Marupok

Insane

At kahit ano pa yan, tanggap ko kasi mahal ko. Sobra kong mahal.

Tiningnan ako ni Maice nang masama pero sa huli pumayag na din sya na sumama sa lunch

"Grabe kayo, iniwan nyo talaga ko doon?" Biglang singit naman ni Lance

"Yieeee! Ayan na pala ang night in shining armor mo Justine." Kinikilig na pahayag ni Mon

Natawa ako, sana alam na nila yung kwento. Lahat ng ito ay wala nang epekto pa kay Craye ngayon.

"Alam mo Lance, kung ako sayo ligawan mo na tong si Justine." Suggestion ni Gianne

"Papayag ka ba? Ha Justine?" Lumapit pa sakin si Lance na akala mo maaapektohan pa si Craye sa mga ginagawa nya

"Halika na, para kang Tanga jan." Yaya ni Maice kay Lance habang higit higit nito ang Tenga ni Lance papaalis sa quadrangle

"Ahhh una na ko Guy's, may klase pa ko at medyo malayo pa department ko dito. See you later, bye Craye." Nag beso muna si Kylie kay Craye tyaka sya nag wave sa amin at umalis

"Bye Kylie." Tugon ni Mon

"Tara na, baka may klase pa yung iba jan?" Yaya ni Angel sa lahat

"Sige, una na ko may dadaanan pa ko sa music room. Craye iwan na muna kita ha. Bye guy's." Paalam ni Mon

Ako, si Craye, Angel, Sally, Gianne at Sandy na lang ang andito sa quad.

"Teka! Naalala ko, ano nga palang nangyari sa inyong dalawa. Diba hinabol mo si Justine, Craye?" Out of nowhere na tanong ni Angel

Kinabahan akong bigla kaya tiningnan ko si Craye, mukang wala din syang balak na sumagot.

Ano pa bang aasahan ko? Lagi naman syang duwag.

"Hindi naman kami nagkita, tyaka bakit nya naman ako susundan? Anu bang pakialam sakin nyan?" Sarcastic na tanong ko sa kanila

"Justine." Pagtawag sakin ni Craye pero hindi ko nilingon.

"Kasi sabi ni Craye kay Mon uuwi na daw sya nung araw na yun kasi sumakit yung ulo nya." Paliwanag naman ni Sally

"See! Kaya hindi kami nag kita." Sagot ko sa kanila

Gumawa na lang ako nang sariling kwento, pakiramdam ko naman ay wala nang balak pang sabihin ni Craye ang lahat at itutuloy nya na ang disisyon na ligawan sya ni Kylie.

Masakit, sobra. Mas masakit pa dahil kahit manlang bilang kaibigan ay hindi ko na kaya pa syang pakisamahan gaya nang dati. Hindi na kagaya noon, iba na ang sitwasyon namin ni Craye ngayon.

"Nagkita kami, sinundan ko sya." Biglang sagot ni Craye

Nagulat ako, akala ko ba? Kaya napalingon ako sa kanya.

"Ano ba talaga?" Naiinis na tanong ni Sandy

Walang ano-anoy bigla akong hinigit ni Craye palayo sa kanila.

"Craye, wait." Sigaw ni Gianne

"May kailangan lang akong ayusin." Sigaw nya sa mga kaibigan namin

Paghawak pa lang nya sa kamay ko, wala na. Ako na siguro yung taong pinaka marupok sa Mundo pagdating sa taong mahal ko.

Hila-hila ako ni Craye papunta sa parking lot.

Isa lang ang alam ko ngayon, masaya ako. Lahat nang nakita ko kanina sa quadrangle ay nawala na lang lahat, yung sakit na nararamdaman ko bigla na lang nag laho. Yung ilang araw na hindi ako masaya ay bawing bawi ngayon. Ang pagod, iyak at sama nang loob sa kasama ko ngayon ay nabura na rin.

Oo na, Sige na. Ganon ako katanga sa kanya. Ganon ko kamahal si Craye.

Kahit sarili ko tinatraydor ko na. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.

She's mine! Only mine.

Pinasakay ako ni Craye sa kotse nya, kung saan kami pupunta ay bahala na. Kahit saan naman sasama ako sa kanya, walang pagdadalawang isip.

"Justine." Tawag sakin ni Craye habang binabaybay namin ang daan kung saan wala akong idea.

"Shhhhhiiiiiii, just quiet." Sabi ko na lang

I hold her right hand to intertwine mine's left hand.

Gusto ko lang na ganito, tahimik habang hawak hawak ko sya.

Alam ko kasing akin sya, akin sya ehhh. Kailangan ko syang ipagdamot sa iba.

Ganon naman pag nagmamahal diba? Hindi ka hihingi nang kapalit, ang iparamdam sa kanya na mahal ko sya ay sapat na para sa akin.

Hindi ako mag dedemand, maghihintay ako sa kung ano lang ang kaya nyang ibigay.

"Craye, okay lang ba na ganito ako kagaya ng dati? Okay lang din ba kung hihingi ako ng favor sayo? Kung gusto mo na sya, please wag ka sanang mag bago? Wag mo sanang baguhin yung kung paano tayo before." Pagmamakaawa ko sa kanya, wala na kong choice kundi eto na lang. Kung matatalo man ako, at least naipakita ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal nang hindi humihingi nang kapalit.

"Bakit napaka territorial mo?" Tanong sakin ni Craye

"Baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin, pero kahit naman ginawa ko na baka mapapunta kapa din sa iba. At yon, yun ang pinaka kinakatakot ko." Sagot ko sa tanong nya

"Sorry kung nasasaktan na kita, wag kang mag alala nakuha lang talaga ako ng tyempo para sabihin sa mga kaibigan natin na Ikaw naman talaga yung gusto ko." Sabi ni Craye tyaka nya itinigil yung kotse nya sa gilid.

"Justine sorry, sorry kung palagi na lang kitang nasasaktan. Wala naman akong ibang hangad kundi ang maging masaya ka lang. Si Kylie, mabait sya sobra. Wala akong makitang dahilan para saktan sya."

"Shhhhhiiiiiii." Pagpigil ko sa sasabihin ni Craye, alam ko na masasaktan ako sa mga susunod na sasabihin nya.

Gusto kong mag demand sa kanya na paano ako? Nasasaktan nya din ako, sobra sobra pero iniisip nya pa din yung feelings ni Kylie.

Hindi ko gagawin na mag demand sa kanya, ako ang humingi nang pabor. Kung gaano pa kasakit yung mga darating na araw ay tatanggapin ko, wag lang syang umalis sa tabi ko.






--------------------
She's begging. Why naman ganon Master. 🥺🥺

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now