Kumunot ang noo ko. ''What? Wala no.''

''Good. Just always remember this, hindi ko man maisigaw sa buong mundo na akin ka. Isuot mo lang 'tong t shirt na 'to ng malaman nilang may asawa kana.'' Sabi niya at binigay saakin ang puting t shirt.

Tinaas ko 'yun at tinignan kung ano ang nakasulat.

I WILL ALWAYS BE MRS. GARCIA.

Napanganga ako sa nakasulat na 'yun. Omg.

''Wear that shirt whenever you're not with me. Kapag kayo kayo lang magbabarkada ang lumabas.''

Napangiti ako at niyakap siya ng mahigpit.

''I will. Hinding hindi ako mapupunta sa iba.'' Sabi ko at hinalikan ang pisngi niya.

''Aray!''

Humiwalay ako kay Blake at nakita sa gilid ko ang mga kaibigan ko na kinukurot ang mga boyfie nila.

''Ayan! Wala na! Napaka-ingay mo talaga Ian! Kabwisit ka!'' Inis na sabi ni Jai kay Ian.

''Sorry na. Ang sakit sakit na kasi ng kurot mo e.''

Hindi siya pinansin ni Jai. Imbes, lumapit sakin ang mga kaibigan ko at hinablot sakin ang t shirt. Ay, wow ha?

''Omg! Kasyang kasya 'to sakin!'' Kinikilig na sabi ni Ericka.

''Assumera! Feelingera! GGSS! Gaga! Sakin kasya 'yan! Kaya akin na!'' Kinah.

''Sakin! Matataba kayo ako hindi!'' Jai.

''Oh shut up guys. Alam niyo naman sa fashionista nababagay 'yan.'' Sabi ni Ara at inagaw ang damit kay Jai.

''Hindi! Sakin!''

At ayun, nagrambulan na sila sa t shirt na ibinigay saakin ni Blake.

''Ehem!'' Pekeng ubo ng boys kaya natigil ang mga lokaret kong kaibigan sa pagaagawan.

''Ang sakit ng lalamunan ko pre.'' Sabi ni John kay Bryan.

''Ako sakit ng mata ko sa nakikita ko e.'' Bryan.

''Ay ako hindi, sakit ng tenga ko sa mga pesteng agawan na 'yan.'' Ian.

''Langya, puso ko masakit e!'' Jhersel.

Tumingin ako kay Eithan at nakita kong sumisipol siya habang papalapit kay Doms.

''Buti na lang 'tong akin hindi naki-agaw. Kaya mahal na mahal kita babe e.'' Sabi ni Eithan at inakbayan si Doms.

Lumapit naman ako sa mga kaibigan ko at kinuha ang t shirt.

''Kawawa naman 'tong t shirt na 'to. Pinag agaw-agawan.'' Sabi ko at tumawa. ''Puntahan niyo na mga boyfriend niyo. Nagseselos na. Akin lang 'to, okay? Gora na! Chupi!'' Taboy ko sakanila.

Tinignan naman nila sila Ian na umupo sa gilid at umiling.

''Uh oh.'' Sabi nila at nilapitan na ang boys.

Tumawa ako at umupo ulit sa tabi ni Blake na walang pakealam.

''Mukhang nalugi 'yung mga barkada mo.'' Sabi ko at tumawa.

''Hayaan mo sila. Ako lang naman hindi nalulugi e. Kasi I know, you are mine till the end.'' Aniya at ngumiti.

Napangiti din ako. Nakakahawa ang ngiti nitong lalaking 'to!

''Ay! By, pinapatawag pala ako ni Sir Magtahan. Pupunta lang ako sa room niyo.'' Paalam ko at tumayo.

''I'll go with you.''

''Diyan lang naman ako e.''

''No. Come on.'' Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Naglakad na kami patungo sa pinto pero huminto muna ako at nagpaalam sa mga kaibigan kong sinusuyo pa din sila Ian. Well, except for Doms and Eithan na nasa kabilang gilid.

Campus QueenWhere stories live. Discover now