WM-Chapter1

42 3 1
                                        


Georgina's PoV~

" Dadaan na ang malandi! Bigyan ng grand entrance! " Sabi nung isang lalaki na matangkad. Hindi ko sya kilala. Pero alam kong IT student sya dahil sa lace nya. Sa lace kasi nakalagay kung anong course ang kinuha nung estudyante.

Nagsitabihan naman lahat ng estudyanteng papunta sa kanikanilang room. Papunta nadin kasi ako sa room ko. BSHRM ang kinuha ko dahil mahilig ako kumain at mahilig din akong magluto.

Nagsimula na naman ang bulungan nila..

" Kala mo naman ang ganda ganda. Ang pangit naman! Tss. Di ko alam kung bakit sila ni Nash ngayon " Bulungan pero rinig ko. Ayos lang nasasanay na din naman ako.

" Oo nga. Akala ko mabait sya. Kasi nakikita kita ko din sya na napasok. Hindi pala nasaloob ang kulo. " Sabi pa nung isa. Sige lang. Hindi na ako natatamaan sa mga pinagsasabi nyo. Sanay na sanay na ako.

Naglalakad ako sa hallway at nakikinig padin sa mga taong nagbubulungan sa dahil sa akin ng may narinig akong may sumigaw ng "Go". Kasabay non ang pagbagsak ng kung anong tubig sakin. Pinunasan ko muna ang muka ko dahil punong puno ito ng kung anong tubig na malagkit.

Pintura? Nasabi ko sa isip ko ng makita ko kung ano ang malagkit na natapon sa akin. Tumingin ako sa taas. Nakita ko na may timba sa taas at alam kong doon nakalagay ang pintura. Sa hawakan ng timba ay may tali na naka konekta sa CR ng boys. Wala ba silang balak na tigilan ako?

Narinig ko ang tawanan ng tao sa pagilid.

" Bagay lang sayo yan. Your a slut! HAHAHAHAHA! " Sabi nung isa sakin sabay hagis ng bote ng tubig.

Habang naglalakad, nagpupunas padin ako ng katawan dahil sa pinturang itinapon sa akin. Kailan pa ako ng pader ng bahay aber? Mga bwisit kayong lahat.

May sumigaw ulit ng "Game na" At sa di inaasahan napatid ako. Di lang ako makalaban dahil ayokong tanggalin ang scholarship na ibinigay sa akin. Nakakapanghnayang. Running for CumLaude pa naman ako. Titiisin ko.nalang to.

Nakadapa pa din ako. Unti unti kong nararamdaman ang hapdi ng mga sugat na meron ako dahil sa pagkadapa. Masakit. Sobra. Nagsitawanan silang lahat. Naririnig ko na naman ang bulong bulungan nila. Ano pa nga ba? Lagi naman e.

" Hoy! Mga tarantado kayo! Tigilan nyo nga si Georgina. Di naman kayo inaano ng tao. Tabi! " Sigaw ng hindi ko kilalang lalaki. God. First time to. First time na may tutulong sa akin sa pangbubully ng mga lecheng yan.

" OMG. Si derick! Waaaaaa! Ang gwapo nya!! "

" Ang mahal ko!! Akin ka nalang Derick! "

" Akin lang sya boba! Tss! Ang pangit mo kaya! Di ka nya magugustuhan! "

Bulong bulungan na naman. Sino ba to? Mas lalala pa ata ang pangbubully sakin dahil sa kanya. Mukang sikat din sya. Kilala ng mga babae. Baka mamatay nako dahil sa pangbubully nila sakin.

Iniangat ko ang aking ulo. Pinipilit kong itayo ang sarili ko pero hindi ko kaya. Ang sakit nung mga sugat ko. Pati ata sa siko meron ako. Ang hapdi. Sabayan pa nung pinturang itinapon sa akin. Baka maimpeksyon pa sugat ko.

" Akin na ang kamay mo. " Sabi nya sa akin. Habang ako eto pati kamay ko hndi ko maitaas. Pinipilit ko padin ang sarili ko na tumayo.

" Di ko kaya " Bulong ko. Paiyak na ako. Ang sakit talaga. Ang hapdi ng mga sugat ko.

" Okay. Ill fix you. " Umupo sya. Inilagay ang kaliwa kong kamay sa batok nya. Bahagya akong napaaray sa ginawa nya.

" Are you okay? " Tanong nya dahil nakita nya din na nahihirapan ako. Di ako nagsalita.

" Okay. Bubuhatin nalang kita ng pangkasal Georgina ha? Mukang di mo kayang maglakad. " Sabi nya pa sabay itinayo kasama ang bewang ko para makatayo ng maayos. Pagkatayo ko ay nirekta buhat nya na ako ng parang pangkasal.

" What? Si Derick naman? Lahat nalang nilandi? "

" Bwisit! Ang landi nya talaga! Akin lang si derick! "

Narinig ko muna ang bulungan nila tapos nagdilim na ang aking paningin.

Derick's PoV~

Papunta na ako ng room ng makita kong binubully na naman nila si Georgina. T*ngIn*. Di ba nila titigilan ang mahal ko?

" Hoy! Mga tarantado kayo! Tigilan nyo nga si Georgina. Di naman kayo inaano ng tao. Tabi! " Sabi ko sa kanila. Nakita ko si Georgina na nakadapa. Puro pulang pintura ang damit. Ano na naman ginawa nila?

Nakita kong iniaangat pa ni Georgina yung katawan nya para makatayo pero hindi nya kaya. Puro galos sya. Asan na naman kayo yung g*gong Nash na yon? Hndi ba niya alam na nasasaktan na ang girlfriend nya?

" Akin na ang kamay mo " Sabi ko sa kanya. Iniangat nya ulit ang kamay nya pero di nya magawa. Nasasaktan sya. Alam ko.

" Di ko kaya. " Bulong nya pero narinig ko. Nanginginig yung boses nya. Paiyak na sya.

" Okay, Ill fix you " Umupo ako para alalayan sya sa pagtayo. Hinawakan ko ang bewang nya. Inilagay ko ang kamay nya sa batok ko bilang suporta sa paglalakad. Umaray sya na ikinataranta ko.

" Are you okay? " Hindi na sya sumagot. Nakakunot ang noo nya.

" Okay. Bubuhatin nalang kita ng pangkasal Georgina ha? Mukang di mo kayang maglakad. " Sabi ko. Di na siya sumagot. Itinayo ko na sya sabay ibinuhat. Nakita kong nakapikit na sya.

" Kayo! Di ba kayo natututo? Nasasaktan na yung tao binubully nyo padin? Wala namang ginagwa sa inyo yung tao eh. Anong klase kayong tao. Pag ito nalaman ni Nash. Humanda kayo sa kanya. " Sigaw ko sa kanila. Si Nash ang president ng buong school. Kaya nyang bigyan ng punishment ang mga taong nangbully sa girlfriend nya. Pero ang ipinagtataka ko. Di nya kayang ipagtanggol si Nash

Nagbulungan ang mga estudyante bago sila umalis. Nauna nakong umalis bago sila umalis. Naawa ako kay Georgina. Kung alam ko lang na ganto pala ang mangyayari. Dapat pala inunahan ko na si Nash.

-

" Anong nangyari sa kanya? " Sabi nung school nurse pagpunta ko sa clinic. Ibinaba ko si Georgina bago ko sagutin ang tanong nya.

" Binully na naman ng mga estudyante. Tinapunan ng pintura, Pinatid. " Explain ko sa kanya habang naghuhubad ng uniform pang itaas. Nakatshirt naman ako.

" Bakit sino ba yan? At na naman ang sagot mo? Ngayon lang kita nakita dto na may dalang babae " Sabi niya at lumapit kay Georgina.

" Grabeng pangbubully na ang ginagawa sa kanya. Bakit kaya ayaw pa nyang hiwalayan si Nash? Iba talaga nagagawa ng love. " Sabi niya nung makilala nya si Georgina. Suki na ba naman dito si Georgina. Lagi nalang andito sa clinic. Sikat din ako dto. Pero di katulad ni Nash na President ng school. Mahiyain ako.

" Iba iba ang estudyanteng nagdadala kay Georgina dto. Siguro yung mga taong naaawa sa kanya" Sabi nya pa. Akala ko nung una emotional syang sinasaktan ngayon physical din pala. Ngayon ko lang nakita. Di ko kasi sya naabutan sa hallway. Dinadaanan ko lang sya sa room kapag gusto kong masilayan yung kagandahan nya.

" Ayan tapos na. Pagpahingahin mo.nalang siya. " Sabi ng nurse nung natapos nyang gamutin yung sugat ni Georgina. Tapos ko nadin punasan ang sarili ko.

Tumayo ako. Pumunta sa pwesto ni Georgina. Tinanggal ko ang ilang hibla ng buhok nya na napunta sa buhok nya dahil sa pintura. She' s so beautiful. Ang ganda ganda nya. Mukang anghel. Simple. Mula sa mahahabang pilikmata. Makakapal na kilay. Yung matangos niyang ilong pati yung labi nyang mapupula. All simple and perfect. Kahit may pintura pa sya sa muka. Hinawakan ko ang kamay nya.

" Mahal na mahal kita Georgina. Lagi mong tatandaan yan. Nandito lang ako palagi sa tabi mo " Sabi ko sabay hinalikan ko ang kamay nya.

Sana hindi ko hinayaan na ligawan sya ni Nash. Hindi dapat ganto ang nararanasan nya. Dapat masaya siya hindi nahihirapan. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari. Hindi na sana kita pinakawalan pa. Georgina, Ikaw ang buhay ko. Akala ko sasaya ka sa kanya kaya hnayaan ko syang ligawan pero hindi pala.

Wrong MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon