Chapter 24

821 27 5
                                    

     MARIIN niyang pinikit ang mata

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

MARIIN niyang pinikit ang mata. Ilang beses din siya huminga ng malalim pagkatapos ay bumuntong hininga.

Nag hintay siya ng dalawang minuto bago niya unti-unti binuksan ang mata. Mas dumiin ang kapit niya sa lababo ng kubeta. Natigilan nang makita ang result ng pregnancy test.

Ilang beses siya nag blink ng mata. Sinubukan niya rin kurutin ang sarili pero nasaktan lang siya. Binalik niya ang tingin sa PT. It says positive.

Two lines.

Positive.

"G-grey?" nanginginig niyang sigaw sa pangalan ng binata. Bumukas naman agad ang pinto ng kubeta at niluwa nito si Greygory nag aalala.

"What is it?" marahan nitong tanong sa kaniya.

Umiiyak na ngumiti siya rito at pinakita ang naging result. "For real?!" Kinuha ni Greygory ang pregnancy test at tiningnan ito pagkatapos ay hinila siya nito payakap.

"Am I going to be a dad?"

"I.. I guess?" Mahigpit niyang niyakap ito at paulit-ulit na sinabing oo.

Maraming binili si Greygory na pregnancy test. Lahat ata ng brand nang makita nito ay binili nito at lahat ng tatlong iyon ay sinubukan niya gamitin. Lahat din no'n ay positive ang naging results.

"We have to go to hospital," saad niya pero agad din siya natigilan. Hindi siya pwede agad pumunta sa hospital. Hindi sa mga oras na iyon kung saan nag tatago silang dalawa sa ina niya at kay Kayden.

At alam iyon nilang dalawa ni Greygory.

"It's okay, we will get through this." Marahan nitong tinapik ang likuran niya pagkatapos ay hinalikan siya sa pisngi.

Pinunasan niya ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi. Sobrang saya niya. Hindi siya makapaniwala. Nabiyayaan sila ng isang buhay ng Maykapal.

Buntis siya. Magiging mommy na siya.

HINAWAKAN ni Greygory ang kamay niya nang matapos siya tingnan ng OB doctor. Hindi nila nagawa pumunta sa hospital dahil may uncle si Greygory na doctor.

"Grey, can we talk."

"No, uncle. You can talk to me with my wife."

Gulat napalingon siya kay Greygory. Wala naman sinabi ito sa kaniya bagkus ay pinisil lang nito ang kamay niya.

"Ok," marahan na saad nito. Tumingin pa ito sa kaniya pagkatapos kay Greygory. "She's four weeks pregnant but I'll be honest to the both of you. Ashley needs to go to hospital. For more checkup. For us to be really sure. Para na rin sa kalusugan niya at sa magiging anak niyo."

"O-okay, salamat uncle," nahihirapan na saad ni Greygory.

Siya naman ang pumisil sa kamay ni Greygory pagkatapos ay hinalikan ang kamay nito.

Ash GreyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora