"Wala pero sa edad mo hindi na bagay"

"Hindi porket Idol kita at patay na patay ako sayo ko-controlin mo na pati iinumin ko"

Tyaka ako lumabas ng tent

baka kasi mamaya mahalikan ko siya para mabura ang pagkakahalik sa kanya ni Natasha

*ringgg*ringgg*

"Hello XeNa?"

[Girl pumunta ka sa ospital nag-kritikal ang comdition ni Neon]

Bigla akong nanlamig sa sinabi ni XeNa

Neon..

"Sige pupunta na ko dyan."

Pumasok na ko sa tent para magpa-alam

"StormMyLoves este Senyorito.Pwede po bang umalis muna ako?"

"Bakit? San ka pupunta?"

"Sa Ospital po"ang dami namang tanong ni StormMyLoves

Bigla siyang napa-upo mula sa pagkaka-higa.At naka-kunot ng onti ung noo

"Ha? Bakit? May masakit ba sa'yo?"

"Wala..Walang masakit sakin..Yung kapatid ko nasa ospital at pinapupunta ako ni XeNa"

"I will go with you"

Ano ba? Wag mo nga akong pinapakilig!

"Ha? Wag na! May shooting ka pa! Keri ko naman eh! Dito ka na lang.Sige Bye! I love you!" Kinindatan ko siya nakita kong medyo napa-ngisi siya.. tyaka ako umalis

"Mag-ingat ka"

Napatigil ako

Pero nakita kong naka-talikod na siya.

Pumunta na ako na nag-mamadali sa ospital..

~~~~~~~~

~Ospital~

Tinext na sakin ni XeNa kung nasaan sila.

At nakita ko na sila

"Sissy"

"Nay! Si Neon po? Nasan na? Kamusta po?"

"Anak! Ni-rerevive nila si Neon anak..nang-hihina na si Neon..baka kailangang pakawalan na natin siya"naiyak na sabi ni nanay

"Nay hindi! Kaya nga ginagawa ko lahat para madugtungan pa ang buhay ni Neon.Nay hindi! Hindi natin isusuko si Neon.."nanghihina na umiiyak akong napa-upo

Ayoko..Hindi ko isusuko si Neon..

Maya-maya lumabas na ang doctor

"Doc kamusta po si Neon?"

"Nasa kritikal na condition pa din siya pero lumalaban pa din ang kapatid mo..She is really a fighter"

At umalis na siya

"Nay..sabi sayo lalaban si Neon eh.Lalaban at lalaban siya kaya lalaban din tayo"

Umalis muna ako saglit at pumunta sa Japanese Garden ng ospital

Umupo ako sa isa sa mga bench

Di ko namalayan napa-luha na pala ako

"Kailangan mo siguro ng panyo diba?"at nagulat ako kung sino ang nasa harapan ko

"S-storm"at napa-yakap ako sa kanya habang naiyak

Naka-hoodie at nerdy glasses siya

"S-sorry nabasa ko ata ung hoodie mo Senyorito"

"It's okay"

Umupo na kami sa bench

"Kamusta ang kapatid mo?"

"Nasa kritikal ang condition niya..Pero lumalaban pa din siya"

At kinain ng katahimikan ang pagitan namin. Napatingin na lang ako sa langit ang daming star isama mo pa pati itong katabi ko na talaga namang nag-nining-ning

"Kamusta nga pala yung shoot niyo?"tanong ko sa kanya habang nakatingin pa din sa langit

"Fine.Good."

Good? Kasi may kissing scene kayo? Tsk!

"Talaga? Good? Kasi may kissing scene kayo?Tsk! Nakaka------- nakakabanas! Kung pwede ko lang halikan yang labi mo para mabura ung halik ng babaeng iyon."naiiyak na ko

Sa tuwing naalala ko ung scene kanina pano kapag pinalabas na iyon sa TV? Tapos ipo-post un ng mga fans ng StoSha..Edi lalabas ng lalabas iyon

"Ano bang stress reliever mo?"pag-iiba niya ng usapan

Ano nga ba?

"Panoorin ang mga Star na nagti-twinkle habang pinakikinggan ang boses ng Star ng buhay ko"

~~~~~~~~~~
Babae po si Neon ^______^ MAHIRAP mag-hanap ng sakit so di ko muna matutukoy

VOTE.COMMENT.SHARE

Just a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon