Chapter 7

5 0 0
                                    

Crane's POV

Tinitignan ko ngayon ang papel na binigay ni Sir Ah.

Bakit parang ang layo ata nito? Pero hindi Crazy--

Wait..Crazy? Naalala ko na naman yun na daw ang nickname ni Storm para sakin Iiihhh!!! Kinikilig ako!

Ung sweldo ko yun ang magiging motivation ko! Grabe! Ang dali lang ng trabaho ko malamang naman na bata lang yun alangan namang teenager o matanda? Impossible naman yun!

Makapag-handa na nga ng mga damit

Nilagay ko na sa maleta ko ang mga damit ko..Nakita ko ung picture ni Storm na nakalagay sa picture frame

Ang gwapo-gwapo mo talaga no'? Bakit hindi ka man lang nag-tira para sa iba? Kaya tuloy para kang Star ang hirap mo abutin kahit na parang sobrang lapit mo na..Sana Storm tayo ung destiny para sa isa't-isa.Sana tayo ung itinad-hana.Sana magkaroon tayo ng happily ever after.

Napa-ngiti na lang ako sabay higa

Hay nako Crane! Nangangarap ka na naman! Nag-aassume ka na naman sa mga bagay na impossible mangyari! Paano mangyayari yang sinabi mo eh napaka-suntok sa buwan niyang sinasabi mo! Ang hirap naman oh!

Maka-tulog na nga! Baka ma-late pa ko! Kabilin-bilinan pa man din ni Sir Ah wag daw ipapahiya ang Smiley Agency

~~~~~~~~~~~~~~

Nandito na ko sa tapat ng bahay ng pag-tatrabahuhan ko

Nakaka-lula sa laki!

"Yes ma'am ? May maipag-lilingkod po ba ako?"sabi nung maid ata nila

"Ako po ung ipinadala ng Smiley Agency"sabay bigay ng pinaka-matamis na ngiti

"Ahh Oo! Sige pasok ka.."

Kung ano ung kinalaki sa labas un ang ikina-doble sa laki sa loob..Bahay pa ba ito? Eh mukhang mansion na ito eh

May swimming pool at maliit na park din grabe! Ang yaman naman!

"Madam siya po ang ipinadala ng Smiley Agency"sabi nung babae na sumalubong sakin

"Ahh..Ms. Crane Zylair Sarahashi?"tanong nung parang mayordoma ata

"Hihihihi Crane na lang po..Opo ako po"sabay ngiti

"Sige sumunod ka"parang strikta ata siya

Pumunta kami sa isang kwarto

"Ito ang magiging tulugan mo at ito ang cabinet mo..4 lang tayong katulong dito. Ikaw ang bahala kay Senyorito.Bawal ang makalat.Bawal ang malikot ang kamay.At higit sa lahat bawal mang-istorbo ng tulog pa gabi..Ang babantayan mo ay si Senyorito kaya susundin mo siya at ikaw din ang mag-aayos ng gamit niya Intyendes?"

Nahilo ata ako sa sinabi niya..Tuloy-tuloy walang hinto! Kara-karaka!

"Opo!"

"Sige mag-pahinga ka na iha at aayusin mo pa ang mga damit ni Senyorito bukas ng umaga..Ako nga pala si Acacia ang mayordoma pwede mo akong tawaging nanay Acacia"

At umalis na siya

Kailangan kong mag-pahinga para mag-karoon ng lakas para bukas

Tomorrow will be a long day

~~~~~~~~~~
VOTE.COMMENT.SHARE

Just a DreamΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα