PROLOGUE

2K 73 24
                                    

Prologue

Lira Isabella Fajardo

Is it possible if a teacher fall in love with his student?

I can't still imagine.

Para sa akin ay napakalabong mangyari iyon. As a student, we considered teachers as our second parents. Bukod pa doon ay alam kong nasa batas na bawal talaga ang relasyon between a student and teacher.

Kaya, how could I believe doon sa sinasabi ng iba kong classmate at nitong kaibigan ko na...

"Uy, feeling ko talaga may gusto sayo si Sir!"

Napapangiwi nalang ako. "At paano mo naman nasabi?"

Tumataas taas pa ang kilay ni Rakia habang nakangisi. "Palaging ikaw ang tinatawag niya pag recitation!"

"Paanong hindi? Eh nagsisitago ang mga ulo niyo pag recitation, malamang ako agad ang makikita no'n, at isa pa alam no'n na...mahilig talaga akong sumagot sa recitation."

Napa-ismid siya sa akin. "Kahit hindi recitation, ikaw ang tinatanong niya."

"Malamang, normal naman na magtanong ang isang teacher sa student--"

"Normal din bang ang itanong niya sayo, 'If the square root of four is two, can you love me too?' ayy!"

"Talandi ka!"

Nakurot ko siya sa tagiliran. Tatawa tawa pa siya sa akin.

Nandito parin kami sa may corridor nang dumaan sa harap namin si Sir. Ngumiti siya sa amin...at binigyan ako ng panandaliang titig. Pansin ko na naman ang pagsulyap sa akin ng kaibigan ko kaya ako na ang napaiwas ng tingin kay Sir. Ngumiti muna ako bago umiwas dahil baka makabastos pa pag basta nalang diba.

I sometimes caught him staring at me. Hindi ko binibigyang malisya iyon, pero ang mga tao sa paligid ko ay kung ano-ano ang sinasabi.

Mabait si Sir , hindi siya nakaka-pressure kung magturo sa madaliang salita. That's why a lot of student is admiring him. He's friendly lalo na sa labas ng school. Marami rin ang nahuhumaling sa kaniya dahil hindi naman maikakaila may maipagmamalaki ang mukha niya.

Sa totoo nga ay gusto ko siyang maging kuya kapag nasa labas na ng school. Pansin ko rin kasi na napaka-protective niya, kahit sa students palang, ano pa pag kapatid or pamilya na niya diba?

Gusto ko lang maranasan na maprotektahan. Gusto ko rin 'yong may mapapagsabihan ako ng problema. Iyon bang matatakbuhan ko t'wing nasasaktan ako. Iyong mapupuntahan ko t'wing...umaalis ako ng bahay.

That's all I want. Kaya ayoko na nali-linked ako kung kani-kanino lalo na kay Sir. Aguy!

And I want to be true. I can't see myself having a relationship with a teacher.

Especially my teacher.

__
cessias

LOVING YOU RAISED TO THE INFINITE POWERWhere stories live. Discover now