C H A P T E R - 0 1

5K 123 0
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hoy! Gaga, gising na!"

Nagising ako nang maramdaman kong may humampas ng unan sa maganda kong mukha. Agad naman akong bumangon at kinusot ang mata ko. Pero nagulat pa ako nang may bigla akong marealize. Teka, kagigising ko lang? So it means... panaginip lang 'yon? Oh my gosh! It's just a dream!

"Kyaaaahhh!" Tumalon-talon ako sa tuwa na ikinataka naman ni Bria. Actually, Brian talaga ang name niya. Kaso lang maarte ang loka at ayaw niya nun kaya Bria ang tawag namin sa kaniya. Barbie kasi!

"Luh? Nakasinghot ka ba, 'te?" Umangat ang kilay niya.

"Nanaginip ako! Nanaginip ako!"

"Ha? Eh, malamang, 'te, nanaginip ka! Natulog ka, eh!" pilosupong sagot niya. Kahit kailan talaga 'to, oh! Pilosupong barbie!

"Hindi! Ano kasi... 'Yung... 'Yung ano... Panaginip lang! Panaginip lang siya! Kyaaaahhh!" Nababaliw na ako sa sobrang happiness.

"'Yung ano? Nicrushback ka na ng crush mo tas panaginip lang?"

"Grabe! Ang sakit mo naman, sis! Hindi kasi 'yun 'yon, 'no!"

"Eh, ano nga?" tanong niya ulit.

"Ano. . . Ah, basta ano siya!"

"Tangina mo! Puro ka ano!" singhal niya.

"Hays, sige na nga!" pagsuko ko bago naupo sa kama. "Well, ganito 'yun, inutusan daw ako ni mama na humingi ng autograph kay Yue. You know? 'Yung sikat na kinababaliwan mong actor na 1 year lang ata ang tanda sa 'tin?" pagkwento ko.

"Gaga, kay Yue?!" Gulat niyang tanong. "Malandi ka! Akin 'yon, sis, kaya tigil-tigilan mo ako! Matuto kang pumila sa likod, 'no!"

Napailing lang ako saka nagpatuloy sa pagkwento. "Tapos. . . Ayun nga, nagulat pa siya kasi 'yung pinirmahan niya is marriage contract! Tapos sabi ni mama kailan daw honeymoon tapos nagulat naman ako kasi biglang tumayo si Yue! Nag-uusap kasi kami nun sa mansyon nila sa may sala tapos sabi niya. . . Let's go to my room daw, magrerevenge daw siya!" halos manggalaiti pa ako habang ikinikwento 'yon.

"Gaga ka! Talagang natutuwa ka pang panaginip lang 'yon?!" bulyaw niya bago pa namewang. "Dream come true 'yon, 'te! Isipin mo, ang gwapo ni Yue, mayaman, hot, tapos mukhang charming at mabango! Nako, 'te! Hirap mo intindihin!"

Luh? Paano niya naman nalaman na mabango 'yung person na 'yun? Naamoy na niya? Don't judge nga raw basta-basta, eh! Baka nga mukha siyang gwapo tas malinis sa katawan pero amoy putok naman? Pero don't judge nga raw kaya hindi ako sure. Bahala siya.

Tatayo na sana ako para magpunta sa banyo at maghilamos ngunit agad na natigilan naman ako nang tumunog ang phone ko. Kinuha naman iyon sa may side table at tiningnan. May nagtext sa akin. Nang mabasa ko na 'yon, parang gusto ko na lang lumubog bigla sa lupa sa sobrang gulat.

From: Coke omsim
Message: I'm already outside.

From: Coke omsim
Message: Where are you?

Ampota! Sino ba 'tong Coke omsim na 'to? Ba't feeling ko. . . ako ang nag-add nito kahapon sa contacts ko? Aish! I swear, hindi na talaga ako lalaklak ng coke na 'yon!

"Sino 'yan?" tanong sa akin ni Bria pero hindi ko siya pinansin.

Kaagad akong lumabas sa condo namin nang walang paki-alam sa itsura ko. Pagkababa ko ay hinanap ko agad kung sino 'yung Coke omsim na 'yon. Nanlaki pa ang mata ko nang makita mula sa labas si Yue, nakasandal sa kotse niya habang may hawak-hawak na phone. Teka. . . Anong nangyayari?!

Tumakbo ako palapit sa kaniya at lumingon naman siya sa akin nang mapansin agad ako. Nangunot ang noo niya nang makita ang itsura. Pero mas lalo akong nainis nang takpan pa niya ang ilong niya.

"Amoy laway ka." Napakahonest naman ng gagong 'to, oh!

"Wait, ikaw si Coke omsim?" tanong ko pa sa kaniya. Hindi siya sumagot at tinignan lang ako nang may pagtataka. Hay, nako! Nilabas ko na lang ang phone ko at pinakita ko sa kaniya 'yung number nung Coke omsim na 'yon. "Ikaw ba 'to?!"

Naging pokerface ang mukha niya. "What do you think?" Hinarap niya rin sa akin ang phone niya kung saan nandoon ang parehong mensahe na nasa phone ko.

To: Wife
Message: Where are you?

━━━━━━━━

Edited. October 10, 2022.

The Girl Who Asked My Autograph (COMPLETED)Where stories live. Discover now