Napasimangot si Rhianna. Nabara na naman ni Jaztine e, hahahahaha.


"So, ayun nga. Bat nga ba ang bitter mo?" -Mina.


Ano ba yan.


"Hindi naman ako bitter, mga breezy. Wala lang, trip ko lang sabihing walang forever. Ang saya lang kasi, try nyo minsan." -Sabi ko.


"Walang forever!! Oo nga 'no? Ang saya. Hahahaha!" -Mina.


Napailing si Jaztine at Rhianna. Pano kasi, sinigaw ni Mina yung 'walang forever' tas tuwang-tuwa pa sya.


Uto-uto talaga 'to.


"Hoy, aware ka bang nakakahiya ka?" -Tanong ko.


Biglang may kumalabit kay Mina kaya lahat kami napatingin sa likod nya.


"Ate, puro ka walang forever. Anong tawag mo sa lolo at lola mo? Friends with benefits? Sige mga ate, bye!" -Batang babae.


Pag-alis nya, nagtinginan kaming apat at natawa ng malakas. Friends with benefits, amp. HAHAHAHAHA!


"Na-boom panes ka, Mina! HAHAHAHAHAHA!" -Ako.


Tawa lang kami ng tawa nung biglang may kumalabit sakin. Hindi pa ko lumilingon pero natahimik na yung mga kaibigan ko.


Parang kilala ko na kung sino to.


Nung naamoy ko sya, feeling ko, nag-froze ako sa upuan ko.


"Kristellie.." -Sabi nya sa mahinang boses pero sapat lang para marinig ko.


"Anong kailangan mo sa kaibigan namin?" -Jaztine.

"Anong ginagawa mo dito?" -Mina.

"Ang kapal din ng mukha mo, ano?" -Rhianna.


"Malamang, walang manipis." -Bulong ko.


Napahagikgik si Jaztine sa tabi ko. Luh, garjud. Di ko na lang pinansin.


"Uh, pwede bang iwan nyo muna kami? Mag-uusap lang." -Sya.


Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Jaztine. Pero, hindi na pala kailangan.


"Pagkatapos ng ginawa mo tingin mo iiwan pa namin kaibigan namin sayo?" -Rhianna. Kahit naman palagi namin syang inookray, masyado pa din syang nagke-care samin. Lalo na sakin ngayon. Kasi alam nyang sensitive pa ko dahil sa nangyari recently.


"Rhianna, please? Kahit five minutes lang oh. Kung gusto mo, kahit dun lang kayo sa kabilang table. Basta iwan nyo muna kami." -Nagmamakaawang sabi nya. Hindi pa din ako humaharap sa kanya.

One Shot Collections [KathNiel]Where stories live. Discover now