Alam kong hindi ko dapat ito gawin pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na sundan sila. Hindi ko guguluhin ang mga gagawin ni Angel but I wanted to know what it is.

Nilibot ko ang tingin dahil hindi ko na sila mahanap. I roamed my eyes again and finally I found them again. Iniwasan kong makagawa ng kahit anong ingay at nagtagumpay naman ako roon.

Nagtago ako sa likod ng puno at dahan-dahan na naupo. Tiningnan ko ang aking talampakan kahit pa hindi iyon malinaw dahil sa dilim. It has wounds but I don't know if it is big or not.

"Amadeus..." napaayos ako ng upo ng marinig ko ang boses ni Angel.

"Why did you bring me here? Sabi mo may sasabihin ka," si Amadeus.

Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil nag-aabang ng susunod nilang pag-uusapan.

"Ah... just give me, uhm... a little time." Si Angel.

"Kailangan ko pang bumalik do'n. Kailangan nating bumalik," mariing sabi ni Amadeus.

Hindi ko makita ang mga mukha nila dahil tanging boses lang nila ang pinapakinggan ko. Nakasandal lang ako sa puno at hinihintay ang susunod nilang usapan.

"You know that... I've always like you, right?" nakagat ko ang aking ibabang labi. "I... I still like you, Amadeus..."

Napayuko ako at naghihintay.

"I know that you don't feel the same way towards me. But I can wait, Amadeus. Just give me a chance to show to you how much I like you..."

"Angel, you know that even you confessed to me I cannot accept it." Napangiti ako sa isinagot ni Amadeus.

"W-Why? May nagugustuhan ka na ba? I can... wait!" giit pa ni Angel.

Napairap ako. Mas'yado talagang mapilit ang isang 'to!

"It doesn't matter," nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa pagpipigil ng ngiti.

"It matters, Amadeus! Sino? Sino ang gusto mo? Si Milada?!"

Nahigit ko ang aking hininga dahil sa isinigae ni Angel. Na para bang naputol na ang pisi ng kanyang pagpipigil na huwag banggitin ang pangalan ko.

"Angel—"

"Siya ba?! Sumagot ka, Amadeus!"

Bakas ang panginginig sa boses ni Angel. Napahawak ako sa tapat ng aking dibdib dahil sa paghihintay ng sagot ni Amadeus. But it didn't happen.

Tumahimik ang paligid. Sumilip ako mula sa likod ng puno dahil sa pagtataka sa pananahimik nilang dalawa at nang magawa ko 'yon ay tuluyang nanlaki ang mata ko sa nakita.

Nakatalikod sa akin si Amadeus habang nakaharap naman sa gawi ko si Angel. I saw how Angel tilting her head while kissing Amadeus. Napakurap-kurap ako at tuluyang nakaramdam ng bigat sa dibdib ko.

Mabilis akong bumalik sa pagkakasandal sa puno at napayakap sa aking mga tuhod dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

They kissed.

Nakagat ko ang aking ibabang labi at tuluyan ng nangilid ang luha sa mata ko ng mapagtanto na kahit sa pangalawang pagkakataon ay wala pa rin pala talaga.

Napatingala ako sa ere ng magsimula ng magkaroon ng fireworks display. Mapait akong napangiti dahil pamilyar na pamilyar ang eksenang ito sa akin.

Yumuko at tuluyan ng napahikbi.

How stupid of you, Milada! Hinding-hindi ka magugustuhan ni Amadeus.

Halos binuhos ko ang pag-iyak ko sa likod ng punong 'yon habang patuloy naman ang fireworks display. Suminghot ako at mas niyakap ang aking mga tuhod.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now