Chapter 2

1.7K 34 1
                                    

“Positive siya sa dengue. Pero don’t worry dahil naagapan naman agad. Buti nga at nadala dito sa hospital bago pa lumala.” Yun ang sabi ng pedia ni Brhiella.

Pumasok na ko sa private suite ni Brhiella pagkatapos kong makausap ang doctor.

“Mommy!” sigaw ni Brhiella sa akin.

“Tell me honey… may sakit ka ba talaga? Parang wala naman eh.” Sabi ko sa anak ko.

“Mommy I miss you. Saan ka ba galing?”

“Sa wedding, anak.”

“Talaga? Maganda ba yung wedding mommy?”

“Oo naman. Ako yata ang wedding planner.”

“Really?”

“Yes. Bakit wala ka bang tiwala sa galing ni mommy?”

“Meron po. Kaya nga po sabi ko kay Doctor Reese ikaw na lang ang kuning wedding planner sa kasal niya eh.”

“Ang galing naman ng baby ko. Pwede ka na palang maging marketing manager eh. Nasan nga pala si yaya mo?” tanong ko sa anak ko.

“Bumili po ng pineappe juice. Para daw po healthy ako.”

“Iniwan ka niya mag-isa dito?”

“Hindi po. Kasama ko po si Doctor Reese eh.”

“Ah. Magpahinga ka na baby… para gumaling ka na.”

“Mommy kapag ba gumaling na ko isasama mo na ko sa Manila? Pareho na din ba tayo ng house?”

Natigilan ako sa sinabi ni Brhiella. Na-guilty naman ako bigla.

“Mommy sabi ng mga kaklase ko dati hindi mo daw ako love kaya hindi tayo sa same house nakatira. Totoo ba yun mommy?”

“Hindi ah. Love na love ka ni mommy. At saka kaya lang naman ako umaalis dahil sa work di ba? At saka alam mo namang hindi ka pwede tumira sa Manila dahil polluted na ang air dun at may asthma ka.”

“Eh bakit yung pinsan daw po nung classmate ko may asthma pero nandun?”

“Sanay lang siguro siya dun anak. Wag ka mag-alala. Kapag naayos ko na ang mga dapat kong ayusin isasama na kita ha?”

“Talaga po?”

“Oo naman.”

“Yehey!”

“Basta magpagaling ka na ha?”

“Yes Mommy!”

Nang makatulog si Brhiella ay nagsimula na akong kabahan. Alam niyang gusto na siyang makasama ng anak niya pero hindi pa din maaari. Lalo na ngayon na nagbalik na si Bryce. Wala dapat ang makaalam. Wala dapat ang makaalam na nagkaanak siya. Na nagkaanak sila ni Bryce.

“She told me you are the best wedding planner.” Naputol ang pag-iisip ko ng dumating ang pedia ni Brhiella.

Nginitian ko ito. “Magaling mag-promote itong bata na to. Pauwi na ko pero dumaan lang ako para kumuha ng calling card mo.”

“Oh!” tumayo ako at kinuha ang wallet sa bag ko. “Here.”

“Thanks. I’ll call you kapag nakapag-usap na kami ng fiancée ko.”

“Okay. Ah doctor Reese… about Brhiella. Is she really going to be fine?”

“Malalaman natin yan kapag lumabas yung mga bagong tests niya. For now… I can say na malusog siyang bata at gagaling siya agad.”

“Salamat.”

 

Isang buwan na din ang nakalilipas mula ng makalabas ng hospital si Brhiella. Ngayon ay inaasikaso ko na ang tatlong kasal na hinawakan ko ngayon. Ang kasal ni doctor Reese. Ang kasal ng sikat na international actress na si Giselle Veloncoso at ang sikat na fashion designer na si Anastasia Kerr.

Nasa Makati ako ngayon para puntahan si Giselle Veloncoso dahil napag-usapan naming magkita sa isang souvenir shop na nasa loob ng isang malaking mal at para puntahan ang reception sa gaganaping kasal nito.

“You’re going shopping?” nagulat na lang ako ng biglang sumulpot si Bryce sa tabi ko.

“Ginulat mo ko.”

Tumawa lang ito. “Magugulatin ka pa din pala.”

“At mahilig ka pa ding manggulat.”

Nagkibit lang ito ng balikat. “So… anong ginagawa mo dito?”

“May imi-meet akong client.”

“Ah.”

“What about you?”

“I’m going to meet someone. Babawi lang ako. Nung isang buwan pa kasi dapat ako kaylangan sa pupuntahan ko. Kaso masyadong busy sa work kaya ayun.”

“So… yung imi-meet mo ba eh yung girlfriend mo?” tanong ko kahit na nasasaktan ako.

Ngumiti lang ito. “Secret. Sige mauna na ko.”

Nauna na si Bryce sa akin pero halos pareho lang naman kami ng pupuntahan. At paghinto ko sa tapat ng shop kung saan ko imi-meet ang client ko ay nakita ko si Bryce na lumapit sa isang babae at niyakap ito mula sa likuran. Ng humarap dito ang babae ay laking gulat ko na si Giselle Veloncoso ang babaeng yun.

Planning My Ex-Husband's WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon