po. Si lolo..." magalang kong sagot.

"Maaga ka pa lang nangulila sa isang ina. Mabuti naman at kinupkop ka ng tita mo?" ani ng isang lalaki.

Hindi ko pa rin alam ang pangalan nila. I'll try to ask Amadeus about this. Lahat naman sila ay mababait at wala namang ipinakita na ayaw nilang nandito ako sa Casa nila.

"Inalagaan naman po ako ni Tita Kilari ng maayos. Halos sa kanya na po ako lumaki at nagkaisip." 

Tumango-tango sila na para bang masaya sila sa narinig. Napangiti na rin ako at tuluyan ng nawala ang kaba mula sa kanila.

"Gusto ko tuloy makilala ang tita mo, Milada..." humagikhik ito at inakbayan naman siya ng lalaki na sa tingin ko ay kanyang asawa.

Napansin ko na parang matagal ng wala si Amadeus. Nagpaalam muna ako sa matatanda at sinabing hahanapin ko lang si Amadeus. They agreed kaya pumasok na ako loob. Noong una ay alanganin pa akong maglakad sa marmol na sahig ng Casa pero naalala ko na sobrang na welcome naman ako rito.

Sinimulan ko sa living room pero wala sila roon. Pero sa paglalakad ko ay nakarinig ako ng kung anong nabasag. Mabilis akong naglakad papunta sa kusina at natagpuan na kinukuwelyuhan si Amadeus ng isa sa mga pinsan niya.

Mabilis akong nagtago ng mabakas ang tensyon sa kanilang apat. 

Bakit sila nagtatalo?

Sumilip akong muli ngunit gano'n pa rin ang ayos nila. Si Amadeus na kinukuwelyuhan ng isa niyang pinsan. Ang isa naman ay prenteng nakaupo lang sa upuan sa may lamesa at ang isa ay nakasandal sa may sink habang magka-krus ang mga braso nito.

Operation: Secret GlancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon