CHAPTER 1

1.9K 61 21
                                    

Chapter 1

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Mama.

"Kakain, Ma. May pasok--"

"Mamaya kana kumain. Antayin mo munang makakain ang kapatid mo." sabi niya bago umalis ng kusina.

Napako nalang ako sa kinatatayuan. Iyon na ang naging routine dito sa bahay. Hindi ako pwedeng kumain hangga't hindi pa kumakain ang isa kong kapatid. Minsan ay kung hindi ako magtatago sa kung saang parte dito sa bahay ay hindi ako makakakain. Kapag wala silang tira, walang lamon.

It was a normal daily routine. Papasok akong walang kain, minsan pa nga ay walang baon. Pero okay lang sakin, ang mahalaga ay nakakapasok parin ako sa school. Way ko na rin para makaiwas sa bahay.

"Hey Lirabelle! Agang busangot niyang mukha mo! Ganda mo na sana, nagmumukha kalang thunderstorm."

Sumalubong agad sa akin si Rakia, bestfriend ko. Humawak siya sa braso ko at napansin na naman ang pasa malapit sa aking siko.

"Hindi parin nawawala?" nagkaroon ng awa ang mukha niya. "Alam mo, kung may kaya lang rin pamilya ko, ako na ang bahalang mag-hired ng lawyer para sayo, tapos kakasuhan natin 'yang pamilya mong ewan ko ba kung pamilya mo pa nga ba. 'Yong stepfather mo, naku darating ang araw mabubulok din 'yon sa empyerno!"

Panay ang salita niya habang naglalakad kami papasok ng campus. Sa halos taon na naming magkasama ay nasanay na ako sa bunganga niyang dere-deretso kung magsalita.

Tinapik ko ang kamay niyang nakayakap parin sa braso ko. "Wag ka ngang masyadong naha-highblood. Okay lang ako."

Humarap siya sa akin. "Ayan! Palagi ka nalang si okay, kahit sa loob mo naman ay hirap na hirap kana. Hayst! Masisisi mo bang highblood ako t'wing nakikita ko 'yang mga pasa at sugat mo? Natural boi, kaibigan mo ako. Hindi ko rin gusto na nasasaktan ka. Dapat nga umalis kana sa bahay niyo eh."

"Alam mong wala na akong ibang mapupuntahan, Raki." I bitterly smiled.

Napabuntong hininga siya at nagsimula na ulit kaming maglakad. "Dapat siguro...mag-asawa kana ng mayaman." Napatigil ulit siya at lumingon sa akin. "Mayaman si Sir diba?" tanong niya sabay ngisi. Nakuha ko agad ang nasa isip niya.

"Bwisit ka talaga!"

Tuwang tuwa palagi ang babaeng 'yon na asarin ako tungkol kay Sir. Although, alam naman niya na malabong magkagusto ako sa Prof namin na 'yon. Palagi niya parin akong inaasar na para bang kulang ang araw niya pag hindi nagagawa iyon.

"Good morning," bati ni Sir Zach at sinimulan na ang class niya.

Siniko agad ako ng katabi kong si Rakia nang magka-eye to eye kami ni Sir. Mukhang napansin iyon ni Sir kaya napangiti ito bago inalis ang tingin sa gawi ko. Bwisit talaga ang babaeng ito.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nanatili ang kaniyang nakakalokong ngisi.

Nang matapos na ang first class ay hinayaan ko ng mauna si Rakia. May sisilayan pa daw kasi siya sa Engineering Department. Wala akong alam kung sino na naman iyong sinasabi niyang crush niya doon. Halos linggo-linggo naman ay may bago siyang crush.

Naglalakad-lakad ako sa may hallway nang marinig ko na may tumawag sa akin.

"Lira," ngumiti agad ito.

"Sir," naku. Mabuti nalang wala ang maingay. "Bakit po?"

He kept smiling. "Wala naman." he pursed his lips before he take his looks back on me. "Ah, did you have your lunch?"

Bahagya akong umiling. "H-Hindi po ako nagla-lunch." dahilan ko nalang.

Nangunot ang noo niya. "You should have your lunch. 2pm pa ang next class mo ah. Hindi parin naman ako kumakain, sabay na tayo."

LOVING YOU RAISED TO THE INFINITE POWERWhere stories live. Discover now